-Chapter 4-

72 5 1
                                    

"Mr. Harford." pagtawag ni Seth sa Papa ko at nakita kong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa si Papa at humarap siya sa akin.

Tumingin ako kay Seth at sinenyasan niya ako na lumapit daw ako kay Papa at ginawa ko nga iyon. Huminga muna ako ng malalim bago ako dahan-dahang humakbang papalapit. Grabe! Para akong kinakabahan na ewan! Kaloka!

"Jackie." sabi ni Papa at hinawakan niya ako sa mha balikat ko "Okay ka na ba?" tanong niya, puno ng pag-aalala ang boses niya.

"M-Medyo po." sagot ko, nanginginig ang boses ko!

"I really am sorry, Jackie! About everything. I hope you forgive me. I know I don't have the right to ask for your forgiveness after everything that has happened to you, but I truly apologize for it all." sincere si Papa habang sinasabi niya ito, sa tingin ko iiyak na ata siya eh! Naku! Ngayon lang ako nakapagpa-iyak ng matanda! Waaaahhhh!!!

"Uhmm... uh... paano ba 'to? Uhm..." wala na! Hindi ko na alam ang sasabihin ko! Kainis! Ano ba! Jackie, ano na? Magsalita ka na! Utak! Gumana ka na, please!!!

"Ganito na lang, para di ka mmahirapan" bigla niyang sabi at binitawan niya ang mga balikat ko tapos kinlap niya iyon at tinapat sa bibig niya "Kapag pinapatawad mo na ako, tumango ka. Kapag hindi naman, iiling mo na lang ang ulo mo, okay?"

Tapos parang biglang may nag-flash na memory sa utak ko. Bigla ko kasi naalala nung first day ko sa school nung Grade One ako. Umuwi akong luhaan nang awayin ako ng mga kaklase ko at hindi ako makasagot kay Mama nang time na yun dahil sa sobrang pag-iyak ko.

"Okay, ganito na lang, anak" at nakita kong kinlap ni Mama ang dalawa niyang kamay tapos tinapat niya ito sa bibig niya na parang nag-iisip "Tumango ka kapag may nanakit sa yo sa school tapos umiling ka naman kapag wala at isang simpleng aksidente lang ang dahilan ng pag-iyak mo." paliwanag ni Mama.

Hindi ko naman kayang magsinungaling kay Mama dahil galit siya sa akin kapag nagsinungaling ako at sabi niya din na nagkasala daw ako sa Diyos kapag nagsinungaling ako kaya tumango ako bilang pagtugon sa tanong ni Mama.

"Aww... kawawa naman ang baby girl ko." sabi ni Mama at niyakap niya ako "O sige, pupunta si Mama bukas sa school at kakausapin ko ang teacher mo tungkol doon. Si Mama na ang bahala sa lahat kaya wag kang matatakot magsabi sa kin ha?"

Habang tumatakbo ang alaalang iyon sa utak ko ay naramdaman kong nagpatakan na ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na napigilan eh! Mahina talaga ako pagdating sa ganoon! Buset!

"Anak?" narinig kong tinawag ako ni Papa pero hindi ko siya tinignan, busy ako sa pag-iyak eh! Tinatamad pa naman ako pag umiiyak ako.

Medyo nagulat ako nang maramdaman kong may yumakap sa kin tapos lumapat ang katawan ko sa isang mainit at malambot na katawan. Naramdaman ko ring sinuklay niya ang buhok na parang pinapatahan niya ako "Sige lang, anak. Umiyak ka lang kung gusto mo. Ilabas mo na ang lahat ng bigat na namuo sa dibdib mo, hindi kita pipigilan." narinig kong binulong ni Papa sa akin. Hindi ko na napigilan at napayakap na run ako sa kanya habang walang tigil na dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ko.

***

"Okay ka na ba, anak?" tanong sa akin ni Papa habang inaabot niya sa akin ang baso ng tubig. Kinuha ko ito sa kanya at ininom ko ito. Nilapag ko sa maliit na lamesa ang baso matapos kong ubusin ang laman ng baso.

"Pwede mo na bang sagutin ang tanong ko kanina?" mahina niyang tanong sa akin. Nagpanbuntong ng hininga ako bago ako tumingala at tumungin sa kanya.

"Uhmm..." nag-clear akobng throat, medyo naging hoarse kasi ang boses ko eh kakaiyak "Uhmm... siguro... bago ko po muna sagutin yung tanong niyo, may itatanong lang po ako, kung pwede po sa inyo." sagot ko naman.

My Bodyguard and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon