Hindi alam ni Noryn kung ano ang gagawin. Ang lakas ng dagundong ng kanyang dibdib. Dahan dahan, binawi niya ang labing noo'y nakalapat at nasa pagitan pa ng mga labi ni Renz. Dama niya ang init na sumisingaw mula sa katawan nito sa nakadaiti ditong katawan niya. Mula sa matigas nitong dibdib hanggang sa braso nitong nakapaikot sa kanyang baywang.
She slowly pulled her head back, and gazed down at him. Alam niyang pulang pula ang buo niyang mukha. Naramdaman niyang lumuwang ang pagkakayapos ni Renz sa kanyang katawan... hanggang tuluyan na siya nitong pakawalan.
Mabilis na tumayo si Noryn, pilit na inayos at k-in-compose ang sarili. Tahimik na naupo si Renz sa couch. He stared at her confused, yet embarrassed expression for sometime. Parang kagaya niya, namimili din ito ng tamang sabihin bago magsalita. Humugot ito nang malalim na buntong hininga at tuluyan na ngang binasag ang nakakailang na katahimikan na nakapaligid sa kanila.
"I'm sorry..."
"H-hindi..." mabilis na putol niya sa sasabihin nito, nagawa niya pang itaas ang mga kamay para patigilin ito sa pagsasalita. "Please, wag kang magsorry." Mas gugustuhin niyang mamatay sa kinatatayuan kaysa marinig ang katotohanang lalabas mula sa bibig nito. "Ako, ako ang may kasalanan."
Naguguluhan, mabilis nitong sinulyapan ang nakataas niyang kamay pagkatapos ay mabilis din na ibinalik ang tingin sa kanyang mukha.
"Ikaw ang may kasalanan?" gagad-tanong nito.
Mabilis siyang tumango, ibinaba ang kamay, tensyunadong itinago iyon sa kanyang likuran.
"N-nagkamali ako..."
Kumunot ang noo ni Renz. Nawala ang kalituhan na kanina ay bahagya niya pang nabasa sa mga mata nito. Tumitig ito sa kanya na parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"I'm sorry..." Anas niya, hiyang hiya.
Nagsasalubong lalo ang malalagong mga kilay ni Renz.
"Puwede ka bang magsalita sa paraang maiintindihan kita?"
Noryn lowered her gaze. Hindi niya alam kung saan itatago ang sarili sa kahihiyan, pero mas hindi niya yata kayang pagtakpan ang sakit na nararamdaman. Ang guilt na gumuhit sa mga mata ni Renz kanina, ang paghingi nito ng tawad sa pagtugon sa halik niya - dahil inakala ba nito na si Valerie ang humahalik dito at hindi siya?
Sabi niya, she just wanted Renz to be her first kiss. Pero nang maramdaman niya ang malambot nitong mga labi, at malanghap ang mabango nitong hininga, nawala siya sa sarili. Para siyang sinilaban na hindi niya mawari. From just a simple kiss na gusto niyang nakawin sa lalaki, diniinan niya ang pagkakahalik - just like in the movies, she waited and taunted him to kiss her back.
She didn't know if she did it right, but her heart somersaulted when at last Renz responded.
Never had Noryn imagined herself being so bold that she even initiated the kiss. For heaven's sake, tulog pa at nagising lang ang lalaking ninakawan niya ng halik!
Gusto niyang sakalin ang sarili. Kung hindi ba naman siya malandi?
"Noryn..." untag ni Renz sa tonong nauubusan ng pasensya. "Nagkamali ka ng ano?" Ulit nito sa tanong. Renz's large body was emitting heat in the cold room, pero pakiramdam ni Noryn, pati ulo nito nag uumpisa na ring mag init.
"Akala ko kasi..." huminga siya nang malalim. "...ikaw si Hans." Kinagat niya nang mariin ang mga labi matapos ang kasinungalingan.
Matalim ang hinugot ni Renz. Nagtiim ang mga bagang. "What did you say?"
Nagdilat siya ng mga mata saka nag angat ng tingin dito pero hindi siya makatagal nang makitang halos mag-apoy ang mga mata nito. Lalo siyang natensyon. Kabado siya, noon niya lang nakitang pulang pula ang mukha ni Renz sa pagpipigil ng galit. Ang hindi niya pa maunawaan ay kung saang parte ba ito talaga nagagalit?
Sa pagnakaw niya dito ng halik o sa sinabi niya na si Hans ang totoo niyang target? Marahil pareho. Hindi niya ito dapat hinalikan at kabilin bilinan nitong huwag muna siyang makikipag relasyon hanggang hindi siya nakakapagtapos sa pag aaral.
Either way, sinira niya ang tiwala nito. Lumunok si Noryn. Nanunuyo ang lalamunan na hinagilap niyang muli ang dila.
"I'm really sorry, Renz. Please, kalimutan na lang natin ang nangyari. A-at si Hans, a-ayokong malamang niyang..."
Renz scoffed his disbelief, sa hitsura nito parang gusto siya nitong sakalin. Bumilang ng ilang segundo bago ito kumilos. Inihilamos nito ang mga palad sa mukha pagkatapos ay tahimik na umahon ito sa kinauupuan at humakbang para lagpasan siya. Bago niya pa mautusan ang sarili na pigilan itong umalis, nakalabas na si Renz sa library.
Kasunod niyon ay ang malakas na pagkabig nito pasara sa pintuan.
Napapikit si Noryn nang mariin. Nanghihinang naupo siya sa upuang binakante ni Renz. Lalo niya lang ginawang komplikado ang lahat. Dapat ba inamin niya na lang ang totoong naramdaman? Bakit pa? Walang gusto si Renz sa kanya. Walang mangyayari kung aamin siya - maliban sa pare-pareho silang maa-awkward.
Noryn has come to realize that Renz felt guilty because he thought it was Val who was kissing him. He was sorry for kissing her back dahil sino nga ba naman ang mag aakalang siya na ampon ng pamilya at itinuturing nitong kapatid ang maglalakas ng loob na humalik dito? At iyong sorry - iyon ang pinakahuling salitang gustong marinig ni Noryn mula dito.
--------------------------
DUMERETSO si Renz sa bar. Kung kailan malapit nang magbukang liwayway saka naman niya gustong lunurin ang sarili sa alak. He was not a heavy drinker unlike Travis, but he still grabbed the bottle of whiskey from the wine rack at dinampot ang nakataob na baso sa ibabaw ng bar counter saka pinuno iyon ng alak.
He wanted to apologize for taking advantage of her. He felt guilty that he thought, he should've held himself until the end. But it was a very hard thing to do kung kalaban mo hindi lang ang katawan mo kundi maging ang puso.
But, reality hurts. The idea that Noryn might have mistaken him for someone else came into mind, pero binalewala niya ang warning signs, because he was a perverted bastard who was lusting on an unexperienced young girl who didn't know how to kiss.
"Akala ko kasi... ikaw si Hans."
Fck. Double fck. Gusto niyang paulit ulit na sipain ang sarili kahit para na rin siyang nasuntok sa sikmura kanina nang paulit-ulit.
Kanina pag uwi niya mula sa Hacienda, malayo pa, sa terasa ng silid ni Noryn na nakatuon ang mga mata niya. He was expecting to see her there na paminsan-minsan na rin nitong ginagawa noon. His heart throbbed when he saw her emerged from her room. Pinanood niya ang paglapit nito sa railings, admiring her beauty from a distance.
Ilang oras niya lang itong hindi nakita pero pakiramdam niya kalahating habang buhay na ang lumipas. Dahil tinted ang sasakyan, hindi alam ni Noryn na imbes na sa daan, dito na nakatutok ang mga mata niya hindi pa man tuluyang humihinto ang pick up sa harap ng ranch house. Sinadya ni Renz na huwag munang bumaba sa pick up at titigan lang muna ang babae.
As usual, Renz ended up enjoying the sight of Noryn smiling dreamily as she looked down, patiently waiting for him to stepped out of his car. Renz has been sleep deprived ever since Val arrived. But as he stared at Noryn that night, kumalma ang dibdib niya at nagkaroon iyon ng katahimikan.
Kaya hindi lang ang pride niya ang nasaling nang aminin ni Noryn na nagkamali lang ito ng lalaking hinalikan. Na hindi pala para sa kanya ang halik na pinaghirapan nitong ipatikim sa kanya kanina kung hindi ay para kay Hans. Muling gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ni Renz.
"I'm sorry, Renz. Please, kalimutan na lang natin ang nangyari. "
Tinutop ni Renz ang noo. That kiss - though was far from perfect was the best he ever had. Hindi niya alam kung magagawa niya iyong kalimutan.
----------
Buy the book for Php 563 + SF. Follow me on my facebook page: La Tigresa's Stories
Or join La Tigresa VVIP EXCLUSIVE GROUP. PM La Tigresa's Stories Facebook Page to inquire
BINABASA MO ANG
Renz De Marco (preview)
Romance"The night you stole me a kiss, you literally swept me off my feet." Kinukuha ni Noryn ang libro sa dala niyang handbag nang marinig niya ang pagbubukas ng pinto sa cockpit. Nag angat siya nang bahagya ng tingin para lang itulos sa kinauupuan. Pakir...