"WoO" Pagbuntong hininga.
Isang buwan at kalahati nalang ang bubunuin ng mga estudyante at araw na rin nang pagtatapos; eto na marahil ang pinakaiintay ng isang magaaral matapos ang apat na taong paghihirap sa highschool; bukod marahil sa prom tuwing pebrero na hindi malilimutaan, ay isa na iyon sa mga huling palatuntunin sa eskwelahan. Tulad ng bawat isang tipikal na magaaral may mga iilang nanganganib ring di-makapapasa, meron iba naman na pasang-awa at merong sigurado na at may matatanggap pa na ebidensya ng kanilang pagpupursige.
Matapos tumunog ng mainggay na bell sa hapon, ay may pinabaong salita ang guro ng section 4-B, natumutukoy sa mga kandidato na magsisipagtapos.
"Kinalulungkot ko mga bata, pero mukhang ilan sa inyong mga kamagaral ay nanganganib na mag-martsa sa marso." Bulalas ng adviser nila na kinalungkot at kaba naman ng karamihan.
"Huh??" Gulat na reaksyon ng karamihan, na sinabayan din ng "AnoO!??" ni Lloyd, na nasundan pa ng pagtingin sa paligid. Ngunit tila ang paghahanap ay nasabayan ng sagot sa isip. Nagpasimpleng eskapo at paspasang takbo papunta sa isang lugar ang binatilyo--kung saan naruruon ang kaibigan.
5: 30 Pm (Playground)
"Luke, magtapat ka nga sa akin!!" "Totoo ba?" pabalang na tanung ni Lloyd sa kaibigan.
"Ha!" Nabigla sa biglaang paglitaw ni Lloyd sa harap nya "a..e..??" di makaimek na pa utal ni Luke, habang naka-yuko.
Dahi sa pagkautal at walang maidikta sa kaibiga'y nagmamadaling napatakbo na lamang ang binata at tila hiyang-hiya sa kaibigan nito.
Makalalayo na sana si Luke nang biglaang nagsalita si Lloyd.
"Sandali lang tol'... tatakbo ka na lang ba ng tatakbo? Iiwanan ang problemang ito? Tol' tandaan mo kinabukasan mo ang nakasalalay dito! ...Sasayangin mo nalang ba yun! Ang pangarap natin, are you already forget about that? Diba't sabi mong gusto mo ang maging piloto tapos ako di ba doctor? Pinangarap natin yun at HINDI YUN MAHAHADLANGAN NG 75 SA CARD MO O KAHIT ANUNG LINE OF 7 AT RED MARK SA GRADO MO! Mataas na ang nararating natin, kunti nalang at magiging ganap na piloto ka na!" Malaking paliwanag ni Lloyd, na malumanay ngunit may malaking tatak na nagpaisip ng malalim kay Luke.
Matapos... "Eh sa mahina nga ako e, BOBO! WALANG ALAM!..." kasunod ang pag-upo sa seasaw'ng natapatan at muling may panggigigil na pinapaulit-ulit ang mga katagang "BOBO, Walang alam!!!"
"Mahina?! Bobo at Walang alam??!! Yan ba ang tingin mo sa sarili mo tol' ? ...Tol' Walang taong ganyan, ikaw lang ang nag-iisip nyan... hindi ka mahina..! TANDAAN MO YAN HINDI KA MAHINA! May huling pagsusulit pa, Believe me! Luke-Makakapasa ka! Basta magtiwala ka lang"
"Ayoko ng maniwala... ayoko ng mangarap-- Sawang-sawa na aku! Lloyd, mapapahiya ka lang sa akin, sige na! iwan mo na ko! ...itigil mo na ang pagmamalasakit mo sa akin! Tama na to! Wala ka ng magagawa! wala na kung mukhang maihaharap sa pamilya ko at sa mga kapatid ko!! WALA NA!!"
Lalapit pa sana ng kaunti si Lloyd para damayan ang binatang unting-unti pa'y sasabug na, daliang umimik uli ito, dala-dala ang matempo ngunit nanginginig-nginig na may pautal-utal na hiya ng binata.. "Wag.. Wag mo na kung lapitan pa, wag na lang-Wag mo ng sayangin pa ang laway mo sa akin. Tama na ang nagawa mo Lloyd"
Ngunit nilapitan pa rin ni Lloyd si Luke, ngunit hindi para damayan ito, kundi upang gisingin ng hagupit at malakas na suntok nya. Dali-daling hinablot ni Lloyd ang polo ni Luke at papatayo na walang tawad nya itong sinuntok.
Mabilis namang ikinagulat ni Luke ang pangyayari na nagpatilapun sa kanya nang halos isang dipa ang layo.
Matapos maipamalas ang hagupit na suntok sa kaibigan ay pahingal nitong sabi "Anu nagising ka na ba!? O Kulang pa?!!"
BINABASA MO ANG
Queer Romance
Teen FictionMaraming klase nang love may totoo, may hindi. May sobra at may kulang, may sagad at merong sakto lang. love is the greatest gift of god to all of us and to loved and be loved by someone is the most happiest thing in life. No matter what Type, Color...