May ilang minuto nang nakatitig si Noryn sa kisame mula sa pagkakahiga niya sa kama nang marinig niya ang pagtawag ni Manang Salome sa labas ng pinto, maging ang mahihina nitong katok doon. Pero mas pinili niyang ignorahin iyon.
Alam niyang tinatawag siya nito para sabayan niyang kumain ang buong pamilya sa ibaba. Narinig niya mula kay Maria, ang bente nueve anyos na kasambahay na nagpahanda ng masarap na pagkain ang mag asawang Julio at Celeste para sa pagdating niya at ng bisita, si Valerie.
Nilagang mani lang ang kinain ni Noryn habang bumabyahe ang sinasakyan niyang bus pero titiisan niya ang gutom at bababa na lang mamaya kapag tahimik na ang paligid at tulog na ang lahat.
Noryn was looking forward to seeing Renz again, namiss niya ito nang husto. Pero hindi kasama sa in-anticipate at in-inagine niya na may magandang babaeng kasama ito.
Base sa narinig niyang usapan nina Renz at Valerie sa sasakyan kanina, mga magulang ng huli ang may ari ng isang sikat na radio station na nakabase sa Maynila. Valerie was a dj there - the kind who reads a letter or two every single day. She must be so smart para magbigay ng advice sa mga tagapakinig na may problema sa puso.
Valerie seemed to be loved by many. Kanina may mga binabasa itong sulat mula sa mga fans nito habang matiyaga namang nakikinig si Renz.
Kung tama ang dinig niya kanina, malaki ang perang in-invest ng Papa ni Valerie sa asukarera ni Don Julio.
Pagkaraan ng ilang sandali, tumigil ang mga katok sa pinto. Narinig na rin ni Noryn ang mga yabag ni Manang Salome papalayo. She sighed and closed her eyes.
Nakita niya kanina kung paano nito alalayan sa pagbaba sa pick up ang babae, may paghawak hawak pa ito at pisil sa braso ni Renz. Titig pa lang ng babae parang nag iimbita na ng kahalayan.
Noryn forbid herself to scoff. Ang bitter niya.
Ang pinoproblema niya pa bukas paano niya haharapin ang dalawa? Hindi niya alam kung kaya niyang tumingin sa mga ito nang hindi sumasakit ang puso niya. Pero syempre kailangan niyang magtiis. Makulit ang puso niya eh.
Pabuntong hiningang nagdilat si Noryn ng mga mata. Bumangon siya sa pagkakahiga. Ito ang unang pagkakataong hindi siya sasabay sa hapag at siguradong magtataka ang pamilya.
"NAKA-LOCK ang pinto, Donya Celeste. Kinatok at tinawag ko pero hindi nagbubukas," ani Manang Salome.
"Hayaan na muna natin siyang magpahinga. Baka napagod sa biyahe kaya nakatulog nang maaga," ani Donya Celeste na naupo sa upuang ilang dekada na nitong inuukopa.
Sunod sunod na nagsi- upo sina Travis, Renz at Valerie. Magkakatabi ang mga ito sa kaliwang bahagi ng lamesa.
"So how was the trip from Manila to Bacolod, hija? I'm glad you had the time to visit us," si Don Julio ulit nang makaupo sa kabisera ng pang waluhang lamesa.
"Matagal na akong in-invite ni Renz, Tita," sagot ng dalaga. Lumapad nang kaunti ang ngiti nang tumingin sa gawi ni Renz. Sa ilalim ng lamesa, ginagap ni Valerie ang kamay ng binata. "Ngayon lang lumuwang ang schedule ko kaya kinontak ko agad itong anak n'yo. Alam kong busy siya sa rancho so I needed to check his schedule first bago magbook ng flight papunta rito."
"I know my son, he would make time kung para sa babaeng mahal niya," ani Julio.
"Like father, like son," komento ni Donya Celeste na sinulyapan ang asawa bago ibinalik ang tingin sa bisita. "Ilang araw ka dito sa Negros, hija?"
"Ten days lang ang vacation leave na i-f-in-ile ko, Tita Celeste and I've used up my two days sa bahay ng parents ko sa Silay. If you and Tito Julio don't mind, gusto ko sanang dito sa rancho gugulin ang natitira sa 'kin na walong araw."
BINABASA MO ANG
Renz De Marco (preview)
Romance"The night you stole me a kiss, you literally swept me off my feet." Kinukuha ni Noryn ang libro sa dala niyang handbag nang marinig niya ang pagbubukas ng pinto sa cockpit. Nag angat siya nang bahagya ng tingin para lang itulos sa kinauupuan. Pakir...