12 years ago.
"Evergreen! Bumaba ka na diyan! Andito na si Adamus!" Napairap na lang ako sa lakas ng boses ni Mama. Sa kanya ko pa nga siguro namana ang ganong boses eh sabi ni Adam. Anlakas din daw kasi ng boses ko na akala mo'y may kaaway.
I immediately combed my hair then tied into a ponytail. Then I grabbed my backpack along with my sports bag. May training kami ngayon kaya naman andami ko nanamang dadalhin.
Pagkababa ko ay naabutan ko na silang lahat na nasa dining room. Napatingin ako kay Adam na tuwang tuwa habang kumakain. Umirap ako saka tumabi sa kanya na sadya kong siniko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Enjoy ka sa pagkain ah. Bahay mo?" Pagtataray ko bago kinuha ang platong may kanin at nagsalin sa sariling plato. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Oo bahay ko na rin ito. Mas mahal pa nga ata ako ng magulang mo kesa sayo eh." Pang aasar niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa siya ng mas malakas at sinabayan pa siya ni Papa na pinapanood at pinapakinggan pala kami.
"Gusto mo ba ng sapak ha?" Akmang papaluin ko na si Adam nang magsalita si Mama.
"Wag mong subukan Evergreen." Nanlaki ang mata ko saka bumusangot.
"Mama! Pati ba naman ikaw?!" Inirapan ako ni Mama na mas kinagulat ko.
"Ayokong magkaroon ng pasa ang magiging son-in-law ko noh!" Halos mahulog ang panga ko sa narinig. Seriously? Magulang ko ba ang mga ito?
Napatingin ako kay Adam na tuwang tuwa sa nakikita. Kasabay pa nito si Papa na tuwang tuwa rin. Bahagya kong kinurot si Adam sa hita na agad na nagpatigil sa kanya.
"Gosh! What's wrong with you guys! He'll never be your son-in-law! Diba Adam?" Pinanlakihan ko ng mata si Adam na napangiwi na lang.
"Oh dear, he will be. We've already told you about that, you two are betrothed to each other!" Tuwang tuwa si Mama habang nagsasalita na mukhang kinikilig pa. I cringed then looked at Adam who was shaking his head while smiling.
"Gosh Mama! We're too young for that!" Pakiramdam ko ay nag uumpisang mamula na ang mga pisngi ko. Natawa na lang silang lahat bago pinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos ng agahan ay agad naman kaming sinabay ni Papa papunta sa school. Alam niya kasing madami at mabigat ang dala ko kaya naman minabuti niyang ihatid kami ni Adam.
"Tita Esme, sa inyo pala ako magsstay mamaya until weekends or maybe longer. Bibisita kasi sila Mama kay Mamita Crizelda at isasama ang kambal kaya maiiwan ako since hindi pa tapos ang school year at hindi ako pwedeng magleave ng school." Saad ni Adam nang makababa kami ng sasakyan. Nasa harap kasi ng sasakyan si Mama dahil magpapahatid din papunta sa grocery store. Ako naman ay pumunta sa likod ng sasakyan at kinuha sa trunk ang sports bag ko.
"Oh that would be great! Sakto at bibilhan kita ng paborito mong snacks!" Napailing na lang ako dahil tuwang tuwa si Mama tuwing nagsstay si Adam sa bahay. Gustong gusto kasi ni Mama na magkaroon ng lalaking anak pero dahil hirap siyang magbuntis ay di na ako nasundan pa.
Kung iniisip niyo na siguro disappointed sila na naging babae ako, may part siguro na oo pero mas nangingibabaw ang tuwa nila dahil lalaki si Adam. Siya rin naman kasi ang dahilan kung bakit pinilit nila Mama na magbuntis para sa akin. Simply because they want us to end up with each other. Umpisa palang talaga planado na ang buhay namin lalong lalo na ako, I was slowly being raised to be a good wife to Adam.
But we always set that aside, especially when Adam and I are already exploring the world. Kaya rin siguro iniisip namin na, we're better of as friends talaga. Dahil alam din namin na may mga bagay na hindi umaayon sa plano. We cannot dictate what our hearts desire.
YOU ARE READING
IN THE BEGINNING
Romance"Childhood sweethearts", they say. A pair who were deemed to end up with each other. And yet they grow and explore. They meet people. So when things doesn't go according to plan, how would an another story of Adam and Eve be? Because after all, in t...