Pahina 6

0 0 0
                                    

Pahina 6

Kaya pala...

"Hi, Stephie!" he greeted me nang magkasalubong kami sa hallway ng university. Napapikit ako. Ini-expect ko na, na makikita ko siya dito.

Building nila ito. Nagkataon na nautusan ako ng isang professor mula sa business department na maghatid ng files sa isang professor sa medical department.

At kapag sini-swerte ka nga naman.

"What are you doing here in our building, Stephie?" nakangiti niyang tanong. Bahagya siyang tinapik sa balikat ng dalawang kasama niya at umalis. Hinabol ko 'yon ng tingin. Magkamukha sila.

"Hey, Stephie" untag ni Noriel.

"H-Ha?"

Gusto kong mawala na lang na parang bula ngayon.

He slightly laughed. "I'm glad I met you here. Bakit ka napadpad dito sa building namin?" he shook his head. "I mean, I want to see but I want to ask also why are you here?"

Nakita ko na naman ang mapanuring tinginan ng ibang mga estudyante.

"N-Napag-utusan lang ako. P-Paalis na rin ako, N-Noriel" mabilis akong naglakad. Sumabay naman siya sa paglalakad ko.

"Gusto sana kitang yayaing mag-snack mamaya. Okay lang ba?" automatic akong napahinto sa tanong niya.

It's been a week simula no'ng una at huli kaming mag-usap.

And now, he's asking me to have a snack with him? Anong meron?

No'ng una, ilang beses akong hinanap sa building namin. And now...

"Actually, matagal na kitang gustong yayaing kumain but you are nowhere to found, Stephie" tunog nagtatampo ang boses niya.

Nagrigodon ang dibdib ko dahil sa naisip ko. Is he interested with me?

Lihim akong napailing upang mapalis 'yon. I doubt it. I'm just no one compare to him. Baka nakikipag kaibigan lang talaga. But I doubt it also.

"Stephie?"

I look at him. "M-May mga k-kaibigan ka naman, hindi ba? S-Sila na lang ang yayain mo" hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panghihinayang sa sinabi ko.

Ngumiti siya at kumamot sa ulo. He look shy. "But I want to have it with you. Busy ka ba? Kailan ka kaya available? Pwede akong mag-adjust" naninimbang niyang sabi.

Lalong nadagdagan ang pagkabog ng dibdib ko sa sinabi niya. May nagrambulan din sa loob ng tiyan ko. Hindi na ako bago sa ganito dahil nagkaroon din naman ako ng mga crush in my highschool days. Teenager days.

Hindi ko pa nga lang nasubukang pumasok sa isang relasyon dahil masyado pa akong bata para sa bagay na yun noon.

"B-Bakit ako?" taka kong tanong.

Kumunot ang noo niya. "You're always asking me that. Why not you?"

Umiling ako. "H-Hindi ko rin alam" natawa ako sa sinabi ko.

It was like a deja vu. Natawa rin siya.

Hinila niya ako sa cafeteria ng building nila.

And that was a start. Araw araw na kaming magkasama at nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit mas pinipili niyang pumunta sa building namin at kausapin ako gayong mas marami namang magaganda at hindi nerd na babae sa building nila.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon