Alam niyo ba yung kakaibang feeling kapag nalaman mo bigla na anak ka pala ng isa sa mga napaka-makapangyarihan na tao sa inyong bansa?
Well, ako, alam ko na yan! And I am telling you all, it us beyond inbelievable!
Isipin niyo naman kasi, it seemed like only this morning I was the ordinary, orphan girl who lived in a small apartment..
Pero ngayon, ako na si Jackilyn Katrina Mondero-Delos Santos, anak ni Harford Delos Santos, Vice President ng aming bansa.
How did all of this happen, you ask? Well, I guess nalaman ko na lang habang nasa trabaho ako.
Nakahalumbaba ako habang nililibot ng mata ko ang paligid ng cafe. Working-Student ako sa Golden Beans Cafe, ang trabaho ko ay mula 4 ng hapon hanggang 7 ng gabi kapag weekday. Tapos kapag weekends naman, mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Syempre, kailangan magsipag ngayon eh, lalo na, College student na ako kaya doble gastos na. Haisstt... =______=
Buti na lang nakakuha ako ng half-scholarship sa school namen kaya 50% na lang ng tuition ang babayaran ko per sem. Parang ang sakit parin sa bulsa. Argh!
"Jackie! Table 5!" natauhan ako nang bigla akonv tawagin ng katrabaho ko na si Renalyn.
"Ha? Ah, ge!" sigaw ko sa kanya at dumeretso na ako sa Table 5 habang nilalabas ang aking notepad at ballpen mula sa mga bulsa ng apron ko.
Sa medyo kalayuan ay nakita ko na ang customer na naka-upo sa Table 5. Isa siyang lalaking na mukhang nasa early 30s na. Medyo chubby ang posture nya, yung mala-katawan ni Jose o ni Wally. Nakasuot pa siya ng shades at ng itim na cap, wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa sikat ng araw! Haha!
Hays, tama na nga muna ang daldal, magtrabaho ka na nga, Jackie!
"Hello po, Sir." bati ko na may kasamang matamis na ngiti, walang basagan ng trip, guys! Hahaha!
"May I take your order?" tanong ko.
Tumingala ang lalaki sa akin, huminga ng malalim before he spoke "Kape na lang." medyo pabulong niyang sabi, his voice was hoarse.
"Ah, okay po. Wait lang po." tapos bumalik na ako sa counter upang timplahin ang kape ng lalaki. Habang hinahalo ko na ang kape ay may lumapit na matangkad na lalaki sa counter.
"Uhm, Miss, pwede makahingi ng mga napkins." tanong sa akin ng lalaki. Tumingala ako sa kanya at napatitig ako sa mga mata niya.
Ang cute ng mga mata niya! Brown na brown! Chocolate brown ata eh. Bagay na bagay sa messy brown hair niya, at ang ganda ng mukha niya! Makinis at maputi. Ghawd! I think I'm fallinh in love! Ay kabayo, ano bayan! Erase erase na nga yun!
"Miss?" natauhan ako nang makita kong winave niya ang kamay niya sa harapan ko.
"H-Ha? Ay sorry, ano yun? Napkins ba? Teka lang ha?" tapos yumuko ako upang kunin ang mga napkins na nasa ilalim ng counter tapos iniabot ko ito sa kanya "Heto po."
"Thanks." nakangiti niyang sabi sa akin, nakangiti ba sabi ko? I mean, naka-grin! He was grinning at me! Buset! He looks so hot! >///////<
"Y-Your Welcome, Sir." ano ba yan? Nauutal pa ako! Jackie, pull yourself together! Argh! Pinanuod ko ang likod ng lalaki habang naglalakad sya papunta sa isang table where 3 handsome guys as well sat. Grabe! Isang grupo ng mga maga-gwapo! Buset na lang talaga!
"Hoy! Jackie! Yung kape ng Tabls 5!" nagulat ako sa biglang sigaw ni Hannah, isa ko pang katrabaho.
"H-Ha? Ah, nga pala! Sorry." sabi ko at dinala ko na ang kape na inorder ng Table 5.
"Heto na po ang kape niyo." sabi ko sa lalake nang makarating na ako sa table niya.
"Salamat." medyo masungit na tugon ng lalake sa akin, sungit mo naman kuya! Smile naman dyan! ^______^
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong magtutok ng baril sa likuran ko ang lalaki bago ako makalakad palayo sa table niya.
Teka...
Baril?!
WAAAHHHH!!!!
"Wag kang mag-iingay kung ayaw mong mamatay." bulong ng lalaki sa tenga ko, lumunok ako. Eto ba ang napapala ko dahil late kong nadala sa kanya ang kape niya? Mainipin pala si kuya. Huhuhu... Hindi na nga ako magbabagal-bagal sa pagdala ng order ng customer. T_______T
"Ngayon, dahan-dahan kang maglakad palabas ng cafe kundi, papuputukin ko itong baril." matigas ang tono ng boses ng lalake nang sabihin niya ito sa akin. Tumango na lang ako at dahan-dahan na lumakad papunta sa pinto ng cafe.
Jusko, Panginoon, tulungan mo nawa ako! Ayoko pa pong mamatay! Huhuhu....
"Excuse me, Sir." bigla akong nakarinig ng lalaking parang may tinatawag sa likuran ko tapos matapos ng ilang minuto ay nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng isang kamao sa pisngi ng isang tao.
Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita kong nakasub-sob sa isang lamesa ang lalaking may hawak na baril. Malapet naman sa kanya, nakatayo ang isang matangkad na lalaking may itim na buhok at mukhang nasa 20s na ang edad.
Mabilis na nakatayo ang lalake at sinapak at sinipa niya ang matangkad na lalaki na napaatras sa lakas ng sipa. Nagkagulo ang mga tao sa cafe, habang ako nanigas sa kinatatayuan ko.
Nakita kong lumapit sa lalaki ang isa pang lalaki na kasing tangkad ko lang na may light-brown hair at black eyes. Kinapit niya ang mga braso niya sa likod ng lalaki mula sa likuran nito tapos sinikmuraan naman siya ng black-haired na lalaki hanggang sa mapaluhod na siya sa sakit.
Binitawan na siya ng light-brown haired na lalaki tapos lumapit sila sa akin na nanigas na talaga at gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha. Ano ba ang nangyayare dito? Ano meron? Pakipaliwanag nga sa akin!
"Okay ka lang, Miss Jackie?" tanong sa akin ng lalakeng may light-brown hair.
"Uh..." di ko malaman ang sasagutin ko. Natameme na ako. What on earth just happened?! At paano nila naman ang name ko??
"Miss Jackie?" tawag naman sa akin ng black-haired guy.
"Mukhang masyado siyang na-shock sa nangyare." sabi ng light-brown haired sa black haired guy.
"Siguro nga." pagsang-ayon naman ng black-haired guy at lumakad siya papalapit sa akin.
After a few seconds, bigla kaming nakarinig ng sigaw ng lalake sa likuran ko "Jackie!" napalingon ako at nakita kong nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin yung lalakeng nanghingi ng napkins sa akin kanina.
Nang makalapit na siya sa akin ay niyakap niya ako at sabay kaming bumagsak sa sahig tapos nakarinig kami ng pagtunog ng baril. Nakapikit lang ang mga mata ko habang nakayakap sa akin ang lalake at nakahiga lang kami sa sahig.
Matapos ang ilang segundo ay minulat ko na ang mga mata ko at napatitig nanaman ako sa mata ng nagligtas sa akin. Ang ganda talaga ng mata niya, parang may iba akong nararamdaman sa dibdib ko habang nakatitig ako sa mga mata niya.
"Okay ka lang, Jackie?" tanong ng lalake sa akin. Mahina akong tumango tapos tumayo na kami mula sa pagkakahiga sa sahig.
Nakita ko na lang na hawak ng black-gaired guy sa mga kamay ang lalake at naglalakad na sila papunta sa pintuan "Seth, Shawn, dalhin niyo na si Miss Jackie sa mansyon." utos ng black-haired guy dalawang lalaki na nasa tabi ko.
"Yes, Sir." sagot ng dalawa in unison tapos hinila na ako ng dalawa palabas ng cafe. Ako naman, basta sumama lang kahit hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.
-To be continued-
A/N: Vote and Comment! Tell me what you think! Hehehe... na-feel ko lang gumaw ng story... pero gaya ng sa "Kasalanan Ko Ba?", slow updates din po siya. ^______^V
Sana nagustuhan niyo ito!
-Jullia
BINABASA MO ANG
My Bodyguard and I
Teen FictionNabago ang dating mahirap ngunit simple at mapayapang buhay ni Jackilyn Katrina Mondero matapos niyang malaman ang katotohanan tungkol sa buhay niya at tungkol sa Papa niya. Matapos ang rebelasyon, hinire ni Vice President Harford Delos Santos si Se...