FORT'S POV
Nandito ako ngayon sa Starbucks. Hinihintay ko siya.
"Paps"
"Paps. Order ka muna bago tayo magusap"
"Anak ng teteng. Nagmadali pa naman ako kasi akala ko libre"
"Nasan na yung iba?" Tanong niya
"Tayong dalawa lang" Sagot ko
"Fort. Wag mo nang ituloy yang binabalak mo ha. Hindi ako ganun. Wala akong girlfriend pero straight ako. Alam mo yan"
"Sira! Hindi yun! Kadiri ka paps!"
"O seryoso na. Bakit ba tayo kailangan magusap? Bawal ba sa text yan?"
"Paps. Gusto ko sana ligawan kapatid mo"
Halatang gulat na gulat si Paulo sa sinabi ko
"Kapatid ko? Si Nicole? Bakit? You've only known her for almost 2 months Fort"
"Yun na nga yun paps eh. 2 months a lang halos pero nung ua ko pa lang siya nakita, promise paps hindi na nawala yung kapatid mo sa isip ko. Iba eh"
"Fort, sigurado ka ba dyan? Nasaktan na yung kapatid ko. Sobra. Nakita ko mismo yung pinagdaanan niya nun at ayoko na ulit na maranasan niya nun. Ginagawa ko lahat para protektahan yang kapatid ko"
"Pare. Kilala mo naman ako eh. Alam mo kung anong klase akong lalaki. Hindi ko sasaktan kapatid mo. She's really special bro"
"I appreciate na kinausap mo muna ko bago ka gumawa ng move Fort. Salamat sa respeto. Panghahawakan ko yang mga sinabi mo sakin ngayon pero pag sinaktan mo kapatid ko pre, hindi ko na iisipin yung pagkakaibigan natin. Mahal na mahal ko yung kapatid ko pre. Wag mong paiiyakin"
"Thank you pre. Wala akong gustong gawin kundi pasayahin si Nicole kaya you have nothing to worry about"
"Sige bro. Uwi na ko. Walang kasama si mommy eh. Good luck kay Nicole bro"
"Salamat paps. Ingat"
"Yung usapan natin ha"
"Yes boss" at nag hand shake kami
"Mukhang masaya tayo ah" sabi ni Ron pagpasok na pagpasok ko sa dorm
"Porkit may milktea buddy ka na!" dagdag pa niya
"Kamusta lakad? si Kevin. Alam niya kasi na kinausap ko si Paulo.
"Positive paps. Payag si kuya" I said with a big smile on my face
"Yown!!!" sabay nilang sabi
"Teka, alam mo?" sabi ko kay Ron
"Sinabi ko" sabi ni Kevin "Eto kasing baby Ron mo hanap nang hanap sayo kanina pa eh"
"Baby naman kasi eh pinagpapalit mo ko" sabi ni Ron habang nakapout
"Baby naman wag ka na magtampo. Ikaw ang first love ko promise" at nag flying kiss ako sa kanya
"Ipagpatuloy niyo pa yan lalayasan ko kayo! Kadiri!" si Kevin. Hahahahaha.
Tinignan ko yung phone ko. Wala pa ring reply si Nicole. Bakit kaya? Sabi naman niya wala siyang ginagawa. Baka naman na turn off siya sa sinabi ko? Hayyy, sana naman hindi.
NICOLE'S POV
I woke up to the sound of the rain. I checked the clock, 7:38 AM. Mamayang 10 pa yung class ko. Kinuha ko na yung phone ko kasi kailangan ko itext si kuya. May libro kasi ako na naiwan sa bahay.
To: Paulo Pe
Kuya yung book ko ha! Don't forget. Ingat ka going to school. Mwah!
I decided to cook breakfast for a change. Lagi na lang kasi akong bumibili ng breakfast sa mga fastfood chains.
After eating breakfast, I noticed na my phone is blinking. Must be a text from kuya.
From: Jeric Fortuna
Good morning beautiful. :) See you later!
Good morning beautiful :)
Good morning beautiful :)
Good morning beautiful :)
Hay Fort! Kung alam mo lang kung anong epekto mo sakin!
Pero wait. See you later? Tuesday ngayon ha? Ibig sabihin wala kaming class together kasi tuwing MWF yun.
To: Jeric Fortuna
Good morning Captain :) Ang sarap naman sa mata nung beautiful na yun! Anyway, pano tayo magkikita later? May usapan ba tayo?
Hindi naman siya nagreply. Hmp. Bahala siya.
To: Paulo Pe
Kuya let' meet nalang sa Tokyo Tokyo later ha. Libre mo na din ako ng lunch I'm craving for Jap food! Hehehehe thanks!
Natapos na ang 10 AM-12 NN class ko at papunta na ako sa carpark nang makasalubong ko si Dana at si Teng.
"O bakit magisa ka?" tanong ni Teng
"Eh pano si Dana kasama mo" pabiro kong sabi "Papunta na din ako sa carpark sabay kasi kaming maglulunch ni kuya"
"Maghanap ka na kasi ng lovelife para may iba ka namang ksaabay sa lunch bukod samin ng kuya mo!" sabi ni Dana
"Che! Dadating din yun. Hindi hinahanap yun" sabi ko naman
"Malay mo dumating na" sabi ni Teng . He gave me a meaningful look
The two started walking leaving me dumbfounded. Bahala sila!
Dumating na ako sa Tokyo Tokyo pero wala pa din si kuya. Nako, late as always!
To: Paulo Pe
Nasan ka na? Hurry! Gutom na akooooooo!
"Special delivery" biglang may nagsalita sa gilid ko
SI FORT.
"Uy Fort! Bakit nandito ka? Tsaka bakit ikaw nagdala nyan? Si kuya talaga o inutusan ka pa. Sorry ha"
"Okay lang. Wala naman akong class ngayon eh. So tara? Order na tayo?"
Ito ba yung sinasabi niya na see you later kanina? Nako Fort.... Mukhang unti unti ko nang nalalaman kung ano tong nararamdaman ko para sayo.