Napatigil kaming lahat sa pagsigaw ni Adam. Agad na dinaluhan kami ni Mama at Papa kasama si Tita Conchita at Tito Aiedan.
"What's going on here?" Tita Conchita asked while eyeing us. Binitawan naman ako ni Mamita Crizelda saka humarap sa sariling anak.
"Oh that son of yours is just too sensitive. I was just telling the truth! His little bitch is not welcome in this familia! Eve is the best option! Kaya nga siya naipanganak diba? Para maging asawa ni Adam?" Mamita Crizelda was fanning herself while explaining. Nagulat kami lahat sa sinabi niya. Napayuko ako agad at mukhang napansin ni Tita Conchita yon.
Alam ko naman kung bakit ako nabuhay sa mundong ito. Para kay Adam. Siya lang naman ang dahilan kung bakit pinagbigyan ako ng Maykapal na mabuhay eh. Pero ang sakit lang isipin na parang wala akong karapatan sa buhay kong ito kasi simula nung una palang, hindi ko na hawak ito. In the beginning, it was already planned.
"Ma! You're going overboard! And you're too insensitive! This is your grandson's wedding! Respeto naman!" Napaangat ang tingin ko kay Tita Conchita, who was fuming mad.
"So it's my fault now, huh, Conchita? Pumayag si Adam sa kasal na ito diba? He has other options but thank God he made the right decision to marry Eve. So bakit ako ang sinisisi mo? I'm the one telling the truth here." Mamita Crizelda is just too defensive, stubborn, and insensitive. Napakuyom ako ng kamay ngunit agad itong hinawakan ni Mama at ni Mamita Esperanza. Tinignan ko sila at umiling lang sila sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako at akmang papagitna na sakanila nang magsalita ulit si Mamita Crizelda.
"Kung ayaw lang sana ni Adam ang batang dinadala ng babaeng yon, matagal ko na sanang pinalaglag at pinalayo ang babae sa kanya! Eve doesn't deserve this Conchita, siya ang nakatakda para kay Adam pero nang dahil sa babaeng yon---"
"No! Lilith doesn't deserve this! Siya ang nagdadala sa anak ni Adam at mahal na mahal siya nito! But you just can't accept the fact na hindi umaayon sa plano niyo ang lahat! Bakit? Dahil ba ang Lolo ni Lilith ang nakasaga sa asawa mo? Walang kasalanan si Lilith pero siya ang nagdurusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa!" I couldn't help myself but intervene. Sumusobra na si Mamita Crizelda at paniguradong hindi niya inaasahan ang pagsumbat ko. Tinignan ko sila Mama at Tita Conchita saka yumuko.
"I'm sorry. I need to rest. Excuse me." Agad akong umalis sa nakakasakal na lugar na yon at tumaas sa kwarto namin ni Adam. Yes, iisa lang ang kwarto dito sa two-storey house na ito. Pinasadya nila Mamita. There are actually other rooms pero pinasadya nilang gawin na study room, library, stock room at kung anu anu pa para lamang sa iisang kwarto kami matulog ni Adam. So childish and manipulative.
Nagpapasalamat na lang ako dahil may sofa bed dito na pinaglyan ni Adam. Three days before the wedding, pinakita na nila sa amin ito at buti na lang matalino si Adam at nagpalagay ng sofa bed nang malamang iisa lang ang kwarto dito sa bahay.
Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ay saka ako napaluhod at humagulgol. I stayed in that position until I felt my knees going numb.
Tumayo ako saka lumipat sa sofa bed at nahiga habang nakatingin sa kisame. Tears wouldn't stop flowing.
Bakit ba parang wala akong karapatan sa sarili ko? Mamita Crizelda was like slapping me in the face when she said that I was just born to be Adam's wife. Oo! Alam ko! Hindi na kailangang ipamukha sa akin!
That hurts. At ang sakit isipin na ang araw na kung saan masaya sana kaming lahat ay naging araw na puno ng iyakan at sakitan.
I kept crying the whole time until I didn't notice that I fell asleep.

YOU ARE READING
IN THE BEGINNING
Romance"Childhood sweethearts", they say. A pair who were deemed to end up with each other. And yet they grow and explore. They meet people. So when things doesn't go according to plan, how would an another story of Adam and Eve be? Because after all, in t...