Deep's point of view"Napakadaya mo talaga, Deep! Hindi ka namin tunay na kaibigan!"
Inis akong kinaltukan si Art. Ilang ulit niya na 'tong sinasabi at naririndi na ako. Nalaman niya kasi yong nangyari kagabi na nag inuman kami sa apartment ni Guitar. At kung tatanungin niyo kung paano niya nalaman...
FLASHBACK!
"Wushu! Bakit sabay kayong pumasok, ah?"
Kay aga-aga ay ang nanunuksong tingin nila Adam at Kai ang sumalubong sa amin ni Guitar pagkapasok palang namin.
"Tss." Wala akong ganang tumitig sakanila.
"Mukhang may nangyari, ah?" Nangingiting ani Adam at palabiro niya pa akong dinangil. "Kwento naman diyan para naman alam namin, diba?"
"Wag mo nga akong biruin ngayon, masama gising ko." Inis kong sabi at nagulat naman sila.
"What? Don't tell me pinagod mo si Deep, Guitar, my friend?"
Kumunot ang noo ko at maya maya pa ay nagsalubong ang kilay ko nang ma-gets ko ang sinabi nila.
"Ikaw, parehas kayong mag to-tropa ang laswa ng pag iisip niyo." Iritado kong sabi tyaka sila sinamaan ng tingin.
Nag iwas ako ng tingin sakanila tyaka tumingin kay Guitar. Tss. Hindi man lang ba magsasalita ito si Guitar?
"Wushu! Ano naka-score kanaba?" Bulong bulong pa ni Kai sakanya ngunit rinig na rinig ko naman.
"Tsh! Shut up, Kai. Baka magalit na siya." Bulong din ni Guitar sa mga ito ngunit narinig ko parin.
Tss! Mag bubulungan na nga lang ang magkakaibigan na 'to pero rinig na rinig naman.
"Weak ka, pre. Tsk. Tsk. Tsk!"
"Deep!"
Tss...
Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses na 'yon at nakita kong patakbong lumalapit sila Gelo at Art sa akin. Muntik pa ngang madapa si Art sa kamamadali.
"Aray ko naman!" Angil ko matapos akong yakapin ni Art nang mahigpit pagkalapit niya. "Bitaw nga!" Sabi ko at inilayo siya sa akin.
"Kahapon ka pa namin hinahanap! Saan ka nangaling?" Sigaw niya sa mismong mukha ko na halos mabingi na ako.
"Oo nga, Deep. Hindi mo napasukan 'yong mga major subjects natin kahapon." Si Gero medyo matino tino.
Napasulyap ako kay Guitar sa narinig at nakita ko siyang ngumisi dahil alam niyang dahil sakanya ay hindi ko napasukan ang mga iyon.
Badtrip naman!
"Nag alala kami." Dagdag pa ni Gero, bumaling ulit ako sa mga kaibigan ko.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, e." Nanunukso ang tinig ni Adam habang si Kai naman ay pasipol sipol.
BINABASA MO ANG
Deep And Guitar (BL NOVEL)
Teen FictionSa paanong paraan ba natin masasabi kung nakita o nakilala na natin ang taong para sa atin? Sa klase ba ng pananamit niya? Sa personality ba niya? O, sa anong klase bang tao siya? Minsan kung saan saan mo hinahanap ang 'right one' mo kaya ang ending...