CHAPTER 9

4 2 0
                                    

As fast as our summer break came, so is the start of our last school year in high school.

"Ah! Girls!" Nilingon namin ang pinaka maganda saaming si Kai. Tabi and Sandra waved as the newcomer ran towards us. Andito kami ngayon sa isa sa bench ng soccer field. Since first day of classes palang ay hinayaan muna kaming mag ikot ikot sa school. Mamayang hapon pa ang mismong meet the teachers at orientation.

"Ah! I missed you guys! How was summer?" Bati niya. Nginitian ko siya at nagthumbs up.

Then they started talking about their summer. Well, in my case there is nothing to share about. I just spent my whole summer in a sports training camp. And right now, I actually don't feel well but I need to attend school and also spend time with my friends.

"So Eve, how are you and Adam? Asan nga pala siya, di mo kasama?" Usisa ni Kai habang lumilinga linga sa paligid. 

"Ah, he came here early. Sabi niya may kailangan siyang asikasuhin." Sagot ko bago chineck ang phone ko. Sabi ni Adam kanina na magtetext siya kapag imimeet niya kami. Pero hanggang ngayon wala pa rin siyang text.

"May kailangang asikasuhin? I don't see him dealing with some thing. Instead I see him dealing with someone." Tinaasan niya ako ng kilay saka nginuso ang likuran ko. My brows creased as I turned around.

And tama nga si Kai. He is dealing with someone. And not just someone.

It was Lilith. Again.

Mukhang hindi nanaman nila kami napansin dahil busy sila sa pag uusap. Napahawak ako sa singsing na regalo niya. 

'Bakit nakakaramdam ako ng kaba?'

"Oh hey, Lilith!" Si Tabi na ang unang pumukaw ng atensiyon nila. Nang mapadako sa amin ang tingin nila ay agad na naglakad palapit sa akin si Adam at kumindat habang inaakbayan ako. Inirapan ko na lang siya at inalis ang naka akbay niyang kamay.

"Hi guys! So this is it! I'm now an official student of Eden International High School!" Itinaas pa nito ang ID niya at proud na ipinakita sa amin. Nagkaroon naman ng kamustahan pagkatapos non.

"Lucian?" Nilingon ko si Leo na nakatingin sa isang direksiyon. Nang lumingon ang lalaki sa amin ay agad niya itong tinawag palapit.

"Lucian! Dito ka na rin mag aaral?" Tanong ni Eli pagkatapos niya itong i-bro hug.

"Yeah. My Dad said I should be here. Atsaka mas malapit sa amin." Sagot naman nito. Saglit itong napatingin sa gawi ni Lilith na binigyan siya ng matipid na ngiti. I looked side by side.

'Wow great. I guess we are all in one school. Just great.'

"Before I forget guys, meron pala tayong extra one subject this school year." Tinignan namin lahat si Adam.

"It's a proficiency subject. And we get to choose what specialization we want." He explained. I heard my friends groaning at the sudden news. Nilabas ni Adam ang isang papel at nakalista don yung mga specialization na  pwede naming kunin.

"I'll take photography and filming."

"I'll pick music then."

Nagkatingin kaming apat. Ako, si Lucian, Lilith, at si Adam. Nagkasabay sabay kasi kami. Nagksabay kami ni Lucian sa pagpili ng photography and filming habang si Lilith at Adam naman ay music.

It was awkward. Buti na lang at sumingit sa usapan si Kai at Sandra na kukuha ng fashion designing. Si Tabi naman ay sa music din habang sila Eli at Leo ay siyempre sa sports pa rin.

IN THE BEGINNINGWhere stories live. Discover now