Deep point of view...
"You son of a bitch!" Sigaw ko kay Guitar matapos niya akong hilain sa harap ni Reliana. "Let me go!" Sabi ko at hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Pwede ba, h'wag kang sumigaw." He said with his cold and baritone voice.
Tumigil kami sa building ng architecture hindi ko nga alam bakit niya ako dinala dito, e.
I'm pissed! I really am! Imbis na nag eenjoy ako kasama ni Reliana doon sa canteen ay isang bakulaw at moody ang naging kasama ko. Malayo kay Reliana na mahinhin at cute.
"I hate you..." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
"I hate you, too..." Aniya at sumandal sa pader.
Now what?! Anong gagawin namin dito? Tititig sa mga ibong nagliliparan at sa init ng araw? What the fuck!
"Kung sana ay hindi mo ako hinila doon ay sana may lovelife na ako!" Iritado parin ako habang iniisip ko ang naudlot na pantasya ko.
"Hindi ba boyfriend mo na ako? Am I not enough na gusto mo pang humanap sa iba?" Aniya at tinitigan ako ng seryoso.
"Tss! Fake relationship lang naman ito kaya not counted! At bakit nga ba ganyan ang asta mo ngayon sa akin? Kanina lang ay binilhan mo ako ng pagkain kahit hindi naman kailangan tapos ngayon para kang tangang manghihila sa akin."
Hindi siya nagsalita basta lang siyang nakatitig at ang malaki niyang katawan ay prenteng nakasandal sa pader habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay. A lbko naman ay nakatayo ilang layo mula sa kanya at parang tangang naghihintay ng sagot.
"Deep..." Sabi niya kaya akala ko ay may idudugtong siya pero bigla nalang siyang umiling at tumingala sa langit.
What the hell?
Tumingala din ako sa langit at tinignan kong anong sinusulyapan niya doon pero tanging sikat ng araw at mga ibon lang ang nakikita ko.
Bumuntong hininga ako. "Tss! You're annoying."
"Anong gagawin mo kapag nahanap mo na yong the one mo?" Nagulat nalang ako nang magsalita si Guitar.
"Anong sabi mo? Pakiulit?" Tanong ko dahil medyo nabingi ako.
"Ang sabi ko, anong gagawin mo kapag nahanap mo na yong the one mo?" Ulit niya na ngayon ay nakatingin ng deretsyo sa mga mata ko.
Napalunok ako sa titig niya pero hindi ako nagpahalata. Normal lang kumbaga.
"Edi, susuyuin ko siya hanggang sa magustuhan niya ako or liligawan ko siya." Proud na sinabi ko dahil iyon naman talaga ang dapat gawin.
Ngumisi siya at umiling parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Oh, bakit? H'wag mong sabihin hindi dapat ganoon ang gagawin? Teka hindi ka paba nag kaka-girlfriend?"
BINABASA MO ANG
Deep And Guitar (BL NOVEL)
Novela JuvenilSa paanong paraan ba natin masasabi kung nakita o nakilala na natin ang taong para sa atin? Sa klase ba ng pananamit niya? Sa personality ba niya? O, sa anong klase bang tao siya? Minsan kung saan saan mo hinahanap ang 'right one' mo kaya ang ending...