Pahina 8

0 0 0
                                    

Pahina 8

Hindi ko kinaya ang panginginig ng katawan ko kaya minabuti kong huminto sa pagtakbo. May mangilan-ngilang napapatingin sa akin kaya sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Pinahid ko ang mga luhang walang tigil sa pag-agos.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa building namin. Sa isang restroom ako dumiretso. Ikinulong ang sarili sa isang cubicle at doon muling humagulhol.

'I'm sorry' isang tinig ang muling umalingawngaw sa isip ko.

Sorry?

He's sorry for what?

Sorry ba dahil may nagugustuhan na siyang iba? Sana sinabi niya, first hand. Para naihanda ko ang sarili ko sa sakit.

Sorry for what?

Sorry dahil wala na siyang nararamdaman para sa'kin? Sana sinabi niya agad. Para hindi ko hinayaang mahulog sa kanya ng sobrang lalim.

Sorry for what?

Baka sorry dahil wala naman talaga siyang nararamdaman sa'kin in the first place? Again, sana sinabi niya.

O baka sorry kasi ginamit niya lang talaga ako to fullfill anything that benefits him?

Napapikit ako sa sobrang sakit sa huling isipin na 'yon. So, he has a planned that's why. Maybe that's why.

Naging bulag at bingi ba ako sa katotohanang pilit na sumasampal sa akin no'ng una pa lang?

Pinigilan ko ang hagulhol na gustong kumawala sa bibig ko ng mapagtagni tagni ko ang lahat. Ayaw kong lumikha ng ingay ngunit hindi ko na napigilan. Lumakas pa lalo ang pag-iyak ko.

He used me. He just used me.

'She's the one'

That's the word.

I am the one who can do his school stuffs and everything without him giving so much efforts. Bulaklak nga lang masayang masaya na ako.

Ha!

Pathetic Stephany!

That's what you are now, girl.

Pwede bang magmura ulit?

P*tang*na!

Ang tanga-tanga mo, Stephany Mauren!

Saan mo na dinala ang utak mo, ha? Bakit ka nagpagamit sa isang lalaking wala ka naman palang halaga sa kanya maski katiting?

You, self.

You even let a year pass habang ipinagpapatuloy ang kagagahan mo.

Isang taon ang pinalipas mo at hindi mo man lang binigyang kahulugan ang mga tingin ng ibang tao sa katangahan mo, sa pagiging uto-uto mo.

Nagbulag-bulagan ka sa huwad na pag-ibig na panggagamit lang naman pala ang tunay na rason. At hindi dahil mahal ka niya.

Putangina talaga!

Tulala akong pumasok sa loob ng apartment na tinutuluyan ko.

Akala ko wala na akong aabutan do'n pero nagkamali ako. Nandoon silang dalawa. Day-off nga pala nila ngayon.

Nagtataka silang nakatingin sa akin, sa hitsura ko ngayon.

Oo nga naman! Ang saya-saya ko pang umalis kanina habang paulit-ulit na sinasabi na magdi-date kami ni Noriel. Kahit hindi niya alam. Kahit walang plano. Gagawa ako ng paraan para magkaroon kami ng hindi malilimutang pagdiriwang ngayon.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon