Chapter Thirteen

1.2K 115 744
                                    

"Where did you sleep last night?"

Iyon ang galit at nang aakusang salubong-tanong na bumungad kay Renz pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kanyang silid. Nakahalukipkip si Valerie sa pagkakaupo sa couch, nanlilisik ang mga matang nakatuon sa kanya. 

Inilapag ni Renz ang susi ng kanyang pick up sa ibabaw ng mesita. Pabuntong hiningang tahimik siyang naupo sa gilid ng kama at hinubad ang sapatos niya. After having two shots of whiskey, he went for a drive. He felt so suffocated he needed to go out. Sa ilog siya nakarating.

Hinintay niyang tuluyang sumikat ang araw bago siya nagdesisyong umuwi. Kinailangan niyang umalis dahil kung hindi isa lang sa dalawa ang maaaring mangyari. Mabubugbog niya si Hans sa selos o papasukin niya si Noryn sa loob ng silid nito.

Ipinilig ni Renz ang ulo. How could he be still thinking about Noryn ngayong parang kuting na gusto nang mangalmot ni Valerie?

Pagalit na umahon sa kinauupuan ang babae.

"Bakit ayaw mo 'kong sagutin? Tinatanong ko kung saan ka natulog kagabi? Sa kuwarto ng ampon n'yo? Ano? Aminin mo!"

Salubong ang mga kilay pero kalmado pa rin na nagtaas siya ng tingin sa babae. "She has a name, Valerie."

Valerie put her hands on her waist. "Yes I know, of course. It starts with a B and ends with an h. B-i-t-c-h is her name. I spelled it correctly with emotions, happy?" she said, glaring.

Sinikap ni Renz na wag itong patulan kahit nagpapanting na ang tainga niya.

"Val, masyado pang maaga para makipag away. Ayoko ng gulo. Hindi na ba tayo puwedeng mag usap nang hindi nagtatalo?"

"Well, I am very sorry for the inconvenience, Renz. Why don't you just admit it? Kilala kita! For months you acted like you didn't care about me at all. You made me feel like I just threw myself to you, na napilitan ka lang dahil binuyo tayo ng mga kaibigan ko. But you were extra sweet with me as soon as we got here, why? Para pagtakpan ang pagkakagusto mo sa ibang babae!"

Malalim ang hiningang hinugot ni Renz.

"Tulog pa ang mga tao sa pamamahay na ito, Valerie and once and for all, wala akong gusto kay Noryn. Ikaw lang ang nagbibigay ng malisya sa..."

"Oh c'mon!" Frustrated at galit pa rin na bulalas ni Valerie. "Ilang beses kong inungot sa 'yo na dalhin mo 'ko sa ranchong 'to! Pero hindi ka natinag! Kung hindi pa kita tinakot na magpapakamatay, hindi ka pa papayag. You were hiding her from me, trying to protect her from me dahil alam mo sa sarili mo ang totoo!"

"I don't have any special feelings for her, Val. Para ko na siyang kapatid-" he said, mas kinukumbinsi ang sarili kaysa kay Valerie.

"Liar!"

Isa uling buntong hininga ang pinakawalan ni Renz. Ayaw niyang magising ang mga magulang dahil sa pagta-tantrums nito.

"May araw na, siguradong may naihanda nang almusal si Manang. Kumain ka na dahil hapon ka pa daw huling kumain." Bumalik siya sa pagkakaupo sa couch.

He felt restless and tired gusto niya ng katahimikan. But Val didn't want to back down.

"You just realized you like her, right? Fuck. How stupid of me. I helped you realized your feelings for that bitch."

Huminga nang malalim si Renz. Parang hindi na sila matatapos. Kumikirot na ang ulo niya sa pag iisip at kawalan ng tulog. Nag angat siya ng mukha sa dalaga, bumuntong hininga.

"Maybe it's time for you to leave the ranch, Val. I'm getting tired of this pointless fight. Ihahatid na kita mamaya sa Silay."

Bumalik ang galit sa anyo ni Valerie. Tumaas muli ang tono nito nang magsalita.

"Now you're throwing me away because of that slut! Pauuwiin mo ako para ano? Para malaya na kayo ng babae mo? Para magagawa mo na siyang yakapin at halikan nang walang pipigil sa 'yo? Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo, Renz? Mahal mo ang malanding babaeng 'yon!"

