Last Dance

44 4 1
                                    


"Time out muna maestro"

Pawisang lumabas nang hall si Russell tila gustong makakuha ng maaliwalas na hangin mula sa labas kahit pa pinagyaman sa aircon ang loob.

Naglakad-lakad ito sa paligid ng campus, hangang sa nakapunta siya sa isang lugar na madalang kung puntahan ng kung sino, Ang pinto ng hagdan pababa sa madilim na lagusan o ang underground ng campus. Matagal na ring naabanduna ito, sa katunayan ay halos wala ng masyadong nakakaalam ng papunta sa lugar na yun. Dahil bago ay kinain ng pagkacurious si Russell at mukhang babalaking buksan ang pinto ng lagusan kahit pa may di kaaya-ayang nararamdaman sa lugar.

Tila may hindi mawaring nag-uudyok sa kanyang kalikutin ang nasabing lagusan, hindi man sigurado kung ano ang nagaambaang kapahamakan ay pinatuloy nito ang kutob.

Nang biglang may humawak ng likuran niya. Kinabahan ito at napakislot malamig ang kamay na iyon kaya naman dahan-dahan siyang tumingin sa likuran.

"Ross! Anong ginagawa mo dito?"

"Whew! Kala ko naman kung sino, ikaw lang pala yan Troi"

"Ano ba kasing ginagawa mo dito ha!?"

"Wala, nagpapahangin lang"

"Alam mo may hindi ako magandang nararamdamang dito, tayo na"

"Yan ka nanaman sa mga spirits eh.. pwede ba...."

"Basta lika na!"

Nang biglang may kumalabog, "BoGGG! Bog!!" kasunod na sigaw, "Pakawalang niyo ko dito!! Tulong!!"

"Troi, narinig mo yun?"

"Ang alin?"

"May kumakaluskos tapos my sumigaw nang tulong"

"Wala naman eh. Guni-guni mo lang yun"

"Tara na kasi!"

Nagmasid-masid pa si Russell ng ilang beses hanggang sa napagpasyahang umalis nalang, "Sige tayo na nga"

Habang lumalayo sa lugar ay hindi maiwasan ni Russell na iwaglit ang tingin sa abandunadong lagusan.

Hanggang sa hindi na ito tinantanan ng matinding kutob, kaya naman matapos ang klase ay mas minabuti muna nitong dumaan sa abandunadong lagusan at alamin kung sino ba talaga iyon.

5 o'clock sa abandonadong lagusan,

Nang pagtungtong niya sa lugar ay agad humangin ng sobra-sobra na tila uulan na may kasamang tuyo't na dahon mula sa puno ng acacia na halos makalbo na, sandali lang ay biglang huminto ang hangin.

Limang minuto narin ang nakalipas at mukhang napatunayan na rin ni Russell na mukhang ngang guni-guni niya lang iyon at talaga ngang napatunayan niya na na walang ibang nakatira sa mundo kundi tao at hayop lamang.

Papaalis na sana si Russell nang biglang may kumalabog nanaman. Na nasundan muli nang sigaw, "tulong tulongan niyo ko!!"

Tila nakulong sa lagusan ang boses babaeng ito. Nagmamakaawa at mangiyak-ngiyak na ang babae.. kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Russell at agad na kumuha ng kahoy mula sa mga naka salansan sa tabi.

"Wag kang mag-alala ilalabas kita diyan!!" –Ginawa ni Russell ang lahat para mabuksan ang pinto sa lagusan ngunit di ganon kadali ang lahat dahil sa sobrang kalawangin na ang pinto at purong bakal pa ito, ngunit hindi ito tinantanan ng binata at ginawa ang higit pa sa kaya niya para maisalba ang babae hanggang sa di ito na bigo at kalauna'y nabuksan niya na rin ang bakal na pinto.

Nang mabuksan ni Russell ay bigla nanaman humangin ng napakalakas. Medyo na napuwing si Russell kaya napapikit ito. Nang makadilat na ay nagulat siya dahil wala siyang nadatnang babae sa loob. Tumingin siya sa kanan, kaliwa ngunit wala. Hanggang sa may tumawag sa kanya.

Queer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon