The Girl BestFriend

454 14 14
                                    

Matagal nang magkaibigan sina Anthony at Dorina, simula pa lamang 7th grader ay malapit na sila sa isa't isa. At dahilan narin sa pagiging magkaklase nila kaya naman nabuo ang pagiging matalik nilang magkaibigan. Hindi man napaguusapan ay alam ni Dorina na may kakaiba sa kilos ni Anthony at hindi man sabihin ay alam niyang silahis ang kaibigan niyang ito. Gayun pa man ay lalaking kumilos si Anthony marahil ay dahil sa oryentasyon nang pamilya nito at sa relihiyosong kinapapalooban nila, kaya niya hindi maipakita. Ngunit kahit ganun pa ma'y kakikitaan pa rin ito nang mga malalamyang kilos pagkasama nito ang tropa nila Dorina at hindi sinasadyang mga paboses babaeng reaksyon paminsan na nahahalata nang mga kaklase nito.

Tumongtong sila nang Highschool nang maramdaman naman ni Dorina na may gusto siya sa kaibigan niyang si Anthony; para mang pagtawid sa tuloy na alambre ay pinakawalan parin ni Dorina ang pagkagusto niya sa kaibigan. Mas naging tuon nang atensyon ni Dorina si Anthony sa araw-araw. May pagkamanhid si Anthony kaya hindi niya malaman ang nais ipahiwatig ni Dorina sa kanya, at sa mga kilos niyang kakaiba.

Hanggang sa nalaman niya nalang sa mga schoolmates nila ang tungkol sa nararamdaman ni Dorina na nahahalata nila.

Lumayo ang loob ni Anthony kay Dorina dahil sa nakarating na usap-usapan sa kanya tungkol sa pagkagusto ni Dorina, nailang ito at hindi niya na magawang makausap pa si Anthony.

"Pwede ba tayong magusap tony?" Wika ni Dorina habang nakatalikod ang kaibigan.

Hindi na nagawa pang humarap at nagsalita nalamang si Anthony "Sorry Dorina, busy ako eh. Next time nalang ah, una na ko" Sunod ang pagalis nito.

Sa tuwing makikipagusap si Dorina o gagawa ito nang paraan para mailahad ang sarili niya kay Anthony ay tanging yuon ang sagot nito--"busy ako, marami pa akong gagawin" Isang mga salitang masakit sa kanya, dahil nanggaling sa matalik niyang kaibigan. Tumagal din ang hindi paguusap nila nang linggo. Hanggang sa dumating ang oras at makapagusap muli sila. "May gusto ako sayo Anthony!"

"Huh!?" Nagulat ito. Ayaw nitong paniwalaan ang mga naririnig nito, ngunit malabo may nanggaling narin mismo sa kaibigan niya ang sagot na ayaw niyang paniwalaan, Ayaw man sanang kumibo ni Anthony ay napilitan itong magtanung, "Pero,... bakit ako?"

"Hindi mo naman matuturuan ang puso kung kanino magmamahal di ba? Kung ako lang hindi kita papatusin Tony, kasi pinapahalagahan ko tong friendship natin. Pinigilan ko naman eh, pinilit kong itago at iisang tabi, pero Tony mahirap"

"Di ba alam mo naman? Hindi tayo talo, lalaki ang type ko" pagpapaliwanag ni Anthony sa kaibigan. Habang medyo papulong sa huling salitang nabigkas na lalakia ng gusto niya.

"Alam ko naman yun eh" nahihiyang sagot ni Dorina.

"E bakit ka nagkakaganyan!?" Sigaw ni Anthony kay Dorina. Kakikitaan nang medyo may pagkainis na ilang si Anthony, inis dahil sa kahit papaano ay gusto niya namang maisalba ang pagkakaibigan nila at pagkailang dahil hindi niya parin magawang matignan nang deretso ang kaibigan dahil sa hindi nito alam kung paano niya tatanggapin ang kaibigan at ang kagustuhan nito sa kanya.

Natahimik si Dorina sa tanung ni Anthony sa kanya. Wala itong maibuka, dahil alam niyang nasabi niya na ang lahat nang bagay na alam niya para maintindihan siya, at alam niya rin na kahit anu pang pagpilit ay hindi siya kayang mahalin nang kaibigan niyang silahis.

"... Kalimutan mo nalang" Pagyukong wika ni Dorina. Napatakbo nalang si Dorina at naiyak, gusto nitong lumayo at mawala sa lugar na iyon nang mga oras ding iyon. Isipin man niyang hahabulin at susundan siya ni Anthony habang tumatakbo ay hindi yun ginawa ni Anthony kay Dorina.

Masakit kay Dorina ang nangyari, pero hindi ito tumigil upang mahalin si Anthony. Araw -araw ay gumagawa nang paraan si Dorina para muling bumalik sa kanya ang kaibigan, hanggang sa humantong siya sa isang malaking desisyon--ang kalimutan ang pagmamahal niya at ibalik ang dati nilang pagkakaibigan. Para maibalik yun ay nagmahal nang iba si Dorina. Sinagot ni Dorina si Wilfred ang matagal nang nanliligaw sa kanya.

Queer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon