Chapter 4

327 5 0
                                    

NICOLE'S POV

I missed waking up like this. Sobrang sarap at gaan sa feeling na finally, okay na ang lahat. Okay na ulit ang lahat. I prayed to God again and thank Him for another day. Medyo maaga akong nagising kaya ako na nagluto ng breakfast namin. Nung buhay pa kasi si dad madalas ako ang nagluluto for us. It's been a while. Nakakamiss din pala gawin 'to.

"Manang Nicole mukhang masarap yan ha" Si Kuya. Dapat hindi na ko bumait eh! Ayan nanaman siya sa pangaasar sakin

"O, eto yung sayo" Sabay abot sa kanya ng pancakes "Yan yung may dog food. Hahahahaha" Sabi ko

"Wow. You cooked breakfast? Namiss ko 'to!" Sabi ni Mommy

Pagkatapos kumain, umalis na kami ni Kuya. Sumabay ulit ako sa kanya kahit 1 PM pa yung class ko. Kailangan ko pa kasing gumawa ng mga missed schoolworks ko since hindi ako pumasok kahapon. 

Hindi ko napansin yung oras. Magttwelve na pala nung matapos ako sa library. Nagtext na si Dana dahil sabay kaming magllunch ngayon. 

1 New Mesage 

From: Paulo Pe

Sissy! San ka? Sabay tayo lunch! Libre mo naman yung gwapo mong kuya na gutom na gutom na. :(

Kahit kailan kuripot! Kaya walang girlfriend eh!

To: Paulo Pe

Sige, pero kasabay natin si Dana ha? Kita tayo sa Greenwich. 

PS: Kuya lang.... Hindi gwapo. 

Nauna kami ni Dana na dumating sa Greenwich. Ano ba yan, ang tagal ni Kuya. Nakita ko na siya. Teka, parang ang dami niyang kasama? Kasama niya pala yung teamates niya. Teka teamates?! Nakakahiyaaaa!!!! Nakita pala nila ko na lasing kahapon. Argggh si Kuya naman hindi manlang nagsabi! Grabe nakakahiya talaga. Bahala na! Act normal Nicole. Act like nothing happened.

"Kanina pa kayo?" Tanong ni Kuya

"Oo kaya! Tagal tagal mo!"

"Eh si Fort kasi ang tagal eh!" Fort? Sino kaya sa kanila yung Fort? "Nga pala si Kevin, si Tata, si Kim, si Aljon, si Teng" Pagpapakilala sa kanila ni Kuya 

"Hello" Matipid at nahihiya kong sagot. Grabeeee nakakahiya! Sana hindi na nila ko naaalala

"Hi!" Sabi ni Dana. Mukhang sobrang saya nito ah

"Teka. Asan na si Fort? Akala ko kasama?"

"Present" Sabi nung maliit na lalaki na biglang sumulpot. Teka, kilala ko to ah!

"Mas cute ka pala pag hindi ka lasing" Sabi nung Fort. Omg! Nakakahiya talaga!!!! Wait... Tama! Ito yung bumangga sakin nung isang araw! Grabe ang yabang talaga! Kung makatingin pa, nakakatunaw!

"Wag ka masyadong tumitig sakin Mr. Fortuna, baka matamaan ka nanaman ng bola" Sabay yaya ko kay Dana sa loob. Hah! Akala niya ha! Hahahaha!

Nakita ko na pinagtatawanan siya nila Kuya at may sinabi pa sa kanya bago sila pumasok.

Ang ingay ingay nila habang kumakain grabe ang saya nila kasama sobra. Puro sila asaran at tawanan. 

FORT'S POV

Ano ba tong prof namin, ang tagal namang magpalabas! Gutom na gutom na ko eh. Nandun na kaya sila Kevin? Sabay sabay kasi kakain ng lunch eh. Baka nauna na yun dun ah. Finally! Nagpalabas na din siya. Naglakad ako ng mabilis mula sa building papunta sa Greenwich. Dun daw kasi kami kakain. Naglakad na ako ng mabilis papunta dun para wala nang magpapicture. Sorry talaga pero gutom na gutom na talaga ko! :( Ayun! Kita ko na sila pero nasa labas pa lang. May kasama sila na dalawang babae. Teka... Si Nicole to ah! Hala anong gagawin ko! Shit naman Fort para kang bading! Wag ka ngang torpe! Lumapit na ako sa kanila pero mukhang di nila ko napansin.

MY SAVIORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon