Chapter 5

306 3 4
                                    

NICOLE'S POV

"Nasan po si mommy, manang?" Paggising ko bumaba na agad ako. Saturday kasi ngayon. Pag Saturday nag-yoyoga kami ni Mommy

"Nako wala eh. Pumunta sa foundation kasi meron daw silang medical outreach ngayon" 

"Ako, hindi mo ba ko hahanapin?" Si kuya -_-

"Oo nga pala manang 'no, may kapatid nga pala ko. Lagi ko na lang nakakalimutan" Sabay pout 

Hahaha! Panalo nanaman ako kay Kuya! Napansin ko naman na bagong ligo siya at mukhang aalis

"Wow? Naligo ka? Bago yan ah? Ano meron?" Wahaha! Akala mo ha

"Bahala ka dyan, di ka kasama" Sabi ni kuya na kunyari nagtatampo hahaha

"Kasama? Saan?"

"Sa Tagaytay"

"Tagaytay?! Bulalo?! Sama koooooooo!" *puppy eyes

"Grabe, pagkain nanaman?! Ayoko, inaaway mo ko. Maiwan ka dito. Kasama mo si Kisses" Si Kisses yung aso namin

"Eeeeeh kuyaaaa, sama mo na kooooo please" lahat na ng pagpapacute ginawa ko. Sana magwork!

"Oo na! Sige na magbihis ka na!"

"Yay!! Teka sino ba kasama?"

"Yung team"

"Ha? Eh wala naman ako ka-close dun kuya. Tsaka puro kayo lalaki baka ma-OP ako" Joke lang to, nagpapapilit lang talaga ko. Hahahaha!

"Nandun yung kaibigan mo sa La Salle ah? Chy ba yun? Yun yung isasama ni Aljon eh"

"What?! Si Chy?! Aljon?! Pano nangyari yun? Magkakilala sila?!" Grabe hindi pa din ako makapaniwala. Wala naman kasi nakkwento sakin si Chy. Sa bagay, nung huli kaming magkita sa Eastwood di naman kami masyadong nakapagusap tsaka nalasing kasi ako nun

"Oo no. At pati si Dana kasama"

"Si Dana? Bakit naman nasama si Dana?"

"Siya yung kasama ni Teng"

"Ano?! Si Dana?! Si Teng?! Anong meron sa kanila? Bakit hindi niya sakin sinasabi?!"

"Bakit, ako ba si Dana?" Badtrip! Naka 1 point siya sakin dun ha Anong nangyayari? Bakit yung mga kaibigan ko iniisa isa na ang Tigers? Bakit wala akong kaalam alam?Nako, kailangan ko talagang sumama ngayong to investigate! Wala din naman akong gagawin ngayong araw at kailangan ko to para maging mas madali yung pagmomove on ko kay Jeron.

"Dalian mo na maligo ka na bago pa magbago isip ko! Late na tayo" 

"Maliligo na ko! Sasama ko yeeeey!" Sabi ko na super excited

FORT'S POV

Nandito kami ng team ngayon sa Mcdo Lacson. Tagal kasi ni Pe eh. Usapan 9 AM eh quarter to 10 na. Natanaw ko na yung kotse ni Paulo. Hay salamat naman! Teka. Parang may babae na nakasakay sa kotse niya ha. Akala ko ba wala kaming isasama na babae? Ang daya naman nito si Paulo. Forever alone tuloy ako ngayon! Pero nung bumaba yung babae... Si Nicole! Kasama pala siya ngayon :">

"Kasama ka pala hindi mo sinabi sakin kahapon" Sabi ko kay Nicole paglapit nila ni Paulo samin. Si Paulo halatang nagulat sa sinabi ko

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Paulo

"Classmates kami sa isang subject paps" Sabi ko naman sa kanya

"Kaya pala. Fort bantayan mo tong kapatid ko ha! Tsaka wag mo papayagan na kopyahan ka. Mahilig to mangopya eh" Sabi niya sabay gulo sa buhok ni Nicole. Ang cute naman nitong dalawa na to hahaha

MY SAVIORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon