Chapter 06

21 14 201
                                    


"And please make sure to buy all the requirements for our subject again, next week. Dismissed." 'Yon ang huling sabi ng Professor sa amin.


Namomroblema ako sa dami ng kailangan kong bilhin, paano ko 'to pagkakasiyahin sa budget ko this week? Mukhang mahihirapan na naman ako sa pag-bili. I went straight to the kiosk where I usually sit and just waited for Pip to finish her class para masamahan niya ako sa bookstore.


"Baks, nako sorry ang dami kong gagawin tapos natuloy klase namin mamaya, pasensya ka na hindi ata kita masasamahan." Hinihingal at nag-mamadaling sabi ni Pip at tumakbo na paalis.


Busy na ata ng sobra si Pip. Sabi nga nila marami raw ginagawa ang first year architecture, and more likely kaya sila nahihirapan ay dahil hindi sila sanay sa ganoong workload kaya hinahayaan ko na lang muna si Pip. Marami pa namang oras para magkasama kami, magfocus muna siya sa school.


Ayun nga lang wala akong kasama. I saw Jiyo with a lot of people, he's my friend right? So if he's not busy then I can ask him to accompany me to the bookstore with no malice right? Siya lang rin kasi ang iisa, maliban kay Pip na kinakausap ko rito. The rest kung hindi para sa activities, hindi ko na kinakausap.


I hesitantly approached him, he was with a girl, and two boys. Ah eto 'yong mga laging kasama niya, his friends aside from Ashro and the rest. The girl was unfamilliar to me, but she bare resemblance to someone a little bit familliar.


"Dami ko pang gagawin, Saiko." I heard Jiyo.


Aatras na sana ako dahil sa narinig kong marami siyang gagawin pero nalaglag pa ang ballpen ko kaya napalingon silang lahat. The two boys went from looking at me to making kalabit of Jiyo, while Saiko( I think) the girl was looking at me a little confused but smilling.


"Uy, Ms. Pharma, ay Mali.." he sighed. "Dru, may kailangan ka ba?"


Napakamot ako sa ulo ko. "A-ah wala... ano lang... ah basta wala."


Aalis pa lang ako nang hinila na ako ni Jiyo. He was holding my hands. Tangina, nakatingin lahat ng kaibigan niya sa kamay namin pero mukhang wala namang pake si Jiyo roon kaya napatingin na lang ako sa kaniya.


"Dru, mga kaibigan ko pala." Itinulak niya papalapit ang isa, a little bit long haired, moreno, na mukhang mabait. "Eto si Drei."


"Hi Ms. Pharma." tumawa ang lalake.


Nakatanggap siya ng batok mula kay Jiyo. "Ako lang pwede tumawag noon. Eto naman si Ali."


Ali was the one who looked intimidating, pero maputi siya, he smiled at me lightly, and tried to offer his hands pero itinulak na siya ni Jiyo at hinila ako ng kaunti papalapit doon sa babae, while never removing his hands on mine.


"This is Saiko, Chevy's sister."


Nagulat ata ako roon. She seemed singkit? Hindi naman singkit si Pres. "Half sister, My dad's japanese."

Whispering Winds of Goodbye (Years Series #2)Where stories live. Discover now