Pahina 7
Third month.
Gano'n pa rin. He still make me do his things. Minsan pa nga ay napabili niya ako ng mga gamit na gagamitin niya sa laboratory. Pero pera niya naman.
Hindi nga lang ako nakapasok sa dapat ay subject ko no'ng araw na 'yon pero okay lang, naka-receive naman ako ng hug mula sa aking loveydoves that day. Sulit ang sermon ng aking professor.
Itinuon ko ng muli ang atensyon ko sa ginagawa ko. May importanteng lakad daw kasi si Noriel kaya ipinagawa muna niya sa akin ang thesis niya sa isang subject niya. Kaya ko naman since Literature naman 'yon at medyo abot naman ng isip ko. Gagalingan ko dito dahil para ito sa mahal ko. Sa future namin. I reminded myself again.
Napansin ko ang ilang pagtingin sa akin ng mga tao sa library. Pinili kong sa library ng building nila Noriel magtungo dahil nandito ang ilang librong kakailanganin ko para sa ilang assignments niya.
But the staring of students getting creepier. Para bang may nakakatawa sa akin at puro nakangisi sila kapag tumitingin.
Jusko! Hindi pa ba ako nasanay sa ganyang atensyon?
Of course, they're wondering why Noriel falls for me. Okay, ako rin hindi ko alam so dapat behave lang din sila katulad ko. Ako nga kalma lang kahit kinikilig na minsan, eh.
Wala pang ginagawa si Noriel niyan, ah. Kaya hindi ko alam kung paano ako magri-react kapag may ginawa na siya. Diyos ko, help me please kapag nagkataon.
Muli kong itinuon ang atensyon sa ginagawa. Kailangan ko itong gawin agad, bukod kasi sa pasahan na ito ay may kailangan din akong gawing thesis para sa course ko.
Kapag naloloka na ako at hindi ko na alam kung anong uunahin ko sa mga subjects namin ni Noriel, inaalala ko lang kung paano kami nagsimula.
Kung gaano siya ka-sweet noon.
Medyo dumalang na nga lang ang pagsasama namin ngayon. Marami siyang lakad na kailangang puntahan. Maybe for his studies.
Well, something means to change.
Katulad na lang dati na palagi niya akong pinupuntahan dito sa building namin when we were friends. He make time for us.
Kaya naman ako ang gumagawa no'n ngayon. I make sure I give him my time kaya palagi ko siyang pinupuntahan sa building nila since lagi na siyang busy.
Relationships is a give and take scenario. Every couple should know that.
Kaso madalang ko na lang siyang makita ngayon. Kadalasan ay ang mga kaibigan na lang niya ang nakakausap ko.
Fourth month.
Kapag inaalala ko kung paano kami nagsimula ay napupuno ng tuwa at kilig ang puso ko. Kahit marami pa noon ang nagsasabing baka daw ginayuma ko si Noriel ay binabalewala ko 'yon. Alam ko naman sa sarili ko ang totoo.
I didn't bewitched anyone dahil hindi naman ako mangkukulam. Napakabait at napaka humble lang talaga na tao ni Noriel. He's one of the kind. That's why I love him. So much.
Kahit pa nga sangkatutak na ang pinapagawa niya sa akin about his subjects. At kahit pa madalang na kaming magkasama.
Ni hindi na rin kami lumalabas at kumakain ng snacks ng sabay na katulad ng ginagawa namin noong hindi pa kami. Nakakamiss 'yon.
Madalang na rin siyang pumunta sa building namin at 'yon ay kapag may ibibigay lang siyang gawain niya. Mas madalas pa rin na ako ang pumupunta sa building nila. Namimiss ko na kasi siya.
BINABASA MO ANG
More Than Words
Teen FictionSeries of Unconditional Love Book 1 Minsang naniwala si Stephany na ang pag-ibig ay isang napakagandang bagay. Dahil sa pag-ibig ay mapupuno ng tuwa at kilig ang puso mo. Palagi kang makakaramdam ng kakaibang kagalakan at kasabikan. Magkakaroon ka n...