DEEP Point of view..."Bakit hindi mo sinasabi na friends mo na pala yong dalawang ulupong na kasama lagi ni Guitar?" Nanlilisik ang matang sabi ni Art habang nakatambay kami dito sa paborito namin spot sa building namin, katatapos lang ng dalawang subjects namin ngayong umaga.
"Friends my ass..." Sabi ko at inilayo ko ang mukha niya sa akin.
Kinuha ko ang milktea sa plastic. Hindi ko na kailangan siguro bumili ng meryenda tuwing break time dahil sa mga fans palang namin ni Guitar ay solve na ako.
Humigop ako galing sa straw hanggang sa makalahati ko.
"Anong flavor neto? Sobrang sarap, ah!" Nangingiti ako habang sinisilip ang nasa loob ng baso. Kinulog kulog ko pa iyon.
"I don't know. Mocha..." Nagkibit balikat si Gero.
"Haaay. Iba talaga kapag sobrang gwapo mo at maraming fans..." Sabi ko at hinimas himas ang baba ko.
"Baka yon ang gwapo..." Narinig kong sabi ni Art at inginuso niya sila Guitar at dalawa niyang kaibigan na papalapit sa pwesto namin.
Kumunot ang noo ko. " Bakit nandito sa buiding natin ang mga iyan?"
Nagkibit balikat lang ang dalawa. Dinig ko nanaman ang mga tilian ng mga babae at nabwibwisit nanaman ako dahil nasisira nanaman ang tahimik kong break time!
"Ano nanamang ginagawa niyo dito?" Frustrated kong sinabi sa mga ito nang nakalapit.
"Eto naman. Hindi mo ba kami miss?" Si Adam na agad binatukan ni Guitar.
Tss! Sumulyap ako kay Guitar at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay sakanya at nagtataka bakit sila lumapit.
"Gusto ko lang sabihin na bawal malate sa sunday, kami una mag pe-perform." Aniya.
"Uh, anong meron sa sunday?" Kinalabit ako ni Art.
"Hindi niyo ba alam? Niyaya kasi nitong tropa namin yang tropa niyo na mag date sa sunday!" Si Adam na inakbayan si Guitar.
"Date my ass! Niyaya niya lang ako manuod ng performance nila sa Sunflower!" Sabi ko iritado kay Adam.
"Parehas na rin yon!"
"Pwede ba kaming sumama? Syempre kapag niyaya niyo itong bestfriend namin makipag date edi matic kasama din kami!"
Sumulyap ako sa dalawa kong kaibigan na nakangisi sa akin. What the hell? Anong date? Two guys going on a date?!
"Tss. Don't tease him, you two!" Binatukan ni Guitar yong dalawa niyang kasama.
"Hindi ako pupunta." Final na sinabi ko.
"What?!" Nagulat si Art sa sinabi ko. "Bakit ayos na yon para naman makapag chics hunting tayo!" Inilapit niya Ang mukha niya sa akin at bumulong.
Tumango si Gero. Tss! Isa din ito hayok sa babae.
"Bat ayaw mo sumama? Duwag ka kapag hindi ka sumama. Hindi ba, Guitar?" Nagtaas ng kilay si Kai. Halatang inaasar nanaaman ako ng mga ito!
"Hindi ako duwag. Mag aaral lang ako sa gabing iyon."
"Asus! Ganun narin iyon! Ayaw mo pumunta kasi duwag ka. Diba guys?"
"As if naman nag aaral..."
Nagsitanguan sila maging si Guitar ay ngumingisi habang sumasangayon din. Pinagtutulungan ako ng mga ito!
BINABASA MO ANG
Deep And Guitar (BL NOVEL)
أدب المراهقينSa paanong paraan ba natin masasabi kung nakita o nakilala na natin ang taong para sa atin? Sa klase ba ng pananamit niya? Sa personality ba niya? O, sa anong klase bang tao siya? Minsan kung saan saan mo hinahanap ang 'right one' mo kaya ang ending...