-Chapter 16-

37 1 6
                                    

Kinabukasan, nagising ako dahil sa liwanag ng araw na pumapasok sa nakabukas kong bintana. Umupo ako sa higaan ko at nag-inat sabay hikab. Sakto naman at narinig kong bumukas ang pinto ng CR at nakita kong lumabas doon and isabg bagong ligo na Seth.

"Morning." bati niya nang makita niya akong nakaupo sa higaan ko habang naglalakad sya palapit sa basket ng labahan.

"Morning." bati ko naman, medyo matamlay pa ang tono ng boses ko pero sinamahan ko na ng ngiti para magmukha na mang may buhay.

"Sige, maligo ka na at magluluto pa kong agahan." sabi ni Seth sabay hugot ng isang V-neck white shirt sa aparador.

Siguro nagtataka kayo kung anong nangyare kay Kennedy Panganiban. Well, wala naman, actually. Naunahan lang talaga ako ng kaba kaya medyo nag-overreact ako sa bunguan namin kahapon.

"Sorry, okay ka lang?" tanong sa akin ni Kennedy Panganiban, ang anak ni President Lorenzo Panganiban, bakas ang medyo pag-aalala sa mukha at sa boses niya.

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, hindi nga lang tulad ng nangyayari pag kay Seth, more like out of nervousness and fear "Uhm... uh... o-oo. Yeah. Okay lang ako." Sagot ko, medyo nauutal pa habang iniiwas ang tingin sa kaniya.

"Sige. Ingat ka ha? Sorry ulet. Nagmamadali na kasi ako. Kennedy Panganiban nga pala." pagpapakilala niya naman, almost out of the blue, sabay abot ng isang kamay sa 'kin upang makipag-shake hands.

"Ah... uh... Ja, uh, Jamila Mondero." sabi ko naman sabay hawak sa kamay niya at nag-shake hands kami. Di ko na sinabi yung tunay kong pangalan at mamaya ay malaman niya pa kung sino ako. Pero di na nga kaya naghinala na siya kasi ano ba naman ang gagawin ko dito at may mga nakabuntot pa kong mga bodyguards.

"Nice to meet you, Jamila. Pamangkin ka ba ni Sir Harford?" tanong sa akin ni Kennedy at napatango na lang ako, kunwari totoo.

"Oo, oo. Uh, bibisitahin ko lang sana si Tito, kagagaling ko lang school. Eh malapit lang naman kaya naisip kong dumaan na rin. Mangamusta." paliwanag ko naman sa kaniya, tumango siya.

"Okay. Nasa opisina siya, I believe. Sige, alis na ko. Bye." tapos umalis na siya at pinanood ko lang siya habang naglalakad palayo at nang mawala na siya sa paningin ko ay saka ako bumuntong-hininga. Pakiramdam ko di ako humihinga kanina sa sobrang kaba.

"That was a close call." biglang banggit ni Michael.

"Oo nga eh. Tingin mo naghihinala na siya na anak ka ni Sir Harford?" tanong naman ni Jan-jan sa kin, kumibit-balikat ako.

"I don't think so. Hayaan na natin. Baka na rin naman niya ako maalala." sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Wala namang masyadong nangyare habang nasa mansyon kami. Nagkwentuhan lang kami ni Papa habang nagmemeryenda sa hardin sa likod ng mansyon. Nakakatuwa nga eh, naramdaman ko bigla yung pakiramdam ng may tatay. Not likr I haven't since nung una pa, I have. Pero iba talaga yung pagkakataon na iyon habang nasa hardin kami ni Papa. That moment, I finally felt it, I had a father. Alam ko, magulo ako, pero di ko rin mapaliwanag ng maayos eh. Basta, ayun!

Tatayo na sana ako nang bigla kong naramdaman ang pananakit ng puson ko kaya napahiga akong ulit sabay hawak sa puson kong nananakit "Ah... aray ko po." bulong ko sa unan ko.

"Bakit? Okay ka lang?" tanong ni Seth sa 'kin, bakas ang pag-aalala sa boses niya. Nararamdaman ko ang pagkakatitig niya sa akin.

"Takte, ang sakit ng puson ko!" bulalas ko sabay dahan-dahang upo habang hinihimas ang puson ko "Meron ata ako." bulong ko pa sa sarili ko at napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa ibabaw ng higaan ko. Mga gantong araw nga ako magkakaroon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon