Pahina 9

0 0 0
                                    

Pahina 9

Napapatingin sa amin ang mga dumadaan, as always.

Pero hindi no'n natunaw ang takot ko by looking Noriel's expression. Naiinis ba siya kasi pumunta ako sa initan? Did he?

Gusto ko 'yong itanong pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Who's Stephie?" tanong ko at bumaling sa panyong hawak niya. Hindi ko 'yon nakita sa kanya noon. Wala siyang panyo na may naka-engrave na pangalang Stephie.

Hindi pa rin mawala ang inis sa mukha niya. "It's you, of course!"

Kumunot ang noo ko. "But that's not mine" iling ko.

Huminga siya ng malalim bago sumagot. Bahagya din siyang kumalma pero hindi naalis ang pagsimangot. "I know. Pinalagay ko ito sa lahat ng panyo ko just to remind me how cruel I am to let the woman I love slip in my life. That it's always you, Stephie"

Napamaang ako. What's this now? Pakulo na naman niya ba ito? Para ano? Para paikutin ulit ang ulo ko? Para utuin ulit?

Umirap ako. Tila nakabalik ako sa katinuan sa mga naisip ko.

Paano magmamahal ang isang manloloko?

Bigo ang mga mata niya ng malungkot siyang ngumiti. "Looks like you'll never believe in everything I say. Pero hindi ako mapapagod, Stephie. Gano'n na yata kalakas ang nararamdaman ko sa'yo. Na kahit ilang beses mong ipakita ang pagkadisgusto mo sa tuwing nakikita mo ako ay wala lang sa akin. Kasi manhid ako. Dahil ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang kagustuhang mapasa akin ka ulit"

Lumunok ako. Huwag kang magpapadala sa mga kasinungalingan ng lalaking 'yan, Stephany.

Nabilog ka na niya noon. Hahayaan mo na naman bang maulit 'yon ngayon? Then you're totally stupid if that happens.

Umiwas ako ng tingin at ng ibinalik 'yon sa kanya ay nakataas na ang kilay ko. I need my composure. I need to end this once and for all.

Tumitig ako sa kanya kahit pa parang dinadagsa na ng milyon-milyong kaba ang dibdib ko.

"Stop what you are doing, Noriel. Hindi na n'yan maibabalik ang dating Stephany na loser, tanga-tanga, at mahal na mahal ka. Wala na siya. Pinatay mo na siya. Kaya wala na sa akin ang pagmamahal na sinabi mo. We need to separate ways now. Hindi ko na gustong makita ka pa ulit. Wala ng dahilan para magustuhan kita ulit. Itigil mo na ang mga ginagawa mo, Noriel" tumalikod na ako sa kanya.

Humawak siya sa braso ko ng akmang aalis ako ngunit agad din niyang tinanggal ng nilingon ko siya habang seryoso ang reaksyon.

"P-Pero, Steph—" ni hindi nya masundan ang sasabihin niya dahil dahan-dahan naglaglagan ang mga luha sa mga mata niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Noriel Lacosta is crying infront of me, because of me? He's crying when everyone is watching. Ano ito?

"Please, Stephie. Give me one more chance. Mahal ko pa rin ang Stephany na nakikita ko ngayon. Okay lang. Mamahalin pa rin kita kahit nagbago ka. Please naman, Stephie. Bigyan mo ako ng chance"

Lumunok ako. Lumunok pa ulit at paulit-ulit. What to do? What to do?

Ngunit tila isang eksena sa isang pelikula ng bumalik ang mga alaalang gusto ko na sanang kalimutan.

Ang mga alaalang parang masamang panaginip na sumira sa puso ko.

Ang mga alaalang naging dahilan kung bakit kinamumuhian ko siya ngayon. At kung bakit hindi ko siya dapat patawarin.

I was walking on the hallway.

Pinipilit maging okay ang lahat kahit pa durog na durog na ako. Pinipilit kong lumaban para sa pamilya ko kahit pa pakiramdam ko any moment ay magbi-break down ako. Hindi ko kaya ang sakit. Yes, napapakita kong malakas ako kapag nasa school at sa harap ng mga taong nakakasalamuha ko. Pero kapag mag-isa na lang ako sa apartment at naaalala na naman ang lahat, nawawala ako sa sarili.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon