-Chapter 12-

56 2 3
                                    

Lumipas na ang mahigit isang linggo at dumating na ang araw bago ang family reunion. Sunday ang family reunion namin, buti na lang at walang pasok, kaso kinakabahan nanaman ako. Ano bang gagawin ko dun sa family reunion? Agh!

Saturday pa lang ngayon at papunta na kami ni Seth sa mansyon galing sa school. Yes, may klase pa kami ng Saturday, NSTP. Yun lang ang klase namin na hindi kami magkasama sa classroom kasi C ang last name niya habang ako M. Eh magkakasama ang magkakaparehas ng last name letter. Wawa siya. Haha!

"Naaasar ako sa NSTP ko." Biglang inarte ni Seth habang nagmamaneho siya.

"Bakit? Anyare sa first day mo?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi naging kaklase ko si Jurnis at si Fallon. Parehas pala silang C ang last name. Ayun, nilandi nila ako habang nagkaklase." Natawa ako nang ikwento ito ni Seth.

"Wala tayong magagawa, ganyan talaga sila pag nakakakita ng gwapo." Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Tss, hirap talaga maging gwapo." Sabi niya naman, natawa na lang ako.

"Nga pala, nareceive mo ba yung GM ni Alyssa? Yung tungkol sa auditions para sa cast ng Production natin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Di ako nagbigay ng number eh. Besides, magkasama naman tayo kaya di bale nang di ako makareceive basta ikaw nakakareceive ka para may balita din ako." Sagot naman ni Seth, you're hopeless "So, ano mayron dun?" Tanong niya naman.

"Sa Monday na daw ang auditions para sa mga leads at main casts. Kailangan daw nila ng tig-dadalawang magau-audition para sa roles. Ano? Game ka ba?" Paliwanag ko.

"Ayoko. Di talaga ako mahilig umarte. Stage Manager na lang ako." Pagtanggi niya naman.

"Ganun? Sige na. Try mo na rin. Malay mo may mas magaling pang umarte sa 'yo, di ka matanggap." Pagpupumilit ko "Tsaka, maganda naman ang boses mo eh." Dagdag ko pa.

"Hindi ako mahilig kumanta. Baka gusto mong bumalik si Yolanda?"

"Asus! Kunyari ka pa. Sige nga, sample nga dyan. Ako na'ang manghuhusga." Sabi ko sa kanya.

"No. You're never going to make me." Pilit niyang tanggi.

"Sige na. Kanta. Please? Pramis, di ko sasabihin kahit kanina-o. Sikreto lang natin. Sige na, Seth." Pangungulit ko pa rin, gusto kobkasi syang marinig kumanta eh! Haha!

"Wag ka nang mangulit, Jackie."

"Seth, as your young mistress, I am ordering you to sing." Napatingin siya sa 'kin na nakataas ang isang kilay nang sabihin ko ito. Taking advantage of my power, ha!

Tumingin si Seth sa daan tas kinlick niya yung dila niya "I guess it can't be helped." Jackpot! Haha!

"Gusto mo duet tayo?" Tanong niya pa.

"Sige ba. Anong kanta?" Nakangiti kong sabi.

"Hmm... at the beginning? Yung kanta nila Anastasia at Demetry? Since yun naman ang stage play natin." Suhestyon niyo, tumango ako.

"Geh. Ako muna." Tapos nagclear-throat ako bago ako nagsimula.

We were strangers, starting out on a journey
Never dreaming what we'd have to go through
Now here we are and I'm suddenly standing
At the beginning with you

"Game, ikaw na." Agad kong sabibsa kanya. Tumango siya then nagsimula na siyang kumanta.

No one told me I was going to find you
Unexpecting what you did to my heart
When I lost hope, you were there to remind me
This is the start!

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon