Pictures Of You

96 6 2
                                    

October, 2008

"Semestral break na!!" Sigaw ni Yohan nang lumabas nang classroom si Sir.

"Sa wakas semestral break na rin" sa isip-isip ko naman. Isang buwan na rin ang nakalipas ng nakita ko ang picture ni yohan-bilang isang babae. Hindi ko sinasadyang napulot ito, nung una ay nagtaka pa ako kung siya ba talaga ang nasa picture. Pero hindi naman imposible dahil member ito nang teatro sa school at maaaring isa ito sa naging role niya. Minsan ko nang pinagtapat ang mukha niyang lalaki at ang litrato, wala itong pinbagkaiba, maliban nalang siguro sa mahabang buhok sa larawang babae ito.

Natawa na lang ako nung una ko itong makita, hanggang sa hindi ko namalayan at naitago ko ang litrato.

Nang tumagal akala ko ay hanggang hangga lang, patingin-tingin, at pasulyap-sulyap sa litrato. Pero nagpabaya ako sa totoong nararamdaman ko sa kanya, dahil ang katutohanan ay di na pala paghanga lang kundi pagkagusto na ang kinahinatnan. Hanggang sa hindi ko na malayang unti-unti na pala akong nahulog ng todo sa kanya. Parang isang kurap lang ay nahulog ako sa larawan niya. Wala sa bukabularyo ko na magyayari sa akin ang bagay na yun. Oo, wierdo na mainlove sa kapwa ko lalaki, pero nangyari na ang hindi inaasahan.

Humantong sa puntong hindi na makukompleto ang araw ko ng hindi ko siya nakikita. Ang pagmasdan ang larawan ay parang responsibilidad na sa araw-araw, pampagaang nang pakiramdam.

"Pinapaasa ko ba ang sarili ko, kahit alam kong hindi naman talaga tama to" araw araw kong halos pinapaintindi sa sarili ko ang mga salitang iyan. Pero gaya nang makulit na bata, matigas ang ulo ko! XD

Pinaasa ko ang aking sarili sa panaginip na gawa ng litrato niya.

Pero tumibok nanaman ang puso ko, pero hindi na salarawang hawak-hawak ko. Sa isang iglap ay biglaang dumaan si Yohan at umupo sa harap ko. Slomotion ba ang tawag duon o kinabahan lang ako dahil hawak ko pa rin ang larawan niya.

Sa pagaalala ko na baka kantsawan niya ako ay agad kung tinago sa bulsa ko ang litrato.

"Bakit magisa ka ata dito." Tanong nmi Yohan.

"Wala tol' tara!"

Simula nang araw na naibulsa ko ang litrato ni Yohan, ay yun na rin palang huling araw na titignan ko ito. Dahil matapos ang araw na yun ay gumawa na ako nang napakalaking desisyon sa buhay ko. Nawala na ang pagkakuntento ko sa litrato ni Yohan at hindi ko namalayang naibaling ko na sa kanya.

Pilit kung pinikit ang mata ko, at tinanggap na gusto ko na siya.

"Hindi naman tama to' bakit siya pa, bakit siya pa!!" hindi ko maintindihan nang gabi na yun kung saan ko ilkalagay ang pakiramdam ko, dahil kahit alam ko na kung anu ang gusto ko ay gulong-gulo pa rin ako. Na sa tingin ko ay hindi talaga tama ito.

Pero habang nilalabanan ko ang pakiramdam na ito, ay lalo lang akong nababaliw ng tuluyan sa kanya, at hind lang sa ilusyong litrato sa wallet ko, kundi pati sa kabuoang siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, unang beses lang kasing mangyaring ma-inlove ako sa lalaki at sa kaibigan ko pa. Alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla, bading o malamyang lalaki, sa katunayan nga'y nagkaruon na ako ng girlfriend dati. At nakapagtataka kung bakit ako nagkaganito ngayon. Sa edad kung dise syete kung malamya nga talaga ako sana alam ko na yun dati pa lang, at kung malamya nga siguro ako hindi babae ang pinagnanasaan ko tuwing gagawin ko yun sa loob ng kwarto ko; Ngunit ngayon, bakit duon pa sa napaka maling tao ako nahulog? maling tao na kahit kailanman alam kung hindi wastong mahalin ng tulad kong lalaki-At sa kaibigan ko pa! Ewan ko! Desperado na ako sa pagkagusto ko sa kanya, Hindi man sigurado at pabigla-biglang kabig lang ng dibdib ang umusbong at nagpalambot ng maskuladong ako, ay mukhang mahal ko na siya. At paggusto ko, ay paniguradong gusto ko, magkaibigan kami ni yohan at ayokong masira yun, ayokong lumayo siya sa akin, dahil paniguradong ikamamatay ko pag nangyari yun, pero gagawin ko parin kahit hindi ko alam kung anu ang kahihinatnan. "Bahala na!"

Queer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon