Chapter Eight

1.6K 129 698
                                    

"A-alam mo na nandito si Hans?" Hindi makapaniwalang tanong ni Noryn. Napatayo siya nang tuwid. Kasabwat ba ni Travis si Renz sa pagpapapunta sa rancho sa kaibigan?

Duda roon si Noryn. Malinaw na sinabi ni Renz na hindi ito pabor na maaga siyang magboyfriend. Kung sinabihan ito ni Travis tiyak na unang aalma ang lalaki.

Nagbuka ng bibig si Renz, akmang sasagutin ang mga tanong niya pero narinig nito ang iritableng boses ni Valerie na tila may kausap sa loob ng silid nito.

Kasabay ng singhap, nanlalaki ang mga mata ni Noryn nang walang babalang tinakpan ni Renz ng palad nito ang bibig niya. Awtomatiko siyang napaatras nang humakbang papasok ng silid niya ang binata. Kung paano nito naisara ang pinto at nai-lock iyon, hindi na niya napansin.

Mas aware siya sa malaki at magaspang na kamay ni Renz na nakatakip sa kanyang bibig. At sa malakas na tambol ng kanyang dibdib.  

Pero bakit ba kailangan nilang magtago ng ganun sa girlfriend nito na parang may masama silang ginagawa? Mayamaya pa ay narinig na nila ang pagbukas ng pinto sa katabing silid niya.

Akmang aalisin niya ang kamay ni Renz nakatakip sa kanyang bibig pero maagap ang lalaki.

"Shh..." Mahina nitong saway, ni hindi pa rin siya tinitingnan. Busy itong pakiramdaman ang bawat kilos at kaluskos sa labas ng kuwarto niya.
Ramdam nila pareho na huminto ng ilang segundo ang mga yabag ni Valerie sa labas ng silid niya.

Pagkatapos, narinig niya na ang papalayong mga hakbang ni Valerie, ang boses nito na tila inaaway ang kausap sa cellphone nito. The woman must be heading for the stairs base sa mga yabag nito.

Akala niya sa kuwarto ni Renz ito natulog nang nagdaang gabi. Bakit galing ito ngayon sa sariling silid? 

Noryn released her breath with a sigh. Ano ba ang pakialam niya? Anong malay niya kung kanina pa ito gising at lumipat lang sa guestroom para maligo at magbihis? 

Ipinikit naman ni Noryn ang mga mata kasabay ng mahinang buntong hininga. Nagdilat siya ng mga mata saka tiningala si Renz para sabihin dito na lumabas na sila pero sakto, nilingon siya nito bigla. 

Her eyes grew a little wider nang maramdaman niya ang pagdaplis ng mainit na labi ng lalaki sa kanyang noo. Mabilis niyang iniatras ang ulo para dumistansya dito.

But when their eyes met, time slowed down a bit. Renz's gaze and the felt of his warm lips on her forehead made Noryn's knees weak. She felt scared and at the same time exhilarated by the unfamiliar sensation that rush through her.  

Parang napaso, Renz released her, but his eyes still held hers in a hypnotic trance that made her heart flutter.

Walang salitang namagitan sa kanila sa sumunod na mga segundo. Bukod sa malakas na kabog ng kanyang dibdib, wala nang ibang naririnig si Noryn. 

Bumilang siya ng tatlo hanggang makaipon siya ng pwersa para bawiin ang tingin mula sa pagkakahinang sa matiim na titig ni Renz. 

"May kailangan ka ba? Siguradong hinahanap ka na niya," aniya. Masakit ang huling pangungusap pero kinailangan niyang sabihin para ipaalala sa sarili na maling ituloy pa ang nararamdaman niya para sa lalaki. 

DISAPPOINTED on how his body reacted with the mere grazing of his lips on Noryn's forehead, inilayo ni Renz ang tingin sa mukha ni Noryn.  Mukhang mas nangangailangan ng linis ang utak niya kaysa sa kanyang lalamunan. Because at one point, the urge to pull Noryn close and spontaneously kiss her was disturbingly strong. Hindi niya alam kung saang kamay ng Diyos siya humugot nang lakas para huwag iyon ituloy.

Ni hindi niya nga sigurado kung bakit nandon siya ngayon sa kuwarto nito. Dapat ay sa silid siya ni Valerie pupunta pero nang madaanan niya ang silid ni Noryn, nangati siya bigla na kausapin ang dalaga tungkol sa dumating nitong bisita. 

Renz De Marco (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon