"Parating na ko... Konti na lang Nicole... Parating na ko. I will make everything better." Hindi ko nakikita ang mukha niya. Ang nakikita ko lang ay ang kulay yellow na hoodie na suot niya.
"Dalian mo." Yun na lang ang paulit-ulit ko na nasabi... "Dalian mo..."
"Dalian mo!!!!! First day na first day mo tapos late ka?!" Panaginip lang pala. Nakakainis talaga 'tong si Kuya kahit kailan! Panira ng moment! Tumayo na ako sa kama at tinignan ko ang phone ko para i-check ang messages ko.
From: Chen
Good morning bes! Good luck sa first day mo! BEHAVE KA HA! I miss you. :(
Talaga 'tong bestfriend ko o, hayyy, namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang La Salle. Ngayon, ibang university na yung papasukan ko, ibang mga tao na yung makikita ko. Kung dati ay laging sa Taft ako hinahatid ni Manong Jun, ngayon ay sa ESPANA na. Oo tama kayo, simula ngayon ay magaaral na ako sa University of Santo Tomas. Kung dati isa kong Green Archer ngayon ay isa na akong Growling Tiger. Oh well, alam ko naman na wala akong karapatan na magreklamo. Kasalanan ko naman lahat 'to eh. Natanggal ako sa La Salle dahil hindi na ako pumapasok. Ano nga ba ang nangyari? Dati, nung nandito pa si Dad, okay naman ang lahat. Consistent Dean's Lister pa nga ako. Everything used to be in place. Lahat perfect. Hindi lang yun. Isa pa yung fact na naaalala ko yung ginawa sakin ng boyfriend ko. Na ngayon ay EX-BOYFRIEND ko na. He cheated on me. At worse? Kaibigan ko pa yung babae!
Flashback
Nandito ako ngayon sa condo ng boyfriend ko para i-surprise siya. 2 weeks na din kasi kaming hindi nagkikita dahil busy daw siya. Kaya eto, ako na ang nageffort na punatahan siya. May susi din kasi ako ng condo niya. Walang tao sa sala, malamang tulog pa yun. 9 AM pa lang din kasi. Dumiretso ako sa kwarto niya pero nung pagpasok ko, ako ang nasurprise........
"B-b-babe? Kat?" Ang boyfriend ko... At ang kaibigan/blockmate ko na si Kat... Nakahiga sa kama... Magkayakap... Nakakumot at walang damit...
"Nicole?! Anong ginagawa mo dito?" Sabi ng manloloko kong boyfriend
"Let me explain!"
"How could you... How could you!" Yan na lang ang nasabi ko at tumakbo na ako paalis ng condo niya habang umiiyak
Una nawala si Dad... Ngayon siya naman. Bakit ganun. Akala ko ba sabi niya na siya ang magaalaga sakin ngayong wala na si dad. Sabi niya hindi niya ako iiwan... Bakit niya ginawa yun. Bakit kaibigan ko pa. Bakit nila nagawa sakin 'to?
End of flashback
Pagkatapos ko maligo, sinuot ko na ang uniform ko. Yellow na inner, high waist skirt at black coat. Business Ad kasi ang course ko kahit nung sa La Salle pa. Natapos na ako ng pagaayos ng mga 9. 10 AM pa naman ang pasok ko kaya walang problema. 30 minutes lang din naman ang byahe mula sa bahay namin papunta sa UST. Meron pa kasi akong kailangan na daanan na mga papers kaya medyo maaga dapat ako. Tinawag na ako ni Manang Jocelyn kaya bumaba na ako para kumain ng breakfast.
"Dumaan ka sa condo mo mamaya at i-check mo kung may kulang pa na gamit. Magpasama ka na sa Kuya Paulo mo since wala naman siyang training ngayon." Sabi ng Mommy ko ".....And please Nicole, try not to mess up this time. Maswerte ka at kahit 2nd semester na eh natanggap ka dahil sa mga credentials mo."
"Yes mom... I'll try." I gave her a sarcastic look. Napa-sigh na lang siya.
Umalis na kami ni Kuya Paulo. Sa kanya na ako sumabay since magdadala naman siya ng kotse niya today. Dumating kami sa UST before 9:30 since wala namang traffic. Dumaan muna kami ni Kuya sa Main Building para kunin ang papers ko at hinatid niya ako sa building ko.
"Text mo na lang ako after ng class mo para sunduin kita ha." Sabi ni Kuya "Okay." I said coldly. "Good luck ha. And Nicole... I miss my little sister already." Dun sa sinabi ni Kuya, parang gustong gusto ko siya i-hug pero may pumipigil sakin. Hayyy. Hayaan ko na lang. I smiled weakly tapos pumasok na ko.
Room 307. Habang hinahanap ko ang room ko nagmamasid ako ng mga tao. Wala naman masyadong kinaibahan yung atmosphere dito at sa La Salle kaya madali din ako makakapag-adjust nito. Isa pa, friendly ako at approachable kaya alam ko na hindi ako mahihirapan na makipagkaibigan. Nakita ko na ang room ko at naglalakad na ko papunta dun nang biglang may bumangga sakin. Maliit lang siya, semi-kalbo, naka yellow na polo at aba.... GWAPO. Hahahahahaha!
"Sorry miss, nagmamadali kasi ako eh. Sorry talaga! Di ka din kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh." Aba ang kapal ng mukha! Ako pa daw ang di tumitingin sa dinadaanan ko! Gwapo sana eh! Hmph!
Natapos na ang first class ko ng 11:30. Tinext ko na si Dana dahil sabay kami na maglulunch ngayon. High school friend ko si Dana sa Poveda. Super close namin nun kaya lang nung college, naging busy kami kaya minsan na lang kami nakakapagusap.
Napili namin na kumain sa Bon Chon sa carpark. Nag catch up kaming dalawa tungkol sa mga happenings sa buhay namin. "Kamusta na nga pala kayo ni---" "We broke up" Hindi ko na pinatapos si Dana sa sasabihin niya. Maalala ko nanaman yung sakit kapag narinig ko pa ang pangalan niya. "I'm sorry... Hindi ko alam. Hmmm.. Kwento mo na lang sakin pag ready ka na. Just like the old times." Sabi niya with her warmest smile. Ito ang isa sa mga gusto ko kay Dana, naiintindihan niya yung mga bagay bagay. Kung alam niya na hindi mo gusto pagusapan, she'll let it go pero i-aassure niya sayo na nandyan lang siya to listen. Nagkkwentuhan kami nang nakarinig kami ng mga babae na tumitili. Nakita naman ni Dana na nagtataka ako "Masanay ka na. Ganyan talaga ang mga babae dito kapag dumadating ang Tigers." Tigers? Uh-ohhh... "Dana tara na, may class pa pala ako." Sabi ko sa kanya. Umalis na kami ng Bon Chon. Pababa na sana kami nang biglang "Nicole!" Too late... Nakita na ko ni Kuya. Lumapit kami ni Dana sa kanya. Magkakilala si Kuya at si Dana dahil nung high school ay madalas si Dana sa bahay namin. "Hi Dana. Nicole, nandito pala kayo. Di mo manlang sinabi sakin para nasamahan ko kayo." Sabi ni Kuya "Okay lang naman. Hindi na ko bata." Sabi ko sa kanya. Halata sakin na gustong gusto ko na umalis.
"EHEM." Sabi nung lalaki sa tabi niya. May 3 siyang kasama na lalaki. Mga naka yellow na polo din sila. Mga teamates niya siguro.
"Pakilala mo naman kami sa mga chiks mo Paps!" Sabi nung isa. Ha? Chiks? Baliw ba to?
"Si Nicole, KAPATID KO. Eto naman si Dana, Kaibigan niya." Parang nagulat naman yung mga lalaki na kasama niya
"Nicole and Dana... Si Tata tsaka si Kevin mga teamates ko."
"Hi." Sabi ko sa kanila. Si Dana naman, hindi makapagsalita, halata na na-starstruck
"May kapatid ka pala na maganda Paps di mo manlang sinasabi samin!" sabi nung Kevin
"Uhhh... Alis na kami Kuya. Kita na lang tayo mamaya." Sabi ko sabay hila kay Dana
Pumasok na ako sa mga natitirang class ko that day. Natapos na ang last class ko ng 3 PM tapos nagkita na kami ni Kuya. Pinuntahan namin yung condo ko tapos umuwi na. So far, okay naman ang naging first day ko. Madami akong new found friends, mostly yung mga blockmate ko. Mababait naman sila kaya hindi ako nahirapan na makisama sa kanila. Nagcheck muna ako ng Twitter bago ko matulog.
Clark Bautista followed you
Kevin Ferrer followed you
Finollow ko na din silang dalawa dahil baka sabihin nila na snob ako. Hindi na ako nagdinner dahil nagmerienda naman kami ng blockmates ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.