Chapter One

1.9K 144 4.6K
                                    

Four years later

Isinara ni Noryn ang zipper ng travelling bag na nasa ibabaw ngkama. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Journalism sa isang private school sa Bacolod City.

Private school. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap ay nagbago ang buhay niya matapos ang insidenteng iyon na kinasangkutan niya at ni Jerry at ng magkapatid na Travis at Renz ilang taon na ang nakararaan.

Nagising na lang siya isang araw na kausap ang mag-asawang Celeste at Julio De Marco. Nang malamang ulila na siya at ang tungkol sa pagtatangka ni Jerry, inalok siya ng mga ito ng scholarship sa kursong siya rin mismo ang pipili.

Sa ranch house na nakatira si Noryn, kumikita siya ng extra habang nag-aaral. Pero imbes na sa tubuhan pa rin, sa rancho niya piniling magpadestino.

Bakit hindi doon, eh, doon si Renz nagtatrabaho?

Nag-iisa lang ang rasong nagtulak kay Noryn para tanggapin ang alok ng mga De Marco noon. Gusto niyang makaahon sa hirap at ang mga De Marco lang ang makakatulong sa kanya para matupad iyon. Kung aasahan niya ang suweldo sa tubuhan na bagaman malaki naman kumpara sa iba pang mga hacienda sa karatig-bayan, tatanda siyang tagatapas lang at walang mararating sa buhay.

Once a month, umuuwi si Noryn sa Calatrava. Humigit kumulang anim na oras na biyahe iyon mula sa Bacolod. Nagtatagal lang siya sa rancho tuwing bakasyon at tuwing sembreak. Kagaya na lang ngayon, dahil bakasyon, dalawang linggo siyang mananatili sa ranch house.

"You're going home?" bungad ni Hans na sumungaw sa dibisyon ng silid niya at ng kusina. Nakasuot ito ng black polo shirt at chino shorts na kulay-navy blue.

"Tutulong muna ako sa rancho. Ilang buwan din akong hindi nakauwi, eh."

Matagal niya nang kaibigan si Hans. Nakilala niya ito sa isang event sa university na pareho nilang pinapasukan. Ang binata ang unang lumapit sa kanya, nakipagkaibigan.

He stuck around. Labas-masok din ito sa apartment niya; sa ibaba lang din kasi ang tinutuluyan nitong kuwarto habang siya ay nasa pangatlong palapag.

Hans was undoubtedly good-looking. Maraming babaeng nagkakagusto rito. But Hans said they didn't excite him at wala itong nararamdamang espesyal kahit sa pinakamalapit nitong kaibigan na si Stacy.

But Noryn believed it was because Hans preferred men—kahit hindi pa ito direktang umaamin. She saw him video-chatting different foreign men at biglang papatayin na parang guilty'ng-guilty kapag nahuhuli niya.

But it didn't matter kung ano man ang sexual preference nito. Mabait naman sa kanya ang kaibigan kaya parang kapatid na rin ang turing niya rito.

Lumapit si Hans at naupo sa double bed na nasa dulong bahagi ng kuwarto. Nakamasid ito sa kanya na parang may sasabihin pero panay lang ang buntong-hininga nito.

"May problema ba?" hindi nakatiis na tanong niya.

"Gusto na akong ipetisyon ng lolo ko papuntang Amerika."

"O, ayaw mo?"

Tinitigan siya ng kaibigan. "Payag kang umalis ako?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit hindi kung magiging maganda ang buhay mo doon?"

"Hindi mo na 'ko makikita. Sino na ang magbabantay sa 'yo mula sa mga loko kung iiwan kitang mag-isa dito?"

Napapangiting napailing siya. Kung umasta ito, parang straight talaga. Noryn wondered when he was going to come clean pero makakapaghintay naman siya. Alam niya ang pakiramdam ng nahihirapang umamin dahil sa loob ng ilang taon, gano'n ang ginagawa niya.

Renz De Marco (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon