Chapter 13

58 11 221
                                    


"Tita please...." pilit ni Jiyo.


Tumawa si Mama. "May trabaho ako, Jiyo... Puwede namang kayo na lang nina Pip at Dru ang pumunta?"


Nagmamartsang sumunod si Jiyo kay Mama. "Hindi po... gusto ko pa kasama kayo!"


Sinundan ko pa talaga sila para lang marinig sila. Jiyo's convincing Mama to join us in the over night to Tagaytay, e may trabaho ang Mama kaya todo tanggi. If I know nahihiya lang 'yan kasi alam niyang si Jiyo ang gagastos sa lahat at ayaw niyang pagsamantalahan.


"Jiyo... may trabaho si Mama." Singit ko.


Nakanguso naman siyang lumingon. "Sayang kasi... kaysa maiwan siya rito."


"Ma..." tawag ko. "Try to consider, hindi papayag si Jiyo niyan. Either you come or you come talaga."


Tumawa muli si Mama. "Titignan ko, 'nak mukhang kakayanin namang mag-leave."


Pumalakpak naman sa tuwa 'tong si Jiyo bago nagpunta sa sala muli habang hila-hila ako. Masyado na talaga siyang sanay na nasa amin, alam na alam kung nasaan ang kung ano. Sa susunod papalayasin na ako ni Mama at si Jiyo na ang anak niya.


Agad ko namang nilapitan si Jiyo at tumabi sa kaniya. "You are too pursuasive even Mama cannot say no to you."


"Kahit ikaw?" Hamon niya, nakangisi. "Sagutin mo na ako, kung ganoon."


"Anong 'kung ganoon' ka diyan?!" sambit ko.


"Kung talagang pursuasive ako...." he trailed of.


Inirapan ko siya. "Manahimik."


"Sagutin mo na ako..." bulong niya.


Kinurot ko ang tagiliran niya at umalis na sa harapan niya. Tumatawang sumunod siya sa akin at pinanood akong magligpit sa kama. Mama bid goodbye to go back to her work, kaya naiwan na naman kami ni Jiyo to watch titanic again dahil gusto ko na namang panoorin 'yon.


"Dru, 'yan na naman? Wala po bang bago?" ngumuso si Jiyo.


I sighed and pouted too. "Okay, ikaw na lang mamili."


I really wanted to watch that again kahit ifast-forward lang sa mga funny, good and best parts, pero baka nagsasawa na rin siya sa palabas na 'yon. I gave him the remote and sat silently while smilling at him now. Nakatitig lang siya sa akin at biglang hindi na nilipat ang panonoorin. He played titanic and put his arms on my shoulder.


"Akala ko ayaw mo?" I asked.


He smiled and looked at me. "Mas importante ang gusto mo."


I bit my lips. "But... you did want to watch something else, let's just watch it!"


Whispering Winds of Goodbye (Years Series #2)Where stories live. Discover now