Chapter 04

31 15 199
                                    


The bad thing about drinking so much is not fucking remembering anything afterwards. I woke up with the greatest hangover of my life, and I couldn't do anything about it, nor can I remember a single thing.


Ang naaalala ko lang ay ang pag-suka ko sa bathroom ng boys at nagkita kami ni Jiyo roon. I just wished I didn't do anything stupid, or we didn't see each other na noong lasing na ako. I could only face-palm myself while on class, paulit ulit kong sinusubukan alalahanin ang nangyari kahapon pero wala, wala akong maalala.


"Dru." Halos mapairap ako nang marinig ang boses ni Irina.


Tamad akong lumingon. "Ano?"


"Huwag mo ngang landiin si Jiyo, alam mo nang gusto ko e." Diretsong sabi niya.


Grabe, confidence niya abot langit. Napalapit ako sa kaniya bago binaba ang hawak kong libro at tinawanan siya. She showed complete shock at my laugh pero wala akong pakealam, napaka-ridiculous niya.


"Una sa lahat hindi mo puwedeng bakuran ang taong ni-reject ka na, oo alam ko dahil sinabi niya sa akin." Ang yabang ng dating noon, pero mainit ang ulo ko ngayon pa siya umepal. "Pangalawa, hindi ko siya nilalandi, isaksak mo pa sa baga mo, dear, lamunin mo, ibalot mo sa bubble wrap, iuwi mo sa inyo. Iyong iyo na, Irina."


After I said that umalis na ako. Syempre joke lang 'yong sa kaniya na si Jiyo. Crush ko 'yon, mas nauna pa nga ata ako sa kaniya. Hindi ko ipapamigay 'yon. Ayos lang sa akin na hindi siya sa akin, pero hindi ko ititigil ang pagaadmire ko sa kaniya dahil lang kay Irina, because... Jiyo's really worth admiring.


Palabas pa lang ako ng pintuan ay nakasalubong ko na si Jiyo. Nakangisi agad siya. Ang saya saya niya. Nakakahiya, agad na nagsilapitan sila Irina at ang mga kaibigan niya kaya natulak nila ako patalikod muntik pa akong mabuhal buti sa upuan ako nalaglag.


"Ay, pucha!" Napatili ako ng mahina.


"Ms. Pharma!" Concern na tawag ni Jiyo.


He immediately came to my aid, shocking every ladies that tried talking to him, they pushed me away! Agad akong hinawakan ni Jiyo sa braso at tinulungan makatayo, kinuha niya pa ang libro ko at siya na ang nag-hawak, Tangina naman, bakit ba nandito 'to? Pagiinitan na naman ako nina Irina dahil diyan. 


Medyo inis na lumingon si Jiyo sa mga tao pero ngumiti pa rin siya. "Mag-ingat nga kayo sa susunod para wala pong nasasaktan."


Irina scoffed as she looked at Jiyo pulling me out. Agad na bumalik ang iritasyon ko nang kami na lang ni Jiyo. Ano ba namang kailangan na naman nito, ilang tulak palayo ba?  Delikadong delikado na malapit ka sa akin Jiyo.


"Ano bang kailangan mo?" iritang tanong ko.


Inabot niya sa akin ang bag ko. "Hindi ko na kasi naiabot kahapon, dahil lasing na lasing ka."


Hinatid niya kami?! Gago sabi ni Mama hinatid lang kami ng kaibigan ko, kaya pala pangisi-ngisi si mama, may alam na pala na kabaliwan. Oh god, now I am really nervous, baka may sinabi ako o nagawa na hindi ko maalala.

Whispering Winds of Goodbye (Years Series #2)Where stories live. Discover now