-Chapter 8-

55 3 2
                                    

"Uhm, Seth? Okay lang ba kung ibaba mo ako sa isang lugar na walang makakakita sa 'tin?" Tanong ko sa kanya, medyo nahihiya pa nga akong tanungin to eh.

"Huh? Baket?" Tanong niya sabay sulyap sa akin.

"Kasi pag may nakakita sa akin na bumaba sa isang magara at sosyal na kotse, baka kung anu-ano ang isipin nila. Mapagkamalan ka pang boyfriend kong mayaman." Tinakpan ko ang bibig ko nang mapansin kong sinabi ko pala sa kanya yung huli. Oh syete! Why did I just say that?

Tumawa lang ng mahina si Seth "Ano naman kung mapagkamalan nila? Actually, that can also be a good cover for me. I can pretend to be your boyfriend para walang mag-isip ng iba kung bakit kita laging kasama." Suhestiyon niya naman.

"Seryoso ka? Eh nakakahiya naman." Nahihiyang sabi ko.

"Bakit naman nakakahiya yun?" Tanong niya naman.

"Eh kasi... ikaw boyfriend ko? Parang ang hirap paniwalaan na itong pagmumukhang ito magiging boyfriend itong pagmumukhang ito." sabi ko sabay gesture sa akin then sa kanya.

"Haha! And so? Isipin mo na lang, itong pagmumukhang ito laging makikitang kasama itong pagmumukhang ito at paniguradong magseselos ang lahat ng babaeng makakakita sa atin." Di ko alam kung matatawa ba ako dun or what. Joke ba yun?

"Hay, sige na nga. Bahala na si batman sa kapalaran ko. There goes the last year of my supposed invisibility to everyone." pagbuntong-hininga ko habang nakatitig sa gate na papasukan namin.

Nang makapasok na kami ng school grounds, pinark niya ang kotse sa parking lot (Obviously!) tapos bumaba na kami ng kotse. Sinigurado muna ni Seth na nakalock na yung mga pinto ng kotse bago kami lumakad papasok ng building.

"So, san ang first class natin?" Tanong sa akin ni Seth habang papasok kami ng building.

"Sociology 1, room 304." Sagot ko tapos tinungo na namin ang third floor kung nasaan ang classroom ko.

Nang makapasok ako ng classroom, wala namang nakakapansin sa akin pag pumapasok ako ng classroom kasi sa pinto sa likod ako pumapasok at sa likod din ang upuan ko tuwing Sociology. Pero ngayon, halos lahat ng babaeng nandoon nagsitinginan sa akin, or more specifically, kay Seth.

Kagat-labi akong umupo sa upuan ko tapos si Seth naman ay naupo sa katabi kong arm-chair, feel ko nakatitig pa rin sa amin yung mga classmates ko, kaloka! Di ako sanay!

Nilabas ko ang xerox copy ko ng sociology book tapos nagsimula nang magbasa "So, anong gagawin ngayon? May quiz ba?" Tanong sa akin ni Seth.

"Hindi. Baka lang magrecitation ngayon. Hilig kasing magtawag ni Ma'am eh." Sabi ko sa kanya. Tumango siya tapos nakibasa na rin sa akin.

Nasagabal ang aming pagbabasa nang magtipon ang apat na babae sa harap na desks namin tapos kalbitin nila si Seth kaya napunta ang atensyon niya sa kanila.

"Hi, kuya, bago ka naming kaklase?" Tanong nung isa, Judy ata ang pangalan niya eh.

"Uh, yeah. Kae-enroll ko lang kahapon." Nakangiting sagot ni Seth.

"Ah. Ako nga pala si Jurnis. Tapos ito si Michelle, si Jessica tapos si Fallon." Pagpapakilala niya, Jurnis pala hindi Judy, at kita kong abot-langit ang mga ngiti ng mga kaklase ko.

"Seth. Nice to meet you." Tapos nilahad niya ang kamay niya at kinikilig na nakipaghand-shake sila kay Seth. Grabe, ang lalandi talaga ng mga kaklase ko.

"Nice to meet you. Uy, Kuya, penge daw number mo sabi nito." Sabi ni Jessica sabay turo kay Michelle, hinampas naman siya ni Michelle habang nakangiti.

Tumawa si Seth "Sorry, ladies, di ako namimigay ng number eh." Sagot niya.

"Aww, sige na, kuya Seth. Promise, di namin ipamimigay." Nagpout naman si Fallon.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon