Chapter Eleven

1.2K 128 619
                                    

Mabilis na itiniklop ni Noryn ang binabasang libro nang marinig ang ugong ng paparating na sasakyan. Bumangon siya sa kama at tinungo ang terasa. Alam niyang si Renz ang dumating mula sa rancho. Tumawag ito kanina kay Travis para sabihing male-late ito ng uwi. Ginahol sa oras ang pagkakarga ng mga tubo sa limang trucks na naka schedule na i-deliver mamayang madaling araw papuntang Silay. 

And it was 15 minutes past 11 in the evening now at ngayon pa lang magpapahinga si Renz. Hindi niya pinigil ang maliit na ngiting nagpumilit na sumungaw sa mga labi niya. It gives her joy to see him coming home from work. 

Nakangiti pa rin na ipinatong niya ang magkasalikop niyang mga kamay sa top handrail ng terasa, hinintay ang pagbaba ng binata sa sa pick up. Gabi na, matatawag pa kayang daydreaming ang ginagawa niyang pagpapantasya? It was unusual but it took Renz a few minutes before he finally stepped out of his car.

Her heart throbbed at the sight of him. Pinanood niya ang paghakbang nito papasok sa loob ng kabahayan hanggang tuluyan na itong mawala sa paningin niya. Nakangiti pa rin siyang bumalik sa pagkakahiga sa kama saka binuklat muli ang libro sa pahinang iniwan niya kanina. Itutuloy niya na sana ang pagbabasa nang matigilan siya. 

Nabura ang ngiti sa mga labi niya, napalitan ang ekspresyon niya ng pag aalala. Ngayong nakauwi na si Renz, masusuyo na nito si Valerie. Makakapag usap na nang maayos ang dalawa at malamang ay magkakabati na rin.

Lord. Ayaw niya. Ayaw niya munang magkasundo ang dalawa.

Kahit alam niyang hindi tama, sa kasaluk-sulukang bahagi ng puso at utak niya, masaya siyang malaman na may tampuhan ang mga ito. Mas kampante ang puso niya na walang nakikitang Valerie na nakadikit, humahalik at naglalambing kay Renz. Kasi gusto niya sanang siya ang gagawa ng mga iyon kay Renz. 

Huminga siya nang malalim. Idinilat niya ang mga mata saka ikiniling ang ulo sa pinto. Tinatalasan ang pandinig at pakiramdam. Maririnig niya ba ang mga yabag ni Renz papunta sa pinto ng silid ni Valerie ngayong gabi o hindi?

Sana hindi.

Lumipas ang ilang minuto, wala siyang yabag, ni kaluskos na narinig mula sa labas. Nakahinga siya nang maluwang. Ipinikit ni Noryn nang mariin ang mga mata saka ipinatong ang libro sa ibabaw ng dibdib niya. Hindi niya namalayang hinatak na siya ng antok nang tuluyan. 

Nagising si Noryn dahil sa pagkalam ng kanyang sikmura. Awtomatikong sinulyapan niya ang oras sa ibabaw ng side table. Quarter to 3. Ang aga niyang magutom. She snuggled down into the covers and yawned. Planong ipagpatuloy ang pagtulog at ipagpaliban ang gutom. 

She stretched herself bago nagdesisyong bumangon sa kama. Hindi niya matiis ang kumakalam niyang sikmura. Dinampot niya ang librong noon niya lang napansing nahulog na pala sa sahig. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng kama saka tinungo ang pinto at lumabas. 

Maybe a glass of milk would suffice. Dederetso na sana siya sa hagdan nang makita niyang bahagyang nakabukas ang pinto sa library. Lumakad siya roon dahil sa iisang dahilan; para isara ang pinto. 

Pero bago niya pa iyon mahatak pasara, natigilan siya nang makita ang bulto ng lalaking nakahiga sa couch. Standing near the doorway, Noryn was aware of that familiar faint scent of expensive cologne. It was pulling her, tempting her to step inside at kumpirmahin - kahit alam niya na kung sino ang lalaking natutulog sa loob.

Tumambol ang dibdib niya nang sa wakas ay makapasok siya sa silid. Malamlam ang liwanag na nanggagaling sa lampshade na nakapatong sa side table pero hindi naging sagabal iyon para hindi niya nakumpirmang si Renz ang himbing na natutulog sa couch. 

