Pahina 5

0 0 0
                                    

Pahina 5

Mahinang bulungan ang narinig ko pagkaupo ko. Of course, they are talking about me and Noriel. Kasi kung hindi tungkol sa amin ang pinag-uusapan nila ay paniguradong nakarating na naman sa kabilang room ang mga boses nila.

I sighed. "Quiet, everyone" sita ko. Natahimik ang karamihan ngunit may mangilan-ngilan pa rin na mahinang nagsasalita.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng classroom na 'yon gamit ang seryosong reaksyon. Nawala na ang mahinang usapan at tuluyang tumahimik ang silid.

Pairap akong bumaling sa harap. Okay lang sana kung hindi ako at ang personal kung buhay ang pinag-uusapan nila, eh.

Dati, I was no one with them. Kahit gaano pa ako katalino noon at kahit gaano pa ako kagaling sa mga subject ay walang pumapansin sa akin.

Because they see me as a nerd. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil gano'n naman talaga ako. Hindi ako ganoon kasanay makihalubilo sa mga tao dahil nga laking probinsya ako.

Pasalamat na nga lang ako at nagawa akong matulungan ni ate para makatuntong at makapag-aral sa eskwelahang ito.

Kahit naman nakapasa ako sa scholarship ay hindi pa rin ako makakapasok dito kung wala ang tulong pinansyal ni ate. Malaki ang ambag niya sa pag-aaral ko.

Tahimik na babae lang ako dati.

Pero nagbago ang lahat ng makilala ko si Noriel. Natutunan kong makihalubilo at makipag-kaibigan.

Pero muli akong nagbago ng sinaktan niya ako.

Akala ko noon ay may tatanggap na sa akin bilang ako. Bilang isang Stephany na simple at nerd.

Pero hindi pala. Katulad lang siya ng mga taong nakapaligid sa akin dati. Mapang-husga. Manggagamit.

Dahil doon ay pinilit kong baguhin ang sarili ko. Sa lahat lahat. Mula pananamit at pag-aayos ng sarili. Pati pagsali sa lahat ng organization ng university na natitipuhan ko. Kaya nandito ako ngayon at kabilang na sa mundo nila. I'm their leader, indeed.

Malaki ang naging impluwensya nila ate Jonah at ate Sonia sa akin. Sila ang nakasama ko habang pilit akong dinudurog ng pagkabigo ko noon.

Pero kahit na nakabangon na akong muli ay parang may kulang. Palaging may kulang. Mula ng maghiwalay kami ng landas ni Noriel. Alam ko naman 'yon sa sarili ko pero hindi ko lang matanggap. Ayokong tanggapin sa sarili ko na may nararamdaman pa rin ako sa lalaking 'yon. Never.

He broke my heart kaya sinikap kong ayusin ang lahat.

And it all because of him. Dahil sa galit na naramdaman ko sa kanya no'ng niloko at sinaktan niya ako. 'Yon ang nagpabago sa akin. 'Yong sakit na dulot niya.

Kung may magandang nangyari man sa ginawa niya sa akin noon ay ang nangyayari sa akin ngayon. I'm achieving all the students are dreaming of.

Pero hindi ako ganoong kasaya. Dahil kung ako ang papipiliin ay gusto ko ang dating ako. Na nasa tahimik na mundo. Na nagmamahal sa isang lalaki. Kay Noriel.

I sigh. Akala ko tapos na ako dito. Pero heto na naman ako at inaalala ang mga nakaraan.

Kumuha ako ng libro at piniling magbasa na lang hanggang sa dumating ang professor namin.

"Where's Lacosta?" mr. Morillo asks.

Itinikom ko ang bibig ko.

"He's doing something important po, sir" sagot ni Charles. Taka akong tumingin sa kanya. Nginisihan niya lang ako.

"You miss him already, miss Stephany?"

Umirap ako. "Sinasabi mo?" asik ko.

"Where is he now?" the professor ask Charles.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon