Pahina 4
ISINALANSAN ko ang mga documents na kailangan ng pirma ko. Mga naka-line up na activity para sa susunod na buwan.
Hindi ko na nagawang gawin nitong mga nakaraan dahil sa sobrang stress ko dahil sa isang lalaki. Ayoko naman mahaluan ng pagka-bwiset ang ginagawa ko kaya ipinagpaliban ko na lang muna at plinanong ngayon na lang gawin.
Kaya mas inagahan ko ang pasok at tinapos na.
Malalim akong napa-buntong hininga ng pumasok ulit sa isip ko ang isang sitwasyon.
Magsisimula na ang campaign for student council. Kailangan ko 'yong pagtuunan ng pansin. I need to excel in this field.
Para hindi ko lalo maramdaman na minsan sa buhay ko ay nagpakatanga ako sa isang lalaki.
I really want Noriel out of my life. Permanently.
Makakaya kong walain siya sa sistema ko basta ba hindi na siya magpapakita sa akin.
Hindi ko kayang indahin ang bawat kalabog ng dibdib ko sa tuwing makikita o makakasalamuha ko siya.
"Ready for the campaign?" nakangiting tanong sa akin ng tumatayong president ng course namin. Kanina pa rin siya dito kasama ko pero ngayon lang siya nagsalita. Busy rin kasi sa ginagawa niya kanina.
I smiled at her. "Medyo kinakabahan pero lalaban..." I answered.
Mahina siyang natawa. "I know that you can do it, Stephany. Wala akong nakikitang iba na babagay sa posisyon na iiwan ko kung hindi ikaw. You're good, no..." umiling siya. "You're the best choice, Stephany. Pero ang boto ng mga students ang magsasabi kung sino. Pero sana ikaw. Gusto ko ikaw. Kasi mapapanatag ako kapag sa'yo ko maiiwan ang posisyon ko"
Nangilid ang luha ko sa mga sinabi ni Lily. It's a compliment and my heart gets touched by that words.
"Thanks, Lily. Magdilang-anghel ka sana" mahinang tawa ko. Tumawa din siya. "Congrats for the up-coming graduation! Kami naman susunod" bati ko, nagpasalamat siya sa akin.
Tumayo na siya at nag-ayos ng gamit niya. "Sige una na ako sa room, Steph. Pakilagay na lang 'yang mga documents sa table ko. Kailangan ko pang asikasuhin 'yong para sa thesis na ipi-present namin mamaya"
I smiled. "Okay. Goodluck. Bye" ngumiti din siya at tuluyan ng lumabas ng opisina namin matapos magpasalamat.
Tumayo ako at naglakad patungo sa mesa niya, maayos kong sinalansan ang mga papel.
Pabagsak akong umupo pagkabalik ko sa upuan ko.
Maaga pa para sa unang klase ko sa araw na 'to.
Campaign.
Kailangan ko ng budget para sa pangangampanya. Marami man ang boboto sa akin ay kailangan ko pa rin ang campaign tactics.
Kailangan kong mag-provide ng mga campaign materials at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng budget para doon.
Madalang ng magpadala si ate kaya tinitipid ko ang perang ibinibigay niya sa akin. Mukhang nagkakaroon sila ng problema ng asawa niya. Hindi man siya nagsasabi ay nararamdaman ko ang pagiging malungkot niya nitong mga nakaraan.
"Congrats, bunso! Naibalita sa akin nila nanay ang pagtakbo mo ng presidente sa eskwelahan ninyo. Proud ako sa'yo"
Napangiti ako sa sinabi niya. "Salamat, ate!"
Nakita kong dumaan ang asawa niya sa likuran. Muling lumungkot ang mga mata niya.
"Okay ka lang, ate?" nag-aalalang tanong ko.
BINABASA MO ANG
More Than Words
Teen FictionSeries of Unconditional Love Book 1 Minsang naniwala si Stephany na ang pag-ibig ay isang napakagandang bagay. Dahil sa pag-ibig ay mapupuno ng tuwa at kilig ang puso mo. Palagi kang makakaramdam ng kakaibang kagalakan at kasabikan. Magkakaroon ka n...