Deep and Guitar: 4 Hate You

21 2 0
                                    

DEEP Point of view

"Bwisit ka talaga, Guitar!"

"Bwisit ka talaga Guitar!"

"Bwisit ka talaga Guitar!"

Pinagsusuntok ko yong unan ko at iniisip na si Guitar iyon. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at badtrip na badtrip habang inaalala nanaman yong last na paguusap namin ng hambog na Gitarang yon.

"Ano ka niya? Ang cute ko daw kapag nagagalit?!" Bulong ko sa sarili ko tyaka ko nanaman sinuntok ang unan ko. "Ano ako aso!"

Nangangalaiti talaga ako at kung hindi lang tumunog ang messenger ko ay hindi ko talaga titigilan yong unan hanggang hindi nasisira.

Dinampot ko yong cellphone ko sa ibabas ng center table malapit sa kama ko tyaka ko iyon binuksan.

Nag chat si Art sa Gc naming tatlo nila Gero. Hindi ko nga Alam kung bakit kami gumawa ng gc gayong tatlo lang naman kaming nakasali. Tsk!

Nagpadala siya ng video at mukha ko yong nandoon kaya binuksan ko.

Halos tumindig lahat ng balahibo ko ng mapunuod unti unti yong buong video nang nasa bar ako at hinahalikan ni Guitar. Hindi siya kita sa Video dahil nakatalikod siya pero alam ng lahat ng makakanuod nito na siya iyon dahil sa tindig at buhok palang niya.

Napamura ako at namilog ang mata. "Sinong kumuha nito..."

Cli-nose ko yong video at nakitang andaming nagpapadala sa akin ng messege. Binuksan ko isa Isa yon pero dahil sa sobrang dami ay hindi ko din nabasa lahat pero iisa lang ang sinasabi nila.

Kailan pa daw naging kami ni Guitar!!!

Art

What the?! Diba yan yong naginuman tayo sa bar , Deep?

Gero

Punta ka sa page ng cute boy bae nandoon yong video niyo ni Guitar na naghahalikan. Andaming comment at andami ng nag babash sayo, tol.

Nagmadali akong pumunta sa sinasabi ni Gero na cute boy bae at yon nga nandoon nga yong video namin ni Guitar.

What the fuck!

Napahilamos nalang ako sa mukha habang nagbabasa ng comment at halos lahat babae ang mga nag cocomment. Tinignan ko din yong oras at nagulat ako dahil wala pang isang oras ay umabot na kaagad sa thousands ang like at share.

Inisa isa ko na ulit basahin yong mga comment.

-DionPres: Akala ko ba single si Guitar bakit sino yang kahalikan niya! Huhuhu

-Kittykat: Dati gusto kong makapagtapos ng pag aaral pero ngayon parang ansarap mag bigti.

-Scarychics: Sino kaya yang umaagaw sa Guitar ko at mapasalvage na.

Deep And Guitar (BL NOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon