A white, long, sweetheart neckline wedding gown that drapes over the floor with a dark bluish color at the edges and a perfect slit at the right side, complimented by shining sequins. A veil, a bouquet, and sandals.
Tinignan ko ang sarili sa malaking salamin. Katatapos lang akong ayusan ng make up artist at stylist na hinanda nila para sa akin.
This is a beautiful day for a bride. Her wedding. Ngunit habang nakatingin ako sa salamin ay mas nakakaramdam ako ng sakit at lungkot. Hindi ito ang kasal na pinapangarap ko. Dapat masaya ako pero ayokong lokohin ang sarili ko. This is a dreadful day.
I can't bring myself to be happy just because I am marrying the person I was destined to marry. The person I love. Ang complicated ng sitwasyon at paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit at paano humantong sa ganito ang lahat.
I was destined to marry him but he was not destined to love me.
"Bakit ang lungkot ng bride? Ayaw mo ba yung suot mo? Yung make up? Yung ayos ng bouquet?" Nakapatong ang kamay ng make up artist sa balikat ko habang nakatingin sa repleksiyon namin sa salamin. I forced a smile at her then shook my head.
"Ako ang pumili at nagpagawa ng suot ko, bakit naman ako malulungkot? Kinakabahan lang. Uhm, pwede bang iwan niyo muna ako mag isa?" Tinignan lang ako ng make up artist saka bumuntong hininga. She turned back then called the people inside the room, out.
Nang iwan nila ako, agad kong nilock ang pinto saka umupo sa harap ng vanity table. Napatingin ako sa hawak kong bouquet saka nilapag ito sa kama at napabuntong hininga na lang. I looked at the mirror then removed my veil and gently placed it on the table. Nilakbay ng mga daliri ko ang tela nito na nagpangiti sa akin ng mapait.
"Bakit nga ba ako malungkot? Dahil ba hindi naman niya ako mahal pero kailangan niya ako? Dapat nga masaya pa ako dahil mas kailangan niya ako eh. Pero ang sakit eh! Ang sakit sakit!" Naramdaman ako ang dahan dahang pagpatak ng mga luha ko. Agad akong kumuha ng tissue at marahang pinunasan ito, baka mapansin nilang umiyak ako kapag nasira ang make up ko.
Nasagi ng aking paningin ang singsing na nakapatong sa tabi ng veil. I picked it up then examined it. I scoffed to myself and can't help but kiss it.
It was our promise ring. A birthday present he gave me on my 16th birthday.
"Bestfriends or lovers, we'll stay together." Pareho kaming ngumiti sa isa't isa at tumango saka pinagmasdan ang buwan at mga tala.
"We did stay together..." Muli akong napangiti ng mapait. "...not because we're willing to but because we have to. Ang unfair mo Adam." Nilapag ko ang singsing sa table saka tinitigan ang sarili sa salamin.
"Why?" Namamaos kong saad saka napapikit at ramdam ko ang pagpatak muli ng luha ko.
~●●~
Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagkatok sa pinto kaya dali kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto. Nakita ko si Mama at Papa na ayos na ayos at napangiti sila nang makita ako. Pumasok sila at bumalik naman ako sa harap ng vanity table habang tinitignan nila ako mula sa likod.
I smiled brightly just to cover up my emotions. Kinuha ko ang veil na nilapag ko saka pinatong sa buhok ko at humarap kila Mama.
"Maganda po ba? I chose this design and style katulad nung suot ni Emily sa Corpse Bride though itong veil nga lang is matatakpan ang mukha ko, kahit yung dress niya katulad din nito..." Tumayo ako saka pinakita sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at hindi nagsasalita. "...bagay po ba sa akin? Do I look like a bride now? Papa, masyado po bang maganda ang anak niyo at hindi kayo nagsasalita? Mama, mali po ba pagkakalagay ko ng veil? Teka, aayusin ko." Aligaga akong umupo saka inayos ang veil nang maramdam ko sila Mama na yumakap sa akin.

YOU ARE READING
IN THE BEGINNING
Romance"Childhood sweethearts", they say. A pair who were deemed to end up with each other. And yet they grow and explore. They meet people. So when things doesn't go according to plan, how would an another story of Adam and Eve be? Because after all, in t...