"I don't want this anylonger" Nasabi na lamang ni Joseph sa sarili, habang nakatulala sa may bar na malimit niyang puntahan.
Galing sa marangyang pamilya si Joseph Dela Vega, architect ang ama niya at may sariling tailoring company ang kanyang ina. Dalawa lang silang anak, kaya naman sunod sa luho ang magkapatid, ngunit kung mas titimbangin ay mas maluho pa si Joseph kaysa sa kapatid niyang babae na si Julia. Dahil narin sa pagigingmaluho kaya naman napunta sa ganitong estado ang pang-araw-araw na buhay ni Joseph, gimik dito, gimik duon, kung saan siya dalhin nang kanyang paa ay walang ni isa ang makapagsabi sa kanya nang bawal. Malaya siyang gawin kung anung gusto niya-at Malaya siyang sundin kung anung nais na buhay ang gusto niyang tahakin.
Mula sa Cebu ay mas ginusto ni Joseph na manirahan at ipagpatuloy sa ibang lugar ang kanyang pagaaral bilang kolehiyo. Desi otso palamang nuon si Joseph nang tumira ito nang magisa sa nabiling bakasyunan sa may Quizon city nang pamilya niya. At dahil ang buong dela Vega ay nasa Cebu tanging siya lamang ang nakatira duon kasa-kasama ang katiwalang si ismael. Lingid sa kaalaman ng pamilya ni Joseph ang piniling buhay ni Joseph-Lingid sa kaalaman nila na siya ay isang "Bisexual"
Walang ni-isa sa pamilya ni Joseph ang nakakaalam maliban nalang sa kanyang nakatatandang kapatid na si Julia. Dahil marahil sa tanging magkapatid ay malapit sa isa't isa sina Julia at Joseph, lahat nang lihim ay alam nila sa isa't -isa at pati na ang pagiging closet queen ni Joseph sa pamilya nila at ang lantad na pagkatao pag nasa manila ito.
Nang mapadpad na nga nang lubusan ang landas ni Joseph sa ibang lugar ay mas duon niya na kilala ang sarili niya, lalaki man sa pananamit, sa ayos, pustura at maging sa salita ay mas priperado ni Joseph ang kasingtahan na lalaki o Boyfriend kaysa ang Girlfriend. Sa katunayan pa nga ay halos nakakasampu na ito sa edad niya palang na dise otso na nadagdagan pa sa mga dumaan pang buwan at taon.
Hindi nito nagagawa sa Cebu ang mga bagay na malaya niyang nagagawa sa maynila, hindi dahil sa pamilya nito kundi dahil sa sasabihin nang buong angkan nito na naruruon lahat sa Cebu-ayaw kasi nitong may nasasabi ang ibang tao sa kanila, ayaw niyang nasisira ang reputation nang pamilya nila dahil lang sa kanya. Gusto niya mang magpakatotoo sa kanila ay mas ginusto nitong wag nalamang nilang malaman pa. Ang pagtatago sa kanyang ama ay hindi din naman kasi ganun ka problema sa kanya alam niya kasing maiintindihan siya nito, mahal na mahal siya nang ama't ina niya at alam niyang hindi ang kasarian o ang tinahak na buhay ang magpapalayo o magpapabago nang pagmamahal na iyon sa kanya.
Nang mag-aral ito sa kilalang pamantasan sa maynila ay lalo itong naging bukas sa kanyang gustong maging hanggang sa hinaharap. Kinuha nito ang kursong gustong-gusto niya simula pa nang bata ito, kinuha niya ang fine-arts, at gaya nang kanyang ama nais din niyang maging architect. Idolo niya kasi ang kanyang ama simula pa nang ito'y bata pa lamang.
Sa kalagitnaan nang pagiging estudyante sa kolehiyo ay duon niya rin naranasan ang umibig nang seryosohan at magmahal sa iba't ibang lalaki. Hanggang sa nakilala niya si Ethan.
Simula nang makatungtong sa puso ni Joseph si Ethan ay hindi na ito nag hanggad pa nang iba at mula sa kinseng pagibig na dumaan sa kanya, si Ethan ang nagbigay sa kanya nang pagmamahal na gustong-gusto niyang makamit. Wala na ngang masasabi pa si Joseph sa kanya, bukod sa maalaga ay mahal na mahal pa siya. Hanggang sa umabot pa sa halos isang taon na ang kanilang relasyon, mas matibay, tumatag at mas sinabi nilang hinding-hindi na iiwan pa ang isa't-isa. Dumaan pa ang mga buwan nang sila ay umabot na sa kanilang pang isa at kalahating taong bilang magkasintahan nang hindi inaasahang makitaan ni Joseph si Ethan nang mga sinyales nang pagbabago at hanggang sa mahuli pa nito sa akto ang panloloko na mismo nito.
Nuon pa man ay may naririnig nang mga paninira galing sa kaibigan nila Joseph, at lahat nang ito ay tumutukoy kay Ethan at sa lahat nang ginagawa nitong kababalaghan; Ngunit hindi lang talaga naniniwala si Joseph dahil nga mahal na mahal nila ang isa't-isa. Ngunit nang nakita niya sa kanyang mga mata ang pangyayaring ito ay gumawa ito nang isang desisyon, alam niyang hindi madaling iwan ang isang taong naging buhay mo nang halos isang taon at kalahati pero alam niyang hindi siya tanga at alam niya ang dapat gawin, at kahit kailanman ay hindi na pwedeng pagkatiwalaan pa ang minsan nang nanloko sayo. Kaya agad-agad niyang hiniwalayan si Ethan. Na kahit gaano pa kasakit ay kailangan.
BINABASA MO ANG
Queer Romance
Teen FictionMaraming klase nang love may totoo, may hindi. May sobra at may kulang, may sagad at merong sakto lang. love is the greatest gift of god to all of us and to loved and be loved by someone is the most happiest thing in life. No matter what Type, Color...