Padarag na umahon si Renz sa kinauupuan. Nakakuyom ang mga kamao, namumula ang mukha at nagtatagis ang mga bagang. Saglit na natigilan si Valerie, kinabahan. Napaatras ito nang humakbang palapit dito si Renz. Napaupo ito sa kama, nakatingala sa galit na ekspresyon ng binata.

"Kung aaminin kong mahal ko nga siya... na totoong gustong gusto ko siya, na gusto ko siyang yakapin at halikan at dalhin sa kama, will that make your foul-mouth shut up?!"

Bagaman natatakot, tumalim ang tingin ni Valerie.

"Fuck you, Renz! Hindi ako papayag na maagaw ka niya sa akin!"

Iyon lang at mabilis na tumayo si Valerie, inilingkis ang mga kamay sa batok niya at hinalikan siya nang mariin.

❤️

Ibinaba ni Noryn ang hair brush sa ibabaw ng kama. Nakagayak na siya para sa birthday ng inaanak niya. Hindi na siya sumama sa rancho dahil kinailangan niya pang mamili ng regalo.

Rachel said she didn't need to bring one, pero gusto niyang kahit papaano ay may bitbit bukod sa pakimkim para sa inaanak.

Alas dos ng hapon ang party. May inuman pagkatapos ng kainan. Mauuna lang siyang umalis pero susunod sina Hans at Travis bago mag alas sais ng gabi. Alas sinco pa uuwi sa ranch house ang dalawa mula sa pagtatrabaho sa kubo.

Si Renz, hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa niya nakikita. Nasa silid lang ito, dahil hapon na ay nasa garahe pa ang pick up nito. Maigi na rin iyon, naisip niya. Kulang pa ang lakas ng loob na inipon niya. Hindi niya pa alam kung kaya niya na bang humarap sa binata.

Siguradong galit pa rin ito sa ginawa niyang kapangahasan. Bukod pa iyon syempre sa alalahanin na baka isipin ng lalaki na mali ang pagkakakilala nito sa kanya.

Bumuntong hininga siya. Tinitigan niya ang sariling repliksyon sa salamin. Wala siyang masyadong tulog but why was she glowing?

Bumaba ang tingin niya sa kanyang mga labi. Wala sa sariling sinalat iyon. Parang nararamdaman niya pa rin ang malambot na mga labi ni Renz, ang mainit nitong pagtugon - kahit saglit lang iyon.

Her lips were still throbbing from the kiss, parang tanga, paulit ulit nagrereplay ang eksena sa kanyang utak kaya nahirapan siyang matulog.

Hindi niya alam kung bakit umaasa pa rin siya kahit dapat ay hindi na. Kahit alam niyang may pader siyang binabangga at may unti unti siyang sinisira. Pero tama siguro sila, mahirap kalabanin ang puso ilang beses mo mang kumbinsihin ito na hindi tama.

Umahon siya sa kinauupuan at dinampot ang kanyang bag. Isinilid doon ang cell phone bago lumakad papunta sa pinto at lumabas.

Patalima na siya papunta sa hagdan nang makita niya ang pagbubukas ng pinto ng kwarto ni Renz. Iniluwa roon si Valerie na kagaya niya ay natigilan nang magsalubong ang kani-kanilang tingin.

Pakiramdam ni Nhoryn sinaksak siya sa dibdib. Halos sabay silang humakbang ni Valerie hanggang magsalubong sila sa tapat ng hagdan. Humalukipkip ang babae, matalim at nang iinsulto ang mga titig nang mag buka ito ng bibig...

"Humadlang ka man o hindi, magpapakasal kami. Ngayon pa lang umpisahan mo nang iwasan ang fiancee ko at ilagay mo na ang sarili mo sa tamang lugar kung ayaw mong ako mismo ang sumipa sa'yo sa dapat mong kalagyan."

Tumimo sa isip ni Noryn ang unang pangungusap. Pinigil niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya at mas piniling patigasin ang ekspresyon sa kanyang mukha.  Itinaas niya iyon at sinalubong ang tingin ng dalaga.

"Wala akong ginagawang masama. Pero pag ako nainis baka nga agawin ko sa 'yo nang tuluyan si Renz."

Nilagpasan niya ito, hindi pinansin ang nanlilisik na mga mata nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Renz De Marco (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon