-Chapter 7-

64 1 1
                                    

Naalimpungatan ako nang masinagan ako ng araw na pumapasok ito mula sa bintana kaya ako nagising. Naglabas ako ng isang malaking hikab habang nag-iinat ako at pinagmasadan ko ang kwarto.

Walang tao.

Ibig sabihin panaginip ko lang ang lahat ng nangyari kahapon. Edi hindi ko talaga nakilala ang tunay kong ama at wala akong kasamang Seth Calossas ngayon. Napabungisngis ako sa isipang iyon. Sayang.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko at muli akong nag-inat. Nagulat na lang ako nang marinig kong bumukas ang pintuan kaya napunta agad doon ang atensyon ko. At nang makita kong pumasok mula doon ang isang pamilyar na lalaki ay saka ko naisip na hindi pala panaginip ang nangyare kahapon. Totoo pala yun.

"O, gising ka na pala, Jackie." sabi ni Seth nang papasok na siya ng apartment at sinara na niya ang pinto "Lumabas lang ako ng saglit. Bumili ng almusal natin at ng pandesal." paliwanag niya sa akin.

"Ahh okay." lang ang naisagot ko. Hay, buti na lang at mali ang hula kong panaginip ang lahat ng iyon.

"Sige, maligo ka na. Ako na maghahain neto." sabi niya. Tumango ako tapos pumunta ako sa aparador ko at kumuha ako ng mga damit ko at pagkatapos ay tumungo na ako sa CR para maligo.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na ako sa wakas at lumabas na ako ng CR. Nang pumasok ako ng kwarto ay laking gulat ko nang makita ko si Seth na nagba-buckle ng belt niya, at take note, topless siya. TOPLESS.

Holy mother of all fudge! He looks so damn hot! Six pack! God, pinch me, I must be dreaming. Di ko inakala na ganito pala ka-hot ng bodyguard ko. Jusko! Baka magkasala ako ng di oras neto.

"Jackie? Okay ka lang ba?" natauhan ako nang tanungin sa akin ito ni Seth at noon ko lang napansin na kanina pa palaako nakatitig sa kanya dahil nang tanungin niya sa akin ito ay nakasuot na siya ng isang white long-sleeve na polo.

"H-Ha? Uh... O-Oo. Okay l-lang ako." Shocks, I'm stuttering! Waaahhh!!

"Ah, okay. So, kain na tayo?" tanong niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot at umupo na kami sa hapag-kainan para kumain.

Habang kumakain kami ay bigla kong naisip yung sinabi sa akin ni Seth kagabi. Yung sinabi niya na bodyguard ko daw siya kaya dapat lagi ko siyang kasama at dapat kung nasaan ako, andun din siya.

"Uh, Seth?" pagtawag ko kay Seth.

"Hmm?"

"Naisip ko lang. diba sabi mo na dahil bodyguard kita, dapat kung nasaan ako, andun ka din?" paalala ko.

"Yeah?"

"Eh paano naman kung nasa school ako? Ibig sabihin sasamahan mo din ako sa school?" tanong ko.

"Oo naman." kaswal na sagot ni Seth habang nakatingin sa akin tapos binalik niya ang atensyon niya sa pagkain niya.

"Eh? Paano naman yun? Baka magtaka sila kung bakit lagi kang nakabuntot sa akin gayong di naman kita kaano-ano at hindi ka rin estudyante sa University." tanong ko sa kanya.

"Alam ko. Kaya kahapon pa lang, in-enroll na ako ng Papa mo sa school mo para mabantayan kita doon at wala silang maisip na iba. Sinigurado din ng Papa mo na magkaparehas tayo ng mga klase para lagi kitang mabantayan." paliwanag niya.

Ako naman, nganga. Pwede ba yun? Pero, si Papa naman ang pinag-uusapan natin dito eh. Vice-President siya kaya posible ngang magawa niya yun.

"Ahh, okay." na lang ang sinagot ko at nanahimik na kami parehas.

Matapos kumain ay inihando na namin ni Seth ang mga gamit namin sa school at inayos na rin namin ang mga sarili namin bago kami lumabas ng apartment at tumungo sa kotse.

Sa panahon ng byahe, puro katahimikan lang ang namalagi sa aming dalawa. Wala akong maisip na pwedeng pag-usapan eh. Oo, alam kong boring akong kasama. Pero gusto ko talagang makausap si Seth eh. Pero ano naman ang pwede naming pag-usapan? Aish!

"Hey. Okay ka lang? Nahihilo ka ba?" tanong ni Seth sa akin. Hindi ko napansin na sinandal ko pala ang ulo ko sa ulunan ng upuan habang nakapikit at mukhang nananakit ang ulo.

"Ha? Hindi. Okay lang ako. May iniisip lang ako." sagot ko, tumango siya tapos binalik na niya ang atensyon niya sa daan.

"By the way, kelan mo nga pala planong bumisita sa Papa mo? Tinatanong niya pala kanina nung tulog ka pa." biglang sabi ni Seth "Gustuhin niya man daw kasing bumisita sa 'yo, di niya naman kaya dahil sa hectic lagi ang schedule niya. Tsaka baka daw may makaalam and tungkol sa iyo." paliwanag niya.

"Pinag-isipan ko ng saglit kung kelan nga baako pwedeng bumisita kay Papa. Di naman kasi pwedeng araw-araw pagkatapos ng klase eh. Weekends kaya?Kaso may trabaho pa ako.

"Kung gusto mo sa weekends, wala naman pasok nun eh." suhestiyon ni Seth, nakatuonpa rin ang pansin sa daan.

"Eh kaso may trabaho naman ako pag weekends."

"Trabaho? Ay nga pala! Pinapasabi din sa iyo ng Papa mo na mag-resign ka na daw sa trabaho mo. Wag kang mag-alala, siya na daw ang bahala sa mga expenses mo."

"Eh? Di nga?"

"Oo. So that means, may time ka na para bumisita sa kanya." nakangiting sabi sa akin ni Seth.

"Pwede. O sige. Mamaya pagkatapos ng klase, punta tayo sa cafe para makapag-resign na ako. At least, bawas stress. Dumadami na puting buhok ko eh." tapos nagtawanan kaming dalawa.

"May puting buhok ka na pala?" nakangiting tanong ni Seth, sumulyap siya sa akin tapos balik sa daan.

"Oo. Stress kasi ako palagi. Dami ko kasing pinoproblema."

"Ahh, well, buti di halata."

"Eh kasi nasa ilalim silang lahat eh. Tignan mo, pag binuklat mo buhok ko, makikita mo, ang dami." tumawa lang siya.

Ngayon ko lang napansin, may dimple pala siya. Ay ang cute! Kaloka, official na talaga. Crush ko na talaga tong Seth na 'to. Hehe... wala eh! Cute kasi niya eh! Wala tayong magagawa.

-To be continued...

___________________________________

A/N: Sorry! Ang tagal kong di nag-Update tapoos sabaw lang 'to at ang iksi pa! Haiisstt... pero sana magustuhan niyo pa rin! :)

-Jullia

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon