Seatmate

75 6 0
                                    

September, 2008


Hindi ko inakala na sa pagtungtong ko sa kolehiyo ay mangyayari sa akin ang mga bagay-bagay na hindi ko inaasahan at lubos na nagpabago sa akin.

Dati-rati ay hindi ako pansinin sa iskul, dinadaan-daanan at binubunggo lang ng kung sino ang isang hamak na tulad ko, na ang isang juan dela cruz na gaya ko ay isang panis na hangin lang para sa mga makabagong maria clara sa eskwelahan namin, Na hanggang tingin ko nalang at pangarap na ang pagmasdan sila. Ngunit tama ngang parang gulong ang buhay ng tao, at ngayon ay umikot na ang kapalaran ko, dahil masasabi kung ako na ngayon ang nasa tuktok nito. Piling ko ang gwapo-gwapo ko. Isang pinagkakaguluhang artista sa telebisyon, na ako ngayon ang nasa ibabaw ng lahat! Daig ko pa ang presidente ng pilipinas. At Duon ko na patunayan ang ibig sabihin ng ibig sabihin ng katagang laging iniiwan sa amin ng aming titser sa hekasi nuon na- "Mga bata, bilog ang mundo, minsan ay nasa ilalim tayo at minsan ay nasa ibabaw... hala, sige ilahad ang palad!! Mga pasaway" Bago kami nito paluin.

Pero paano nga ba nangyari at naging imposible sa akin ang sinasabi ko.


Dalawang buwan na rin ang nakalipas ng mangyari ito, nang napagtanto ko ang lihim na pagmamahl sa akin ni rihanna, labis kong ikinagulat ito dahil akala ko na tapat sya sa kaibigan kung si niel.


Nakaraang linggo nung malaman kong sila na ni rihanna. Halos magiisang buwan na daw nung maging mag-ON sila, ngunit dahil sa "SL" o secret lovers "DAW" sila ay madali nilang naitago, halos sabay lang dahil isang linggo na din ng muling nabago ang seatplan namin at naka-tabi ko si rihanna, medyo kumplikado ang seat plan dahil imbes na ang best friend kong si neil ang kasunod ko ng upuan ay himalang si rihanna na dapat sa dulo ang naging seatmate ko, di ko masyadong ikinabahala ang mga pagbabago tungkol sa seatplan namin dahil sa maganda naman ang pakikitungo sakin ng bago kung seatmate na si rihanna.


Ngunit hindi ko lubos akalaing yun na ang sinyales at magpapabago nang lahat at ikot nang gulong na sinasabi ko.


Maganda ang pakikitungo sa akin ni rihanna, pag may kailangan ako ay agad nyang ibinibigay, napalayo man ako sa mga kabarkada ko gaya ni neil ay mabilis ko namang nakasanayang maging malapit sa kanya, maka-bonding at maging kausap sa lahat ng oras pag walang ginagawa. At dahil sa matalik na kaibigan ako ni neil ay wala lang sa kanya ang pagiging magkalapit loob namin ni rihanna, at ubusin nya ang halos buong atensyon sakin. Kung tutuusin ay mas gusto pa nga ni neil na ako ang kasama ng Gf nya, dahil tiwala siya sa akin, dahil sa pinagsamahan. Ngunit kalaunan ay parang napapansin kung higit pa pala sa kaibigan ang turing niya sa akin. nung una'y iniisip ko "Ah wala lang to, paranoid lang siguro ako..." pero habang tumatagal bakit sa bawat kilos ko ay may matang sumusunggab sa akin, hindi matang nakapanlilisik, bagaman isang matang malagkit at gusto akong tunawin ng tingin.


Dumating ang di inaasahang pagkakataon, ang araw na nakapag-usap kami ni rihanna ng masinsinan, piling ko nasa hotsit ako ng araw na yun, piling ko nasa isang gameshow ako at huling tanung na para sa grandprice, at ang premyo ay ang sagot sa tanung na "Bakit". Mga bakit na ganto at ganun at sagot sa malaking malabillboard na question mark (?).


Ayoko sanang sabihin sa kanya ang mga palagay ko at hinala sa tunay na pagkakaibigan namin at sa hinala kung may gusto siya sa akin, at kung bakit bukod sa lahat ay mayruon syang espesyal na atensyon na sa akin lang ibinibigay at higit pa sa kasintahan nyang si neil, sila nga ba talaga? at kung bakit ganon na rin sya kalambing. Ngunit di sya nakasagot, tinignan ako ng may lalim at sunod ang pabiglang sampal sa akin, bagaman di kalakasan ay napa-usog nya ako, sabay tanong ko ng 'bakit!!?'

Queer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon