Deep's point of view..."Sorry late po ako." Hinihingal na sabi ko sa prof namin pagkatapos ko ng room.
"Next time kapag late kapa mag drop ka nalang Mr. Deep. Hindi iyong sinasayang mo lang ang pagpapaparal sayo ng parents mo. Hindi porkit mayaman kayo at kaya mong mag bayad ng tuition fee dito ay gaganyan ganyan kana."
Yumuko ako at tumingin sa mga kaibigan kong nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa akin
"Take your seat!"
Tumango nalang ako sa prof namin at naglakad na sa upuan ko at nang pagtalikod ko ay matinding irap ang ginawad ko dito.
" Bakit ka nanaman kasi late, ah?" Usisa agad ni Art sa akin pagkaupo ko.
"Tss. Ano pa nga ba edi hang over. Hanggang ngayon nga ay masakit parin ang ulo ko." Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa prof namin at baka ako nanaman ang makita nito.
"Hang over? Diba hindi ka naman uminom kagabi?" Takang tanong ni Gero.
"Anong hindi ako uminom? Wag mong sabihing hindi mo ako napansin kagabi, e kayo ang naghatid sa akin."
"Yon lang. Hindi kami ang naghatid sayo kagabi."
"Edi sino?
"Sino paba, edi yong asawa mo."
"Si Guitar?" Gulat na tanong ko.
"Aba, alam mo na pala ngayong si Guitar ang asawa mo" Natatawang sambit ni Art na halos batukan ko na.
"Eto nga pala pina pabigay ni Guitar sayo inumin mo daw yan para mawala hang over mo." Napatingin ako sa inabot ni Gero na gamot.
"Anong gagawin ko dito?"
"Ayt! Siguro iinumin mo yan gamit yang kamay mo."
"I mean, bat niya ako binigyan neto?" Iritado kong sabi.
"Ang slow mo naman." Kakamot kamot na aniya. "Inumin mo daw kasi Yan para mawala hang over mo kasi noong hinatid ka daw niya kagabi reklamo ka raw ng reklamo na sobrang sakit ng ulo mo. Ano gets mo na?"
Sinimangutan ko nalang sila at ibinaling ang ulo sa harap kahit wala naman akong maintindihan sa mga tinuturo ng prof namin. Pagdating ng break time ay sabay sabay kaming bumaba sa canteen para mag meryenda. Hilot hilot ko parin ang noo ko habang hinihintay sila Gero at Art na pumipila sa counter.
"Hi, Deep! Kumusta na?"
Napatingala ako sa dalawang dumating, yong dalawang kaibigan ni Guitar na si Adam at Kai. Lumingon lingon ako sa likuran nila at baka sakaling makita ko si Guitar pero wala siya. Napansin ko din na wala sila kagabi sa SunFlower pero hindi ko nalang tinanong kong bakit.
"Wala si Guitar ngayon, e, hindi pumasok." Narinig kong sabi ni Kai at umupo sa tabi ko.
"Hindi ko naman tinatanong." Sabi ko at palihim na sinulyapan ang cellphone ko sa ilalim ng lamesa baka kasi may nag text doon na kung sino.
"Pero halata namang hinahanap mo." Sabi naman ni Adam at umupo rin sa tabi ko.
"Pakialam ko ba. Tss! Kahit hindi siya pumasok."
Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumisi sa akin.
"Ang cute mo pala. Alam ko na ngayon kung bakit patay na patay yong kaibigan namin."
"Tss. Kayong dalawa nga kung wala kayong magawa sa buhay ay wag niyo nalang akong guluhin. Tsupi! Tsupi!" Pagtataboy ko sa kanilang dalawa.
"Hindi mo naman kailangan mahiya sa amin, Deep. Kung talagang namimiss mo si Guitar pwede ka naman naming samahan sa bahay niya." Wika ni Adam.
BINABASA MO ANG
Deep And Guitar (BL NOVEL)
Teen FictionSa paanong paraan ba natin masasabi kung nakita o nakilala na natin ang taong para sa atin? Sa klase ba ng pananamit niya? Sa personality ba niya? O, sa anong klase bang tao siya? Minsan kung saan saan mo hinahanap ang 'right one' mo kaya ang ending...