Huminto siya sa may ulunan nito at pinagmasdan nang ilang saglit ang pagtulog nito.

There were a few days old stubbles growing on his face, which added to his masculinity. Napansin ni Noryn na mamasa masa pa ang itim na itim na buhok ni Renz, katunayan na hindi pa natatagalan nang maligo ito.

Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa mamula mula at bahagyang nakauwang na mga labi ni Renz.  Parang tukso, nagreplay sa utak niya ang sinabi nito nung nakaraang araw.

"Don't worry, sweetheart. I got a feeling that you'll have your first kiss soon."

Pinigil ni Noryn ang hininga. Hindi bale na kung gaano kasama ang magiging tingin niya sa sarili pagkatapos ng gagawin niya. Dahil ngayong gabi, sisiguraduhin niya na si Renz ang una at huling lalaking hahalikan niya.

NARAMDAMAN ni Renz ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ng kung sino sa loob pero dahil sa pagod mula sa maghapong trabaho sa tubuhan, hindi niya mautusan ang mga matang dumilat. Hinahatak pa ng higaan ang pagal niyang katawan. He was aching all over because of all the hard work.
Ganun lagi siya kapagod tuwing panahon ng ani.

Not that he was complaining, he was thankful for the bountiful harvest. Marami silang kababayang natutulungan dahil sa trabahong ibinibigay ng Hacienda at ng Rancho.

Sinadya ni Renz na huwag matulog sa sariling silid dahil alam niyang naroon si Valerie. Sa sobrang pagod, hindi niya kayang makipagtalo nang paulit ulit ngayong gabi sa babae. Tiyak niyang hindi siya nito patutulugin.

Bago pumunta sa library, dumaan siya sa silid ni Travis para manghiram ng damit na isusuot ng gabing iyon. Sa library siya dumeretso para maligo at doon na rin nagdesisyong magpalipas ng magdamag.

Naramdaman ni Renz ang paglapit ng kung sino sa kanyang kinahihigaan. It didn't take him long to recognize who the intruder was. The subtle scent of flowers and vanilla told him she was the girl he saved from Jerry four years ago.

Renz groaned quietly. Hindi na niya kailangang puwersahin ang sariling gumising. Sapat na ang init na nanggagaling sa katawan ni Noryn, ang cologne at natural na pambabaeng amoy nito para tuluyan siyang magising. Pero hindi siya nagdilat ng mga mata sa pag aakalang may kukunin lang na libro ang dalaga.

But then he suddenly felt her inching closer to him. Dinig niya ang malakas na pagkabog ng dibdib ng babae.
He furrowed his brows a little when he felt her breath fanning his face.

How close exactly was she to him?
Renz's eyes flew open to check and there, with her eyes tightly closed Noryn leaned over to kiss him.

Hindi alam ni Renz kung paano magre-react. Para siyang nagfreeze sa pagkakahiga sa couch, nakatitig sa mga labi ni Noryn na bahagyang naka pout at unti unting bumababa sa mga labi niya.

Napagkamalan lang ba siya ng dalaga? Bahagyang madilim ang silid, baka hindi siya nito nakilala?

Gustong humugot ni Renz nang hininga nang maramdaman niya ang pagdampi ng malambot na mga labing iyon sa ibabaw ng mga labi niya.  Alanganing pagbuka ng bibig ng dalaga, sinadyang palalimin ang halik. He knew she was urging him to kiss her back.

Hindi na rin mabibilang sa daliri ang mga babaeng naka fling ni Renz at naging girlfriends simula nang tumuntong siya ng high school. Some of them were first-time kissers too, but they weren't as bad as Noryn.

Pero imbes na maturn off, pakiramdam ni Renz, nagliliyab hindi lang siya kundi ang buong silid.

Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ni Renz sa kanyang magkabilang gilid. Pinipigil niya ang sarili na huwag ipulupot ang mga braso niya sa maliit na baywang ni Noryn, kabigin ito paibabaw sa katawan niya and show her how to properly kiss.

Renz quietly uttered profanities as a delicious ache fluttered through him. 
God help him. He was losing it.

Renz unable to control himself, snaked his arms around Noryn's body and pulled her close to him. Just right at the moment when he finally gave in and started to kiss her back, malakas na kumalam ang sikmura ni Noryn... abruptly making them stop kissing each other.

Renz De Marco (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon