Chapter 03

26 16 231
                                    


He's a perfectionist.


Lalo na sa volleyball. Dahil halos lumuwa na ang mata ko sa iritasyon sa way of teaching niya. Like can you calm down, beginner ako. Naiintindihan ko naman na ganoon siya, pero nakaka-pressure ha, buti na lang guwapo siya.


"Uy Ms. Pharma mali ka,"


Huh?


"Hindi tama Ms. Pharma."


Isa pa talaga!


"Ms. Pharma ayusin mo tayo mo."


Dalawa!


"Hindi, Ms. Pharma mali 'yang posture mo."


Hinayupak!


"Jiyo, can you give me time?!" it was a sudden burst of anger.


His eyes widened. "U-uy h-hindi, hindi ko kasi alam kung paano ka tuturuan nang hindi ka hinahawakan, baka kasi magalit ka sa akin... Paano ba kita tuturuan Ms. Pharma?"


Natauhan ako. Masama pala ang pagkakasabi ko, I sighed. I glanced at him mukhanginiisip nito na nagalit ako sa kaniya. Lumapit ako at inabot ko sa kaniya ang bola. Nagulat ata siya agad niyang hinulog ang mga hawak niya at kinuha ang bola sa kamay ko.


"A-anong gagawin ko rito?" kyuryosong tanong niya.


I bit my lips and blushed. "P-pwede mo ba ako turuan mag-volleyball?"


He smiled agad. "Aba, oo naman! Halika rito Ms. Pharma."


Agad niya akong hinawakan sa kamay at hinila sa harapan niya, he was now on my back and saying words that I don't even understand dahil sobrang na-distract ako sa pag hawak niya sa akin. I looked to my side and saw that he was serious while telling me what I should and should not do.


"Gets mo na?" tanong niya bigla.


I guiltily shook my head. "No."


"Sige ganito na lang." Nagulat ako nang maramdaman ang dalawang kamay niya na hinawakan ang kamay ko. He put my arms together and showed me how my hands should be. "Ganyan dapat, ganyan ang tama, Oy, Sam pasahan mo kami ng bola rito."


Nagulat at natakot ata ako nang may makitang bola na papalapit sa amin. He held both of my arms firm again in between his and moved my whole body to the left to recieve the ball, nang na-recieve ko na 'yon napatalon ako sa tuwa, pinaulit ko pa kay Jiyo 'yon. Kaya ngayon kaming dalawa na ang nag-papasahan ng bola.


"Isa pa dali," aya ko.


Natawa naman siya at pinasahan ako ng bola. "So Ms. Pharma dahil naturuan naman kita at tuwang tuwa ka..."

Whispering Winds of Goodbye (Years Series #2)Where stories live. Discover now