"I didn't get the chance to introduce myself dahil maaga ka daw umalis. I'm Hans, kaibigan ko si Noryn," narinig niyang pagpapakilala ni Hans kasabay ng pag abot nito ng palad kay Travis. Pormal ang mukha, pero maagap iyong tinanggap ng huli.
"Hindi ko na inaasahang pupunta ka talaga. Ang sabi mo ay nasa Maynila ka," komento ni Travis na naupo sa bench.
"Isang oras lang ang flight mula Maynila papuntang Silay. Mas malayo pa ang binyahe ko mula Airport hanggang dito sa Calatrava. But the long drive was worthwhile," nakangiting sagot ni Hans. Bumalik ito sa pagkakaupo nang makitang tahimik na inukopa na ni Renz ang upuan sa tapat nito.
"I'm impressed with the proposal you sent me. Especially the shed roof that you added last minute," ani Travis. Sigurado si Noryn na sinsero ang papuri ng lalaki.
Ang ipinagtataka lang ni Noryn ay kung paanong nalaman ni Travis na may ganoong kaalaman si Hans gayong kahit siya nga mismo ay walang kaalam alam.
"Just inform us how much you want to charge us for the blueprint at sa construction ng kubo. I'll sign the check as soon as we get home."
"You don't have to pay me for the job. Libre ko rin namang naipagawa ang blueprint sa isang kaibigan."
Ah. Pinagawa pala sa iba. Gustong mangiti ni Noryn. Matagal na talagang inuungot ni Hans na isama niya ito sa rancho. Siya lang talaga itong tumatanggi dahil ayaw niyang maging umpisa pa iyon ng hindi pagkakaintindihan - kagaya na lang ng nangyayari simula nang mapag usapan ang tungkol dito.
"Matagal na naming planong iparenovate ang kubo ngayon lang nagka oras para ituloy. Nang mabanggit mong gusto mong makarating dito, saka ko naisip na baka may kaunti kang alam sa construction. Pero hindi ko pa rin maisip kung ano ang dahilan kung bakit bumalik ka dito sa Negros gayong kalalapag lang ng eroplano mo sa Maynila."
Pinagsalikop ni Hans ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa, bago sumagot, tumingin ito ulit sa kanya.
"Well, I wanted to see Noryn and enjoy a few days vacations with her at least bago man lang ako lumipad papuntang states. Isa pa, matagal ko na talagang gustong makarating dito sa inyo. I've heard a lot of good things about your ranch from her." Tumingin sa gawi niya si Hans. Ngumiti saka kumaway. Napilitan si Noryn na gantihan iyon ng pagkaway din at pagngiti. Wala siyang nagawa nang hilahin siya ni Rachel palapit sa tatlong binata.
"It was an understatement when she said that this place is beautiful. This is heaven... and as interesting as her," he added the last five words in almost a whisper but loud enough to make everyone around him hear.
Naramdaman niya ang mahinang pagsiko ni Rachel sa kanyang tagiliran parang mas ito pa ang kinilig kaysa sa kanya.
Gusto niya kasing agawin ang walis sa kumare at ipukpok iyon sa ulo ni Hans baka sakaling tumigil ito sa pagsasalita ng mga salitang hindi niya maintindihan.
Travis leaned back in his chair habang hindi maintindihan ni Noryn kung bakit iyon ginagawa ng kaibigan. But he was confusing her at inilalagay siya nito sa alanganin. Sinasadya ba nitong inisin ang magkapatid? Kung oo, bakit?
Hans wrinkled his nose. Nagpatuloy pa ito.
"She's the only girl I know who still looks pretty despite the messy look and the smell of horse manure,"
Parang hindi ito nakakaramdam sa tensyon sa paligid o sinasadya lang nitong ignorahin iyon? Kabadong tumawa si Noryn, pinandilatan ang kaibigan.
She mouthed, "Ano bang pinagsasabi mo?" pero pisti, ngumiti lang ang lalaki.
Renz looked up at Noryn who was nervously standing near Travis. The pain quickly surge through his heart when he saw her reaction. Pabirong nagbabanta ang mga tingin nito kay Hans na nanunukso pa rin ang mga ngiti sa dalaga.
Goddammit.
Pero kung susuriin, he couldn't agree more with what Hans just said. Kaya siguro mas mabilis silang napalapit ni Travis kay Noryn was because Noryn saw the beauty of the ranch the same way they did.
Noryn was prettiest when she was grazing cows and riding horses. She loved the smell of the morning sun and never once complained if she reeks of horse manure or what. Hindi kagaya ni Val na walang humpay na nagreklamo sa panlalagkit at init ng araw.
Ni hindi man lang nito sinubukan na magpakita ng interes sa pananim nilang palay at mga tubo sa hacienda nang dalhin niya ito roon kahapon. Ni ayaw nitong madikit sa dayami dahil baka mangati daw ang sensitibo nitong balat.
Habang si Noryn, heto, walang pakialam kahit kumapit sa suot nitong lumang damit at pantalon ang hinakot na mga dayami.
May gumigitiw na pawis sa noo nito, her hair was disheveled at ganun din ang suot na long sleeves. Mayron pang ilang hibla ng dayami na kumapit sa buhok nito at kailangan niyang pigilan ang urge na tumayo, lapitan ito at alisin ang duming iyon sa buhok nito.
He used to do that for her before. Walang malisya o ano. But why was he hesitating now? Bakit kahit gusto niya, hindi niya magawa? Bakit kailangan niyang pigilan ang sarili kung dati niya na iyong ginagawa?
Kung hindi pa tumikhim si Travis, hindi pa matitigil si Renz sa pagtitig kay Noryn na noon pala ay nakatingin na rin sa kanya. Alanganin ang ngiti ng dalaga. Parang nagtatanong kung okay lang siya.
Bumuntong hininga si Renz. Nagtalo na naman sila ni Val kanina dahil sinita niya ang huli sa pambabastos na ginawa nito kay Noryn. He ended up getting her more upset. Pero hindi niya maipagwalang bahala ang nakita.
He knew Val better than anyone else.
Alam niyang maling pumayag siya nang ipilit ng kasintahan ang pagbabakasyon sa rancho. He saw the jealousy and disgust in her eyes the first time she saw Noryn's picture on his dashboard. Kahit family photo naman iyon na ilang taon na ring kinunan.Nakakapit sa braso nilang dalawa ni Travis ang dalaga habang nakaupo sa dalawang single sofa sa harap nila ang kanyang Mama at Papa.
Ngayon hindi mawala sa isip niya ang pagdududa kung gusto ba talaga ni Val na makita ang rancho o ang balaan at sindakin si Noryn ang pangunahing rason ng pagpunta nito.
"I was informed that the deliveries are on their way. Siguro bukas na mauumpisahan ang construction kung male late pa ang delivery ng isang oras. Mag-a-alas sinco na rin," ani Travis. Nilinga nito si Noryn. "Ang bantot mo na. Maligo ka nang mabilis, ihahatid ko na kayo pauwi pagdating ng mga materyales."
"Sa bahay na ko -"
"Kakalat ang amoy mo sa auto ko. Kilos."
Dumating bago mag alas sinco ang materyales. Ilang oras matapos magsalo sa meryendang inihanda ni Manang Salome, nagyaya na si Travis na isabay sila pauwi.
Nagpaiwan si Renz dahil dadaan pa ito sa tubuhan para kumustahin ang paglo load ng mga tubo na idedeliver sa Silay para gawing asukal.
❤️
Pwede n'yo nang mabasa nang buo at walang cut ang mga kwento ko. Mag send lang ng message sa Official Facebook Page ko na LA TIGRESA'S STORIES para mag inquire. Maraming salamat!
BINABASA MO ANG
Renz De Marco (preview)
Romance"The night you stole me a kiss, you literally swept me off my feet." Kinukuha ni Noryn ang libro sa dala niyang handbag nang marinig niya ang pagbubukas ng pinto sa cockpit. Nag angat siya nang bahagya ng tingin para lang itulos sa kinauupuan. Pakir...