Pahina 2
BINATI KO ang guard habang ini-scan ang ID ko. Ngumiti naman siya at bumati pabalik.
Mabilis kong ini-scan ang ID ko dahil alam kong marami pa na nakasunod sa aking estudyante. Matapos 'yon ay dumiretso na ako papasok sa loob.
I was smiling while entering on the door of our room when someone appeared infront of me.
"Good morning, Stephie" he greeted me.
Mabilis akong napaatras at agad na nawala ang ngiti sa labi ng makita ko ang pamilyar niyang mukha.
Pamilyar pero nakaka-bwiset na mukha ng lalaking kinasusuklaman ko.
Nakangiti siya at mukhang masayang-masaya na paniguradong taliwas sa nararamdaman ko ngayon habang kaharap siya.
He's looking at me.
Tumitingin siya sa akin na para bang wala siyang ginawang kasalanan sa akin isang taon na ang nakakalipas.
"Stay away from me. Also, get out on my way" mariin kong sabi habang nakatingin sa kanya ng masama. Bahagyang tumahimik ang paligid at natuon ang atensyon sa amin ng mga naroon.
Nanunuot na naman ang galit sa sistema ko.
Lumungkot ang mga mata niya sa sinabi ko. How dare him?
He sigh. "I wish I can do that. But I'm so crazy over you, Stephie. Sorry, but I'll make a move now. Those past months is enough" utas niya sa seryosong tono. Marahas akong napasinghap. He's lying for sure.
Tamad ko siyang tiningnan pero mukhang balewala lang 'yon sa kanya.
Ang kapal ng mukha!
Crazy over me daw? Neknek niya!
Right. He wants to pester me. He's always pestering me. Presence niya pa lang ay sapat na para masira ang araw ko.
Akala ko titigil na siya sa pagkausap sa akin noong huling magtalo kami sa harap ng room. Pero mukhang mas lalong kumapal ang mukha niya.
Padabog akong naglakad sa upuan ko. Pinili ko na lang 'wag umimik. Hindi ko na siya papatulan sa kahibangan niya.
Kita ko ang pagtataka sa mukha ng mga ka-klase ko na naroon.
Paanong hindi? Isang semester kaming halos hindi nag-uusap ng lalaking 'yon tapos all of a sudden magsasalita siya ng gano'n. Maski ako ay nagulantang sa sinabi niya.
Ramdam ko ang pag-upo niya. Napairap ako.
"Stephie..."
"Stop calling me that name" asik ko, ni hindi siya tiningnan.
Isa pa, masusuntok ko na ang lalaking 'to.
"May papel ka ba?"
Mabilis akong umiling. "Wala!" kahit marami akong papel ay hindi ko siya bibigyan. Atensyon ko man o papel ko ay hindi niya deserve. He's a jerk. A total jerk!
"Imposibleng wala..."
Umingos ako, hindi pa rin siya nilingon. "Anong magagawa mo kung wala nga?"
He tsked. "Imposibleng wala kasi... ang laki ng papel mo sa buhay ko" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He said that out loud. Ang lahat ay nakarinig.
Joke ba 'yon?
Ang tahimik na paligid ay biglang umingay.
Maraming nag-uyyyy!
I even heard someone says, "hala, bumabanat si Noriel. Kakilig!"
Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
More Than Words
Teen FictionSeries of Unconditional Love Book 1 Minsang naniwala si Stephany na ang pag-ibig ay isang napakagandang bagay. Dahil sa pag-ibig ay mapupuno ng tuwa at kilig ang puso mo. Palagi kang makakaramdam ng kakaibang kagalakan at kasabikan. Magkakaroon ka n...