FORT'S POV
Pinapanood ko ngayon na kumain si Nicole. Grabe, ang lakas talaga niya kumain. Ibang klase. Buti na lang talaga kasama nagkita kami ni Paulo kanina kaya kasama ko siya ngayon.
Flashback
Nakahiga ako ngayon nagiisip kung anong kakainin. Naghihintay din ng text ni Nicole at nagiisip ng paraan kung pano ko siya makikita. Tuesday kasi ngayon eh. Wala kaming class na magkasama. Tuwing MWF lang kasi yun.
♫ Owohuwo... Monday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday...
Ang lungkot ng araw pag dating ng Tuesday.
Everyday na sana tayong magkasama.
Pero sayang talaga di pwedeng ipilit pag Tuesday.
I hate this day of Tuesday.
I hate this day pag Tuesday.
I hate this day of Tuesday.
Aha aha aha.
Grabe naman tong soundtrip ni Kevin! Parang alam yung nararamdaman ko ha!
"Ron, kain tayo sa Mcdo!"
"Tara!" wow pagdating sa pagkain ang dali talagang kausap ah
"Paps!" si Paulo
"Uy paps" bati namin ni Ron
Napansin kong may dala siya na malaking libro. Libro?! Kailan pa?
"Paps, pupusta ko lahat tong pagkain namin ni Ron. Hindi sayo yang libro na hawak mo"
"Hoy! Pagkain mo lang! Wag mo idamay pagkain ko!" sabay takip sa mga pagkain niya. Napakatakaw! Hahaha
"Loko ka paps ha" sabi ni Paulo
"Ikaw din Fort. Baka di ka na payagan nyan ligawan si Nicole"
"Wag mo naman bigyan ng idea" biro ko
"Speaking of Nicole paps, sa kanya tong libro na to. Naiwan niya kasi sa bahay eh. Kailangan niya daw to para sa homework niya mamaya. Gusto mo ba ikaw na lang magbigay?" he gave me a meaningful look
"Thanks paps!" sabi ko sa kanya
Pagbalik namin sa dorm tinext ko agad si Nicole
To: Nicole Pe
Good morning beautiful. :) See you later!
From: Nicole Pe
Good morning Captain :) Ang sarap sa mata nung beautiful na yun! Anyway, pano tayo magkikita later? May usapan ba tayo?
Hindi ko na siya nireplyan. Syempre papamiss muna ko! Tsaka para may element of surprise. Okay Fort ang dami mong alam!
Tinext ako ni Paulo. Nasa Tokyo Tokyo daw si Nicole. Syempre pumunta na agad ako dun. I don't want to keep a princess waiting. :)
Pinagmasdan ko na muna siya ng konti bago pumasok. Nakita ko na nagtext siya at mukhang aburido na. Tinext siguro niya si Paulo kung nasan na siya. Nakita ko na hinawakan niya yung tyan niya. Nako gutom na to!
"Special delivery" sabi ko pagkaupo ko sa tabi niya
FFW
"What time class mo?" tanong ko