The Girl Dancing in the Rain

46 4 2
                                    


Tuwing umuulan ay isang babae lang ang nakikita ko, isang babae sa ulan, isang babaeng laging nagpapaligaya at nagpapangiti sa akin, isang babaeng masaya na nagtatampisaw habang magisang masaya at naglalaro sa ulan, patakbo-takbo habang ang pagtatampisaw sa tubig na kanyang pinaglalaruan. Gusto ko sanang tumakbo, samahan siya at yayain sa masayang laro habang umuulan, pero hindi ako pwede, magagalit ang nanay ko. Magkakasakit daw ako, sakitin kasi ako at bukod duon ay sipunin pa ako. Wala akong magawa kundi sumunod.

Habang pinagmamasdan ko siya ay may biglaang nangyari habang naglalaro siya, nadapa ang batang pinagmamasdan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin, parang madudurog ang puso ko sa pagkakakita ko kung paano siya nadapa sa madulas na lupang basing basa nang ulan. Tatakbo ba ako para siya ay tulungan? Baka magalit ang nanay.

Alam ko na hindi ko pwedeng suwayin ang magulang ko, alam ko rin naman kasi na para sa akin din ito. Kaya naman wala akong nagawa para tulungan ang bata. Sandali pa ay papatayo siyang dahan-dahan na umalis, mas lalo akong nalungkot kasi kadalasan ay pinapatapos niya muna ang ulan bago umuwi pero marahil dahil sa sugat sa tuhod ay hindi na siya makakapaglaro pa muna sa ulan.

Dumaan ang linggo at ang tatlong magkakasunod na ulan sa lingo ding iyon, pero walang siya na nagpakita. Kung alam niya lang sana na nandito ako sa taas nang bahay at pinagmamasdan siya sa bintana nang kwarto ko, kung saan kitang-kita ko siya. Kung alam niya lang sana.

Bawat ulan ay hindi ko magawang maging masaya dahil wala na ang babaeng nagpapaligaya sa akin na sumasayaw sa ulan.

Araw-araw kahit hindi man umuulan ay muli't-muli akong sumisilip sa bintana. Nagmamadali sa pagtakbo na tila nakikipagunahan sa kung sino para lang sa pagbabakasakali na mapagmasdan ko ang mukha niya-Pero walang siya na nagpapakita.

Kahit hindi ko siya kilala, o kahit man lang pangalan ay wala ako sa kanya. May puwang na parang nagugustuhan ko na ata siya. Sa lahat kasi nang iilan-ilang kakilala ko ay siya lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin nang ganito. Sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing masaya siya ay ganun narin ako. Parang nagsisisi tuloy akong hindi ko siya tinulungan nang araw na iyon, baka iyon na kasi sana ang pagkakataon na magkakilala kami. Pangako, pag muli siyang dumaan sa bintana ay hinding-hindi na ako magdadalawang isip pa hahawakan ko na ang kamay niya para hindi na siya madapa pa at lalakasan ko na rin ang loob ko para malaman ang pangalan niya.

Muling sumapit ang ulan, ang batang babae ay muling sumaway (Dalagita na siya), Mabilis tumungtong ang panahon, ang oras ay tila araw na nagpapalit-palit nang damit, hindi ko napansin dalaga't binata nap ala kami.

Nang muli ko siyang masilayan ay napangiti nanaman ako. Agad muli ay nagmamadali ang malalaking yapag nang mga paa upang wala akong mapalampas na sandali. Pinagmasdan ko siyang muli sa bintana nang kwarto ko. Hindi ako nabigo sa pagkakataong iyon, dahil muli ay naligo siya sa ulan gaya nang inaasahan, papatampisaw siyang muling naglakad, tumakbo at naglaro kahit pa malaki na.

Ang laking tuwa ko. Sinabi ko sa sarili ko na wala na akong aaksayahing pagkakataon. Agad kong iniwan ang nakabukas na kurtina na tila lumipad nang ako'y nagmadali sa pagtakbo. Kahit pa bawal ay lumabas ako nang bahay kahit pa umuulan.

Bago pa ako tuluyang makalapit ay nabasa na ako nang malakas na ulan, ang ngiti sa akin mukha ay biglaang naglaho nang ang babaeng aking lalapitan ay may kasama nang kalaro. Nagulat ako sa aking nakita, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin, para akong batang naagawan nang laruan nang mas malaki sa akin, wala akong magawa.

Hindi ko magawang hidni manghinayang sa dalawa. Tila napahinto ang paligit at hindi man lang ako makaalis sa aking kinatatayuan. Basang-basa na ako nang todo. Pilit kung pinupunasan ang mata ko. Hindi ko alam pero napaluha ako nang dahil dito.

Habang pinupunasan ko ang luha sa mata na hindi naman halata ay siyang sigaw din nang aking nanay. Hindi ko masyadong narinig ang mga linya pero alam kong galit na siya.

Agad niya akong sinugod sa kinatatayuan ko at agad na inialis sa gitna nang ulan. Ang lugar ko ay hindi kalapitan sa dalawa kaya nama'y hindi man lang nila ako napansin.

Nang makapasok ay agad akong inasikaso nang nanay ko, pinunasan ako nang tuyong tuwalya, galit na galit si nanay na nagsesermon tungkol sa kalagayan ko--Oo nga pala biglaan kung naalala, may sakit ako, mahina ang aking baga, kaya ako hindi pwede sa ulan.

Habang nagsasalita ang nanay ko ay naiiyak-iyak ako ngunit hindi dahil sa kanyang mga sermon kundi dahil sa hindi ko parin makalimutan na ang kaisa-isang nagpapasaya sa akin ay may nagpapasaya nang iba.

Ilang linggo ko rin nakitang sila'y magkasama, ayaw ko mang hindi pagmasdan ang babaeng gusto kong makita araw-araw ay hindi ko mapigilang pigilin ang nararamdaman ko, dahil kung gaano niya ako napapasaya dati nang siya lang magisa ay siyang sampung balik na sakit dahil may kasama na siyang nagpapaligaya pa sa kanya.

Magkaharutan sa gabi at umaga, basta umuulan sila ay magkasama sa ulan.

40 years after;

Naging matanda na akong binata, nakasulyap at pinagmamasdan ang lugar kung saan siya naglalaro, wala na rin ang nanay ko, tanging nurse mula sa aking mga apo nalang ang aking kasa-kasama sa pagbilang sa mga nalalabing mga araw nang buhay ko. Marami nang nagbago sa kapaligiran ang dating pinagtatampisawanan nang nagpapasaya sa akin ay isa nang malaking palaruan.

Malungkot ako dahil pinalampas ko ang pagkakataon ko na kasama ko ang taong nagpapasaya sa akin, pero muli ay umulan nanaman nang malakas. Isang desisyon ang aking gagawin. Isang paraan para mapawi ang lungkot ko. Agad akong tumakas sa mga nagbabantay sa akin. Wala na akong panghihinayangan, wala na akong dapat pang katakutan, matanda na ako, baka bukas ay mamatay na rin ako.

Hindi na ako ganuon kaliksi tumakbo tulad nang dati, hindi ko na kayang tumakbo at laktawan kahit taklong baytang nang hagdan naming pero ang pagpupursigi kong makaalis sa mga bagay na nagpahadlang sa akin nuon ang nagbigay sa akin nang pakpak para lumipad.

Tumakbo ako sa ulan, nagpaikot-ikot akong naglaro, nagtampisaw. Parang bumalik sa ala-ala ko ang aking pagkabata nang minsa'y gusto kong mangarap habang nagtatampisaw. Kasa-kasama sana ang babaeng sumasayaw sa ulan.

April 04, 2014

~WAKAS~


Queer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon