Pahina 1

0 0 0
                                    

Pahina 1

MAINGAY na mga estudyante ang bumungad sa akin ng makarating ako sa room namin.

Bumuntong-hininga ako. Sanay na ako, wala naman bago!

We're on our third year in college already but my blockmates are still acting like some highschool students.

Ang iingay, tss!

"Quiet, everyone!" mahinang saway ko pagkapasok ko. Naglingunan ang lahat sa pintuan kung saan ako nakatayo.

"Gagi, si Stephany nandyan na!" saad ng isang estudyanteng lalaki.

"Tahimik na tayo, guys! Magagalit si VP" dugtong ng isa pa.

Mabilis na tumahimik ang paligid.

I cleared my throat before walking on my seat, sa unahan. Sa tapat mismo ng table ng professor. Taon-taon ay pinipili kong sa parteng ito maupo. Payag naman ang mga nagiging professors ko na ipinagpapasalamat ko.

Napairap ako ng makarinig na naman ng panaka-nakang ingay.

I heaved a sigh. It's okay as long as they're not shouting. Nakakahiya naman kasi kung umaabot na sa kabilang room ang ingay ng block na ito.

Hindi ko na sila sasawayin dahil baka isipin naman nila na bitter ako dahil wala akong kausap. Well, I don't have friends here. Wala akong matatawag na gano'n dito.

I supposed to be a lowkey student before, on my first year here. Walang pumapansin dahil halatang probinsiyana kung kumilos at manamit. Kung may pumansin man ay para lang pagtawanan.

Kaya naman kinasanayan ko na rin na nakayuko noon sa tuwing maglalakad sa buong university. Para hindi na lang mapansin at makaiwas sa mga tingin na may halong panlalait. Binalewala ko ang mga negatibong nangyayari dahil isa lang naman ang goal ko noon- ang makapagtapos.

Dahil once na maka-graduate ako ay makakapag-hanap na ako ng trabaho at makakatulong na sa mga magulang ko.

But well, I decided to change myself last year. When I'm on my second year in college. Binago ko ang aking kilos at maging sa pananamit. Sa kalagitnaan ng pagkabigo at hinanakit ay pinilit kong baguhin ang mga nakagawian.

Malaki ang naging tulong sa akin nila ate Jonah at ate Sonia.

Lalo akong nagsikap para maging matagumpay. Gusto kong makita nila ako bilang malakas at matalinong babae. Hindi 'yong taong madaling lokohin at paikutin. Hindi 'yong taong madaling nagagamit para sa pansariling kapakinabangan.

I changed for the better, I guess. Mas lalo kong ginalingan sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. I excel and I'm happy for that. Sa paraang ito ay alam kong wala ng manloloko at mananakit sa akin.

Okay lang din na wala akong kaibigan dito sa eskwelahan dahil may itinuturing naman akong dalawang ate sa lugar na ito. Mababait sila sa'kin. Itinuturing nila akong nakababatang kapatid at kaibigan. Even though they are not clingy and sweet but still I like them. Masaya ako na sila ang nakasama ko sa loob ng isang kwarto sa boarding house na tinitirhan namin.

Gusto ko man sana na magkaroon ng kaibigan pero pinigilan ko ang sarili ko. The last time I let my guards down and made friends, it broke my heart. No'ng unang beses akong nagtiwala at nagbukas ng puso ko para sa isang relasyon ay agad na isinampal sa akin ng reyalisasyon na hindi totoo ang lahat.

Marahas akong bumuntong-hininga.

Stop remembering non-sense past, Stephany! It's not worth it. It's not really worth it.

Minabuti ko na lang kunin ang libro ko at magbasa kaysa isipin ang walang kwentang nakaraan. Sumisikip ang dibdib ko kapag naaalala ang pangyayari noon. And it's not good. It won't help me graduate with pride, that's for sure. Alam na alam ko!

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon