First Love

52 3 0
                                    


Sa unang kalye malapit sa parke ang bahay nila Peter, si peter ang kaisa-isang anak ng magasawang Fidel at Emily. Dahil sa nagiisang anak lamang ito ay nakasanayan na nito ang magisa sa lahat nang bagay lagi rin kasing wala ang kanyang magulang dahil sa Family Business nila sa Batangas, tuloy ay tanging siya at ang kasambahay na si Marie ang naiiwan sa buong lingo na kung minsan pa ay tumatagal nang buong buwan. Ganun pa man ay hindi pa rin naman nagkulang sa pangaral at atensyon si Peter kaya lumaki itong mabait at matalinong bata.

Ang katahimikan ni Peter ay nagbago nang dumating si Maris. Bago lamang lipat sila Maris tabi nang bahay nila Peter, kabaliktaran ni Peter si Maris maingay ito at palasalita, medyo may pagkaboyish at laging naka-cap at pinupusod ang mahabang buhok.

Hanggang sa isang araw ay nagkaruon nang pagkakataong magkita ang dalawa.

Dahil sa pagkatahimik ni Peter ay naaliw sa kanya si Maris at nagumpisa na itong magsalita,

"Hi, I'm Maris? Anung pangalan mo?"

Dahil sa hindi pagsagot ni Peter ay Inakala ni Maris na pipe si Peter, hanggang sa nagsalita na rin ito-"Peter" sabay tipid na ngiti.

Hindi maintindihan ang mukha ni Peter na tila hindi alam kung paano pakikitunguhan ang kulit at daldal ni maris na agad naman kinatawa nito. Hagikgik na matinis at nakakainis ang bumulwak sa bibig ni Maris na hindi naman kinaya ni Peter kaya ito ay napaalis.

Ngunit nagbibiro lamang si Maris. Dahil una palang ay gusto niya nang kaibiganin si Peter, kaya agad niya itong hinabol at humungi nang tawad-Matapos ang araw ding iyon ay madalas nang nagkakasama ang dalawa tila pinaglagyan nila ang isat-isa at tinuon nalang sa bawat isa ang kakulangan sa kanilang paligid.

Halos hindi na mapaghiwalay pa ang dalawa sa lahat nang bagay, kung may problema man ay madali naman itong nasusulusyonan, Masaya ang bawat isa sa isa't isa, walang mapaglagyan ang tuwa at ligaya dahl mukhang nahanap na nila ang hinahanap nang isa't isa.

Nang hanggang ang pagiging magkaibigan nila ay naiuwi sa pagiibigan.

Hindi nila namalayan na napapamahal na sila sa isat isa ta nakakamtan na nga ang unang pagibig at puppy love na tinatawag. Wala man silang opisyal na tawagan at kung anu anu pa alam nila sa isat isa na meron na nga talaga. At sa edad na 14 at 15 ay nagmahal sila.

Dumaan ang lingo, buwan hanggang sa mag pasukan na, wala paring makapagpigil sa kanila sa mga bagay bagay na gusto nilang gawin. Sabay sa pagpasok at maging sa paguwi.

Hanggang sa isang araw ay dumating ang hindi inaasahang kagaanapan at ang ngiti ay napalitan nang masidhing kalungkutan lalo na kay Peter nang malaman nitong naaksidente ang pinakamamahal na kaibigan.

Hindi makapaniwala si Peter sa nakikita-ang kaibigan niyang si Maris ay nakaratay sa morgue at malamig na lamang na bangkay.

Simula nang araw na iyon ay hindi na makausap pa si Peter. Magisa, matamlay at hindi kakitaan nang ngiti at positibong imahe-Kaya naman nagpasya ang maganak na dalhin si Peter sa states at itira sa kanyang tita.

Walang nadala si peter sa ibang bansa.

After 5 and half Years.

Nang makarecover sa Trauma si Peter ay nagpasya na ang magulang nito na iuwi muli siya sa pilipinas at duon na ipagpatuloy ang kolehiyo. Kasabay na lumuwas ni Peter si Xander ang kanyang adopted younger brother, 5 years ang agwat ni Xander kay Peter. Si Xander rin ang nakatulong sa paggaling ni Peter at naging katuwang nito sa buhay sa ibang bansa. Gusto rin makapunta ni Xander sa pilipinas bagkus ay dugong dayuhan ay magaling magsalita si Xander nang tagalog.

Queer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon