-Chapter 15-

30 2 2
                                    

Nang magkainan na, kanya-kanyang kuha sila ng plato, kutsara't tinidor. Ang handa spaghetti, pancit, biko, menudo, kanin, carbonara at afritada. Umupo muna ako sa gilid at inantay na lang na medyo kumonti and mga tao na nakapaligid sa lamesa. Lumapit sa akin si Papa na may kargang plato na puno ng pancit, biko, kanin at menudo.

"Oh anak, bat di ka pa kumuha ng pagkain mo?" Tanong niya sa akin habang naupo siya sa tabi ko.

"Mamaya na lang po. Ayoko munang makipagsiksikan sa kanila." Nakangiti kong sagot kay Papa, tumango siya sabay kain ng kanin na may menudo.

"Seth!" Biglang tawag ni Papa kay Seth, agad siyang lumapit kay Papa "Yes, Sir." Sabi niya nang makalapit na siya.

"Kuhanan mo ng pagkain 'tong si Jackie. Pati na rin ng kakainin mo. Hindi yung nakatayo ka lang syan sa isang sulok." Utos ni Papa kay Seth.

"Opo. Anong gusto mo, Miss Jackie?" Tanong niya naman sa akin.

"Ha? Uhm, carbonara at biko na lang. Solve na ko dun." Sagot ko naman.

"Sure ka, 'nak? Di ka magkakanin? Alam ko paborito mo and menudo ah." Tanong ni Papa sa akin.

"Hindi na po. Carbonara na lang." Sabi ko.

Tumango si Seth sabay punta sa lamesa upang kumuha ng pagkain namin. Habang inaantay, kinausap ako ni Papa "Nag-enjoy ka ba sa reunion?" Tanong niya sa 'kin.

"Opo. Di ko aasahang ganto po pala ang reunion. Mali pala ang inakala ko." Nakangiti kong sabi habang pinapanuod ang mga pinsan kong nagtatawanan at nagkukwentuhan.

"Hmm, ano bang akala mo?" Tanong ni Papa.

"Honestly, akala ko po isang formal occassion ang reunion na 'to. Yung tipong may fancy music, fancy clothes and fancy food. Tapos ang only entertainment lang ay yung mga formal dances like waltzing. Yun pala, tulad din siya ng ibang reunions. Masaya." Pagpapakatotoo ko.

Narinig kong tumawa ng mahina si Papa tapos inakbay niya sa akin ang isang braso niya sabay yakap sa akin "Mabuti at nag-enjoy ka." Nakangiti niyang sabi. Medyo nag-alinlangan pa ko pero sumandal pa rin ako sa balikat niya na matagal ko nang gustong gawin sa Papa ko. Sa wakas at naramdaman ko din.

"Ay, Pa, may sasabihin pala ako sa 'yo." Bigla kong sabat matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin "Magkakaroon po kami ng musical play sa school as part of our course curriculum, tentative pa yung date and time pero I'm planning to audition for lead actress. I was wondering kung makakapanood ka ba?" Tanong ko sabay alis ang pagkakasandal ko sa kanya.

"Ah, hmm... hindi ko alam, anak, eh. As you know, we are keeping your identity a secret so I think it'd be really crucial if I went to your school to watch your play." Paliwanag naman ni Papa na medyo ikinalungkot ko, oo nga pala. Masyadong delikado kung papapuntahin ko si Papa dun "Wag ka nang malungkot, anak. If you want, magdidisguise na lang ako para di ako makilala ng iba." Suhestyon niya naman nang mapansin niyang malungkot ako.

Iniling ko ang ulo ko sabay tingin kay Papa na may ngiti sa mukha ko "Hindi na po, Pa. Masyadong delikado po, di lang para sa kin, para rin po sa iyo." Pagtanggi ko sa suhestiyon ni Papa.

"Sigurado ka, anak? It's okay, I can manage. Gusto ko rin namang makitang magperforn ang anak ko eh." Aniya sabay pisil sa pisngi ko, natawa na lang ako.

"Hindi na po. Hayaan niyo, pare-record ko na lang sa kaibigan ko ung performance namin. O kaya sa isa sa mga bodyguards ko. Pwede naman silang magpunta dun eh." Suhestiyon ko naman tsaka dumating si Seth na may hawak na 2 platong puno ng carbonara at 2 piraso ng biko.

"O sige." Tumango si Papa sa sinabi ko at nagpatuloy na siya sa pagkain.

Inabot sa akin ni Seth ang isang platong puno ng pagkain ko tapos kumain na kaming dalawa. Habang nakain kami, nagkwentuhan lang kami ni Papa about sa buhay ko noong bata pa ako at nang lumipas ang ilang minuto at natapos na kami sa aming mga pagkain ay exchange gift na daw!

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon