Deja Vu

49 3 2
                                    


Minsan sa buhay nang tao may mga pagkakamali tayong nagagawa para lang sa sarili natin, wala tayong iniisip na iba, kundi ang pangsariling kapakanan lamang natin, makasakit man tayo o hindi man natin sinasadyang makasakit ay kadalasang hindi natin magawang maiwasan--ang alam lang natin ay may gusto tayong gawin at patunayan para sa iba't-ibang pangsariling kagustuhan.

Sa bawat araw sa buhay nang tao ay may mga pagkakataong tila inuulit nang pagkakataon, pangitain na tinatawag nating deja vu o "nakita na" ngunit paano nga kaya kong binibigyan lang tayo nang pagkakataon na maramdaman ang ganitong klaseng pagulit o kapareha nang isang bagay na nangyari sa atin upang maituwid pa ito o maipakita sa atin ang mga bagay na minsan ay nangyari na sa atin, nang sagayun ay mas madali tayong makapagpatuloy sa buhay at mas maunawaan natin ang hinaharap.

"Sa tuwing naaalala kita, ang lahat nang mga ginawa mo sa akin, mga bagay na winalang bahala ko lang. Pinagsisisihan kong hindi kita pinahalagahan at nawala ang lahat nang naramdaman ko sayo, patawarin mo ko sa lahat nang nagawa ko. Namimiss na kita Nicole"

"All i can remember is i love you, you're always be in my heart, forever" Pagbasa nang isang dalagita sa huling mga salitang nakapaloob sa isang mahabang sulat habang ito ay nakaupo sa may upuan sa harap nang tabing dagat (Isang Parke na maihahalingtulad sa baywalk). Hawak-hawak nang dalagita ang isang nakabukas na notebook na pinaghugutan nito nang imosyon. Isang patak mula sa kanyang mata ang sandaling tumulo sa notebook at nagpatawag sa pansin nang isang binatilyo naglalakad sa tabi nang kinauupuan nang dalagita

Napalapit ang binatilyo,

"Miss, are you alright?" Tanung nang binatilyo sa dalagita.

Itsurang pagtataka nang binatilyo, muling nagsalita, "May problema ba? Panyo oh" Sabay ang abot sa dalagita nang panyo.

Napatingin ang dalagita at hindi nagdalawang isip na abutin ang panyong hawak nang binatilyo, Agad nitong ipinunas nang dalagita sa mata nito na patuloy pa rin ang pagpatak nang luha.

Naupo ang binatilyo sa tabi nang dalagita at muling nagtanung, "Bakit ka ba umiiyak?"

Hindi pa rin makapagsalita ang dalagita at nanatiling tahimik. sinabayan na lamang nang binatilyo ang dalagita sa katahimikan nito, at minabuting sariwain nalang ang aliwalas nang lugar at sumandal sa kinauupuan.

Hindi na muling umimek pa ang binatilyo. Napatingin ang binatilyo sa dagat sa harap nila.

Isang away sa katabi nilang lugar ang nagumpisang bumasag sa katahimikan nang dalawa. Isang babae ang sumugod sa lalaking nasa may tabing dagat din, galit na galit na sinabihan nang masasakit na salita ang isang lalaki. mga salitang manloloko, walang hiya, at walang kwenta habang paiyak na sabi nang babae.

Napatingin ang dalawa dito, bukod kasi sa malakas ay pinagkaguluhan ang dalawa na hindi maiwasang pagmulan pa nang maingay na bulungan nang mga naguusisa.

Kaya naman nagsalita na muli ang binatilyo, "Bakit ba kasi may mga taong hindi makuntento, mga taong nasa kanila na pinakawalan pa nila, mga taong nagtanga-tangahan sa mga nararamdaman nila at mga taong mas pinipili ang bagay na panandalian lang, mga makasarili at hindi iniisip ang mararamdaman nang taong masasaktan nila. Para sa kanilang pansariling kapakanan"

Hindi intensyon nang binatilyo na marinig nang dalagita ang reaksyon nito

"Tama ka" Salita nang dalagita.

Agad na napatingin ang binatilyo sa dalagita dahil sa wakas ay nagawa na nitong magsalita.

"Gusto mo ba talagang marinig kung bakit ako umiiyak" Sunod ang tingin sa binatilyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Queer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon