Pamilyar kay Noryn ang tunog ng motorsiklong parating kaya nahinto ang akmang pagpasok niya sa loob ng kabahayan, pero ngayong nasa harap na niya ang kaibigan, mas lalo lang siyang naguluhan.
Hindi na siya magtataka kung paanong natunton ni Hans ang rancho dahil walang hindi nakakaalam kung saan ang daan patungo sa Rancho at Hacienda ng mga De Marco. Ang ipinagtataka niya ay kung ano ang ginagawa nito roon.
Tiyak na tulog na ang mag asawang Julio at Celeste at hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga ito lalo na kina Travis at Renz ang biglaang pagdating roon ng lalaki.
Hindi magugustuhan tiyak ng magkapatid kung bigla na lang siya tumanggap ng bisita sa Mansyon nang walang pasabi - lalo na kung ang lalaking iyon ay ang duda ng mga ito na nanliligaw sa kanya.
Hi," bati ni Hans na ngumiti sa kanya. Lumapit siya sa binatang inaayos ang bahagyang nagulong buhok bago bumaba sa motorsiklo at sinalubong siya.
"Hans, paanong... Anong ginagawa mo dito?"
Ngumiwi ito, humawak sa dibdib na parang nasaktan.
"I'm hurt. Hindi ka man lang ba natuwang makita ako? Kahit panggap lang?"
Itinirik niya ang mga mata, "Seryoso ako. Bakit nandito ka?"
Tumawa ang lalaki, bahagyang yumuko at pinindot ang tungki ng ilong niya.
"Napagod ka sigurong magpaligo ng mga kabayo kanina kaya ang init ng ulo mo ngayon."
Humalukipkip siya. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na nagpaligo siya ng kabayo kanina. Pero naisip niya, malamang amoy kabayo siya kaya nagka ideya ang binata. Hindi siya nag abalang maligo pa sa rancho, maliligo naman siya pag uwi.
Nagkibit balikat si Hans, tumayo nang tuwid at sumeryoso nang kaunti. "Let's just say, your brother gave me a job I can't refuse..."
Nagsalubong ang mga kilay ni Noryn.
Brother? Job? Akmang magbubuka siya ng bibig para paulanan ito ng mga tanong pero maagap na itinaas ni Hans ang kamay para patigilin siya sa plano."Hey, nakikita ko napakarami mong gustong malaman, but please save all the questions for tomorrow, Noryn. Tomorrow is my first day at work and I've got to get up early. I really need to hit the bed now kung ayaw kong ma-late sa trabaho."
"Sino munang brother? At anong klaseng trabaho?"tanong niya ulit. Hindi niya alam na hiring ng empleyado ang mga De Marco sa opisina.
"Miss, kesa usisain ako bakit hindi mo na lang ituro kung nasaan ang magiging kuwarto ko?" tanong ni Hans na simpatikong simpatiko sa pagkakangiti.
Hindi niya alam pero ngayon niya mas na appreciate ang kagwapuhan ng kaibigan. Although she was worried sick about his sudden appearance, Noryn didn't fail to notice that Hans looked good in his black suit. Para itong si Travis, mas bagay ang itim kaysa sa mga light colored tees.
Namilog ang mga mata ni Noryn nang may mapagtanto. Napatitig siya sa kaibigang iginala ang tingin sa buong paligid. Huminto ang tingin nito sa pangalawang palapag ng bahay at nagtagal ang mga mata roon. Hindi niya napansin ang bahagyang pag angat ng sulok ng bibig nito na parang may kangisian ito mula sa terrace.
"Huwag mong sabihin sa kin na si Travis ang - ?" tanong niya pero natigil siya nang akbayan siya ni Hans para patahimikin. Pagkatapos iginiya na siya nito papasok sa loob ng kabahayan.
Sa terrace, nakatiim bagang si Renz habang hinahabol ng tanaw ang pares na pumasok sa loob ng kabahayan. Nagtama ang tingin nila ng bisita ni Noryn habang pinapanood niya ang mga ito mula sa terasa. Umahon ang iritasyon sa dibdib niya nang makita ang pag akbay ng bagong dating sa dalaga na para bang natural lang dito ang ginawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/318114223-288-k344262.jpg)
BINABASA MO ANG
Renz De Marco (preview)
Romance"The night you stole me a kiss, you literally swept me off my feet." Kinukuha ni Noryn ang libro sa dala niyang handbag nang marinig niya ang pagbubukas ng pinto sa cockpit. Nag angat siya nang bahagya ng tingin para lang itulos sa kinauupuan. Pakir...